St. Joseph the Spouse Parish- Central, SJOM

St. Joseph the Spouse Parish- Central, SJOM Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from St. Joseph the Spouse Parish- Central, SJOM, Religious organisation, San Jose.

April 19, 2025A heartfelt thanksgiving for Fr. Carl, who generously gave his heart and life to the Parish of St. Joseph....
19/04/2026

April 19, 2025

A heartfelt thanksgiving for Fr. Carl, who generously gave his heart and life to the Parish of St. Joseph.

Maraming salamat po, Fr. Carl, sa pagtanggap sa amin nang buong puso, sa walang sawang paggabay, at sa pagbabahagi ng inyong kaalaman upang kami bilang mga lingkod ng Diyos.

Hindi man madali ang pamamaalam, dala-dala namin ang lahat ng aral at pagmamahal na iniwan ninyo sa amin.

Sa bawat hakbang ninyo sa bagong yugto ng inyong misyon, kasama ninyo ang aming mga panalangin at pasasalamat.

Hanggang sa muli, Fr. Carl.
Ang inyong tahanan ay mananatili sa aming mga puso. 🤍✨

11/04/2026

ABRIL 12, 2026 - LINGGO

Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Mga Gawa 2, 42-47
Salmo 117, 2-4. 13-15. 22-24

Butihing Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw.

1 Pedro 1, 3-9
Juan 20, 19-31



Second Sunday of Easter (White)
Divine Mercy Sunday

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2, 42-47

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Ang mga kapatid ay nanatili sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin.

Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ng kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa templo, naghahati-hati ng tinapay sa kanilang tahanan, at nagsasalu-salong masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 2-4. 13-15. 22-24

Butihing Poo’y purihin,
pag-ibig n’ya’y walang maliw.

Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.”
Mga saserdote ng Diyos na Panginoon,
bayaang magsaysay:
“Ang pag-ibig ng Diyos, walang katapusan.”
Lahat ng may takot sa Panginoong Diyos, dapat magpahayag,
“Ang pag-ibig niya’y hindi magwawakas.”

Butihing Poo’y purihin,
pag-ibig n’ya’y walang maliw.

Sinalakay ako’t
halos magtagumpay ang mga kaaway,
dahilan sa roon sila’y napipilan.
Dahilan sa roon ako’y pinalakas, at ako’y tumatag;
Siya, sa buhay ko, ang Tagapagligtas.
Dinggin ang masayang
sigawan sa tolda ng mga hinirang:
“Panginoo’y siyang lakas na patnubay.”

Butihing Poo’y purihin,
pag-ibig n’ya’y walang maliw.

Ang batong natakwil
ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos,
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.

Butihing Poo’y purihin,
pag-ibig n’ya’y walang maliw.

IKALAWANG PAGBASA
1 Pedro 1, 3-9

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo’y isinilang sa isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ang bagong buhay na iyan ang nagbigay sa atin ng malaking pag-asa na kakamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan, di masisira, at di kukupas. Ang kayamanang iya’y nakalaan sa inyo doon sa langit. Sapagkat kayo’y sumampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos samantalang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa katapusan ng mga panahon.

Ito’y dapat ninyong ikagalak, bagamat maaaring magdanas muna kayo ng iba’t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayun din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon, kayo’y papupurihan, dadakilain, at pararangalan sa Araw na mahayag si Hesukristo. Hindi ninyo siya nakita kailanman, ngunit nananalig na kayo sa kanya. Dahil dito’y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita. Sapagkat inaani na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya — ang inyong kaligtasan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 20, 29

Aleluya! Aleluya!
Mapalad at maligaya
ang sumasampalataya
sa di nakita ng mata!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 19-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanya ng ibang alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga’t di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga’t hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran.”

Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” Saka sinabi kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

Marami pang kababalaghang ginawa si Hesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito. Ang natala rito’y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, at sa gayo’y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Missalette (Tagalog)


Sa araw na itong pinararangalan natin si Hesus na Hari ng Banal na Awa, buksan natin sa Kanya ang ating mga puso at manalangin nang buong kababaang-loob at pananalig:

Mahabaging Hesus, dinggin ang aming panalangin.

Para sa Simbahan, sa Santo Papa at sa iba pang mga namumuno: nawa’y maging liwanag at daluyan sila ng awa ng Diyos sa lahat, sa mga mananampalataya man o hindi. Manalangin tayo.

Para sa mga nagpapakumpisal: nawa’y laging maging karapat-dapat silang kasangkapan ng mahabaging pag-ibig ni Kristo. Manalangin tayo.

Para sa mga tulad ni Tomas na nahihirapang maniwala sa Muling Pagkabuhay: nawa’y sa pagsaksi ng pamayanang Kristiyano matulungan silang maibsan ang pagdududa at lumakas ang kanilang pananampalataya. Manalangin tayo.

Para sa lahat ng nahihirapan dahil sa sakit sa katawan, isip, o kaluluwa: nawa’y matagpuan nila ang kagalingan at aliw sa pagmamahal at pagmamalasakit ng mga mananampalataya. Manalangin tayo.

Maawaing Hesus, salamat sa mga kaloob ng Banal na Espiritu—ang Iyong kapayapaan at kapatawaran. Nawa’y ilapit kami nito sa Iyo at sa isa’t isa, at gawing kaming instrumento ng Iyong pagmamahal para sa lahat ng aming kapatid. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

05/04/2026

ANG PAGSALUBONG NG PANGINOONG HESUKRISTONG MULING NABUHAY AT NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

Happy Easter! 🐣
05/04/2026

Happy Easter! 🐣

Linggo ng Paskong Muling Pagkabuhay“Siya ay muling nabuhay tunay na Siya’y nabuhay!” Nawa’y ang katotohanang ito ang mag...
05/04/2026

Linggo ng Paskong Muling Pagkabuhay

“Siya ay muling nabuhay tunay na Siya’y nabuhay!” Nawa’y ang katotohanang ito ang magpaalala sa atin na sa bawat pagtatapos ay may bagong simula, at sa piling ng Diyos, ang pag-asa ay laging buhay. ✨

ANG PAGSALUBONG NG PANGINOONG HESUKRISTONG MULING NABUHAY AT NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
05/04/2026

ANG PAGSALUBONG NG PANGINOONG HESUKRISTONG MULING NABUHAY AT NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

04/04/2026
04/04/2026

MGA PAGBASA NGAYONG LINGGO ABRIL 05, 2026

Araw ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Easter Sunday of the Lord’s Resurrection (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 10, 34a. 37-43

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagsalita si Pedro, “Alam ninyo ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko’y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo. Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya’y ipinako nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Napakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una’y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya’y muling mabuhay. Inatasan niya kaming mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay. Siya ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang pangalan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 1-2. 16ab-17. 22-23

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

o kaya: Aleluya!

O pasalamatan
ang Panginoong Diyos,
pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.”

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

Ang lakas ng P**n,
ang siyang nagdulot ng ating tagumpay
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing
di ako papanaw, mabubuhay ako
upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

Ang batong natakwil
ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato’y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito
ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.
Kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.

Araw ngayon ng Maykapal
magalak tayo’t magdiwang.

IKALAWANG PAGBASA
Colosas 3, 1-4

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid:

Binuhay kayong muli, kasama ni Kristo, kaya’t ang pagsumakitan ninyo ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Kristo na nakaupo sa kanan ng Diyos. Isaisip ninyo ang mga bagay na panlangit, hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang tunay na buhay ninyo’y natatago sa Diyos, kasama ni Kristo. Si Kristo ang tunay na buhay ninyo, at pag siya’y nahayag, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
1 Corinto 5, 6b-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napaaalsa ng kaunting lebadura ang buong masa?” Alisin ninyo ang lumang lebadura, ang kasalanan, upang kayo’y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang lebadura – at ganyan nga kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskuwa – si Kristo. Kaya’t ipagdiwang natin ang Paskuwa, ngunit hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang lebadura ng kasamaan at kahalayan, kundi sa pamamagitan ng tinapay na walang lebadura, sagisag ng kalinisan at katapatan.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Purihin si Hesukristo
hain para sa tao.

Nagligtas na Kordero
nang makasundo tayo
ng Amang Lumikha nitong mundo.

Buhay at kamatayan
kapwa nagtunggalian
at ang nagtagumpay
“Pagkabuhay.”

Ano ba Maria,
ang ‘yong mga nakita?

Puntod ni Kristong nabuhay,
liwanag niya’t kaningningan.

Anghel na malinaw,
kumot at kasuotan.

Buhay si Kristong pag-asa
pupunta s’ya sa Galilea.

Kami’y sumasampalatayang
buhay kang talaga,
Hari ng ligaya,
magbasbas ka.

ALELUYA
1 Corinto 5, 7b-8a

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y inihain na
pamaskong maamong tupa.
Magsalo tayo sa kanya!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!” Kaya’t si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuloy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya’y naniwala. Hindi pa nila nauunawaan ang nasasaad sa Kasulatan, na kailangang muling mabuhay si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Sa pagmimisa sa hapon, maipapahayag ito.

Lucas 24, 13-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siya’y nakita nila, ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngala’y Cleopas, “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong niya. At sumagot sila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y nakakita raw sila ng isang pangitain – mga anghel na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus.”

Sinabi sa kanila ni Hesus, “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.

Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya’y pinakapigil-pigil nila. “Tumuloy na po kayo rito sa amin,” anila, “sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya’t sumama nga siya sa kanila. Nang siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”

Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!” At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin niya ang tinapay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Araw ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Missalette (Tagalog)

Ang muling pagkabuhay ng Panginoon ang pumupuno sa atin ng hangaring mamuhay ng bagong buhay—na may katapatan, kalinisan, kabanalan, pag-ibig, at paglilingkod. Manalangin tayo matupad ang mga ito para sa lahat:

Panginoon, dinggin Mo kami.

Upang ang sambayanan ng mga mananampalataya ay magbigay saksi sa muling pagkabuhay ni Kristo sa
pamamagitan ng patuloy na pagbabagong-loob mula sa kasalanan, manalangin tayo.

Upang ang Santo Papa, ating mga Obispo, at lahat ng ating pinunong espirituwal ay magtamo ng kasiyahan at mapuspos ng kapayapaan dahil sa muling pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo.

Upang ang mga mga nasisiraan ng loob dahil sa ‘di-masupil na karahasan, paniniil, at paghihirap ay makatagpo sa Muling Pagkabuhay ng lakas at tapang upang magpatuloy sa pagtatatag ng mas maayos na lipunan, manalangin tayo.

Upang tayong lahat ay makatanggap ng biyaya ng Pasko ng Pagkabuhay, bagong puso at isipan, na magdudulot ng bagong buhay sa ating mga pagpapahalaga, pamayanan, at institusyon, manalangin tayo.

Panginoong Diyos, nawa’y ang kaluwalhatian ng muling pagkabuhay ng Iyong Anak ay laging magningning sa aming buhay, at nawa’y ang aming isip, salita, at gawa ay sumalamin sa bagong buhay na Kaloob Mo sa amin. Hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesukristo, ang aming Panginoon. Amen

Pagninilay: Sa pelikulang nangangalang “The Croods,” makikita natin ang isang pamilya ng mga nakatira sa kuweba. Humahanap sila ng mga pagkain at inuman para makapagligtas. Habang lumilipas ang panahon, unti-unting nagkakaroon ng mga pagbabago sa mundo dahil sa mga iba’t ibang klima at panahon. Kapag ganito ang mga pangyayari, tumatago ang pamilya sa kanilang kuweba. Ang padre de pamilya na nangangalang Grug ay laging strikto sa pangangalaga sa kanila. Subalit ang kanyang anak na babae na ngangalang Eep ay biglang sumunod sa liwanag, kung saan nakasalubong ito sa isang lalaking nangangalang Guy. Sumusunod si Eep sa lalaki, kasama ang kanyang pamilya para makahanap ang lugar ng paraiso. Naiingit si Grug kay Guy, kaya tinatago niya ang kanyang pamilya sa isang kuweba tuwing may paparating na panganib. Ngunit sa bandang huli, naunawaan ng ama na dapat sundan ang liwanag at huwag tumago sa kadiliman. Natapos ang pelikulang ito nang makarating sila sa isla ng paraiso. Mga kapatid, katulad ba tayo ni Grug na laging tumatago sa kadiliman para makapagligtas, hanggang maunawaan natin ang pagsusunod sa kaliwanagan? Katulad ba tayo ni Eep na sundan ang liwanag para makamtan ang magagandang kinabukasan? Katulad ba tayo ni Guy na gumgabay ang ating mga kapwa patungo sa isang masaganang lupain? Ngayong pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon, makikita natin kung paanong muling nabuhay ang ating Panginoong Hesus mula sa kamatayan. Ang kanyang Misteryong Paskwal ay parang pagtatalo ayon sa kanyang mga kaaway, ngunit ito ay isang tagumpay. Namatay si Hesus sa krus para iligtas tayo sa kasalanan, at nabuhay siya na mag-uli at tinalo ang kasalanan at kamatayan. Dahil siya’y muling nabuhay, binigyan niya tayo ng bagong buhay, bagong kapanganakan, at bagong pag-asa. Totoong naparito siya para sa lahat, ngunit yung mga naniwala at sumunod sa kanya, katulad ng kanyang mga Apostol, ay nailigtas niya at nakikibahagi sa dakilang pag-ibig ng Ama. Mahigit na 500 tao ang nakakita sa kanya na muling nabuhay. Pagkatapos ng Pagbaba ng Espiritu Santo, biglang ipinahayag ni San Pedro at ng mga Apostol na hindi patay si Kristo, ngunit buhay. Ang Kristong nabuhay ang siyang nagpakumberto kay San Pablo mula sa manguusig ng Simbahan hanggang sa pagiging Apostol ng mga Hentil. Lahat ng mga taong nagtanggap at naniwala kay Hesus bilang Anak ng Diyos ay nagsama-sama sa isang malaking grupong ngayong tinatawag na mga Kristiyano. Sa kanyang Misteryong Paskwal, si Hesus ay nagdaan mula sa Kamatayan hanggang sa kanyang Muling Pagkabuhay. Kaya tayo rin ay tinaguriang “Easter people,” na dumadaan mula sa kasalanan hanggang sa pagpapala ng Diyos. Sa ating paglakbay sa daan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ipahayag natin ang Mabuting Balita ng nabuhay na Panginoon, at isabuhay ito araw-araw sa paninirahan natin sa kanyang kaliwanagan.
MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY PO SA INYONG LAHAT! ?

EGG HUNTING, ano tara?
04/04/2026

EGG HUNTING, ano tara?


SABADO DE GLORIASa katahimikan, nawa’y matagpuan natin ang kapayapaang madalas nating hinahanap sa ingay ng mundo. Ito a...
04/04/2026

SABADO DE GLORIA

Sa katahimikan, nawa’y matagpuan natin ang kapayapaang madalas nating hinahanap sa ingay ng mundo. Ito ang sandaling paalala na hindi lahat ng paghihintay ay walang saysay—may mga panahon na ang katahimikan ang naghahanda sa atin sa mas maliwanag na bukas. Tulad ng liwanag na muling sisikat, nawa’y mapuno rin ng pag-asa ang ating puso, maniwala sa bagong simula, at magpatuloy nang may pananampalataya at lakas.

Address

San Jose

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Joseph the Spouse Parish- Central, SJOM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Joseph the Spouse Parish- Central, SJOM:

Share