26/06/2015
june 27, 2015 Gospel, Mark 5:22-43
Noong panahong iyon, ang mga tao'y sabik na sabik sa kaligtasan kayat halos ayaw nilang tantanan si hesus..
ang lahat ay nais gumaling sa kanilang mga pansariling karamdaman, kahit ang karamdaman ng marami sa kanila ay ang pagdududa sa mga aral ni hesus...
isang babae ang 12 years ng dinudugo ang nakakita ng kaligtasan matapos niyang marinig ang tungkol sa hesus na ito, at hindi nga sya nagkamali...nakamit nya ang kanyang pagsusumikap na makalapit kay hesus....
sa panahon ngayon, halos wala pa ring pinag iba sa nangyari noon ayon sa MABUTING BALITA, napakaraming taong gustong gumaling at matagal na panahon ng dinudugo..... naghahangad makarinig manlang ng mabuting balita
ngunit papaano kung ang mabuting pastol na inaakala ng marami ay gapos ng kaaway at sa halip na mabuting balita ang ipahayag pagkatapos ng EBANG HELYO, ay sariling sulat na sanhi ng pagpapahirap sa kaawa-awang mga tupa na biktima ng mga diablong naka maskara ng kulay puti?
sulat na sumasalamin sa pagka taliwas ng kanilang turo ng pagpapatawad...
THALITHA CUMI, salitang sinabi ni hesus upang mabuhay ang patay na dalaga.... thalitha cumi, magbangon ka......
nawa'y mabuhay ang ating pananampalataya sa tamang liber ng simbahan sa pananalitang yan, naway mahawakan manlang natin ang laylayan ng damit ni hesus upang ang pagdurugo ng ating pagkatao bilang isang simbahan ay tuluyan ng magwakas...