30/07/2026
Grabe, sobrang ganda ng homily ni Fr. A. Sa totoo lang, hindi ko in-expect na magsisimula siya saโฆ adobo. ๐
Sabi niya, isipin mo raw kung favorite mo ang adobo. Sa umpisa, sobrang sarap. Mapaparami ka pa ng kanin. Pero paano kung Monday adobo, Tuesday adobo, Wednesday adoboโฆ hanggang Sunday adobo ulit? Siguro after ilang araw, kahit paborito mo pa yan, magsasawa ka rin. Darating sa punto na ayaw mo na siyang makita. Hindi dahil hindi na masarap ang adobo, kundi dahil nasanay ka na.
Doon ako napaisip.
Minsan ganito rin tayo sa buhay. Lagi nating hinihiling kay Lord na sana puro blessings lang, puro success, puro saya, walang problema, walang sakit, walang taong mahirap pakisamahan. Pero paano kung ganun nga ang buhay? Baka dumating din sa punto na hindi na natin ma-appreciate ang mga biyaya. Baka maging normal na lang sa atin ang lahat. At ang mas nakakalungkot, baka makalimutan pa natin ang Diyos na siyang pinanggalingan ng lahat ng kabutihan.
Personally, guilty ako rito.
Minsan kapag maayos ang lahat, hindi ko namamalayan na mas nagiging relaxed ako sa prayer life ko. Pero kapag may pinagdadaanan na, doon ako mas lumalapit kay Lord. Hindi naman ibig sabihin na gusto ng Diyos na mahirapan tayo. Pero minsan ginagamit Niya ang mga imperfections ng buhay para ipaalala sa atin na hindi natin kayang mabuhay nang wala Siya.
Ang ganda rin nung sinabi ni Fr. A tungkol sa creation. Sabi niya, bakit daw ba gumawa pa ang Diyos ng gabi? Pwede namang puro umaga na lang para tuloy-tuloy ang trabaho at productivity. Pero isipin mo, kaya mo bang magtrabaho nang tatlong araw na walang tulog? Siyempre hindi. Kailangan natin ang gabi para ma-appreciate ang araw. Kailangan natin ang pahinga para magkaroon ng lakas.
Parang life lang din. Kailangan minsan ng lungkot para mas ma-appreciate natin ang saya. Kailangan minsan ng failure para mas maintindihan natin ang halaga ng success. Hindi perfect ang mundo, pero sabi nga ng Genesis, pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat, nakita Niya na ito ay very good. Hindi perfectโฆ pero good.
Isa pa sa tumatak sa akin ay yung Gospel tungkol sa trigo at damo. Natural lang sa atin na gusto nating bunutin agad ang lahat ng โdamoโ sa buhay natin. Gusto nating mawala agad ang problema, ang toxic na tao, ang suffering, ang struggles. Pero sabi ng Panginoon, โHayaan muna.โ Kasi baka habang binubunot mo ang damo, pati ang trigo ay mabunot.
Napaisip tuloy ako. Ilang beses na kaya akong nagreklamo kay Lord dahil gusto kong alisin agad ang isang sitwasyon, pero hindi ko alam na baka ginagamit pala Niya iyon para palaguin ako? Minsan kasi gusto natin ng instant solution, pero ang Diyos mas concerned sa kung ano ang mangyayari sa puso natin pagkatapos ng laban.
At gusto ko rin yung practical na sinabi ni Fr. A. Sabi niya, tigilan na raw natin ang puro reklamo sa kasamaan ng mundo. Ang tanong daw ay hindi lang, โBakit may evil?โ Ang tanong ay, โAno ang ginagawa kong mabuti?โ
Napakasimple pero napakalalim.
Kung alam mong kailangan mong mag-aral, mag-aral. Kung alam mong kailangan mong magpatawad, magpatawad. Kung alam mong kailangan mong magmahal, magmahal. Hindi sapat na alam lang natin ang tama. Ang kabutihan ay hindi lang ina-admire. Ginagawa ito.
At isa pang tumama sa akin ay yung warning niya tungkol sa overconfidence. Minsan kasi iniisip natin, โOkay lang yan. Kaya ko namang i-handle ang temptation.โ โHindi naman ako babagsak.โ Pero sabi nga ni Fr. A., huwag masyadong kampante. Mas matalino ang diyablo kaysa sa atin. Kapag may tukso, huwag mo nang subukang patunayan na malakas ka. Tumakbo ka na. Kasi maraming tao ang hindi dahil mahina sila kaya sila bumagsak, kundi dahil naging sobrang kampante sila.
Naalala ko rin yung kwento niya tungkol sa pagpunta niya sa Indonesia. May nakausap siyang mga Australian at sinabi niyang winter noon sa Australia. Kung pupunta ka roon, siyempre lalamigin ka. Hindi ka pwedeng magreklamo na, โBakit ang lamig dito?โ Kasi winter nga. Ang kailangan mong gawin ay mag-adjust.
Parang sa buhay. Masyado tayong busy magtanong kung bakit may paghihirap, bakit may kasamaan, bakit may imperfections. Pero baka ang mas magandang tanong ay, โPaano ako magiging mabuti sa mundong ito?โ Hindi natin kontrolado ang lahat ng nangyayari, pero kontrolado natin kung paano tayo tutugon.
Sa huli, ito ang realization ko. Hindi pala tayo tinawag ng Diyos para magkaroon ng perfect life. Tinawag Niya tayong mamuhay nang may tiwala sa Kanya sa gitna ng imperfect life.
Oo, may mga โdamoโ pa rin sa buhay natin. May mga tanong na hanggang ngayon wala pa ring sagot. May mga sugat na hindi pa rin naghihilom. Pero habang hinihintay natin ang tamang panahon ng Diyos, isang bagay ang malinaw: Do good. Avoid evil. Trust God.
Dahil kahit hindi natin laging naiintindihan ang nangyayari, alam ng Diyos ang ginagawa Niya. At sa huli, makikita rin natin na kahit imperfect ang buhay na ito, maaari pa rin pala itong maging very good kapag kasama natin Siya.
19 July 2026 | Sunday Mass
16แตสฐ Sunday in Ordinary Time
Live at St. John Bosco Parish, Makati City
Rev Fr Armand, SDB
Full Homily | https://www.facebook.com/share/v/18zY7mn6PG/?mibextid=wwXIfr