04/04/2026
Mateo 28:5-6- " Ngunit sinabi ng anghel sa mga babae, "Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala sya rito, sapagkat siya'y muling nabuhay, gaya ng kanyang sinabi...."
Mga Kapanalig, bukas sa ganap na 7:30 ng umaga magkakaroon po tayo ng Banal na Misa para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng ating dakilang Panginoon. Makiisa sa ating pagdiriwang ng pagkatagumpay ni Jesus sa kamatayan at sa pagbigay ng bagong buhay sa atin.
Magbalik loob, magsisi sa ating mga kasalanan at palakasin ang pananampalataya sa Diyos. Sama- sama nating ipagdiwang ang pag ibig at pag asa ni Jesus !