Ang Occidental Mindoro Associate Conference ay isang Kumperensya sa ilalim ng South Luzon Jurisdictional Area ng UCCP. Sa mga Kongregasyong ito 15 ang local churches, 5 ang worshipping congregations at 12 ang mission outreaches. Ang kumperensyang ito ay naitatag noong 2010 UCCP General Assembly sa Siliman University, Dumaguete City at noong Taong 2011 ay idinaos ang First OMAC Annual Session sa U
CCP-Poblacion, Abra de ilog kung saan idinaos din ang Makasaysayang Paghiwalay ng Occidental Mindoro sa inang kumperensya ng Mindoro na ngayon ay Oriental Mindoro Conference. Ang OMAC ay isang kumperensyang laging handang maglingkod sa mga aba at nangangailangan tulad ng mga katutubong Mangyan at mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong nagpapaangat ng kalidad ng Buhay ng tao upang mapapurihan ang Panginoon.