04/10/2020
Pagkaing Espirituwal Ngayong Lunes. Oktubre 5, 2020
Pamagat: Mas Napabuti
Sana’y ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas N’yo ako, at bigyan nawa ako ng masunuring espiritu.
Salmo 51:12
Basahin: Salmo 51:9-13 (Ang Salita ng Dios)
9 Kalimutan nʼyo ang aking mga kasalanan, at pawiin ang lahat kong kasamaan.
10 Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat.
11 Huwag po akong itaboy palayo sa inyong piling, at ang inyong Banal na Espiritu sa akin ay huwag nʼyo po sanang bawiin.
12 Sanaʼy ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas nʼyo ako, at bigyan nawa ako ng masunuring espiritu.
13 At tuturuan ko ang mga makasalanan ng inyong mga pamamaraan upang manumbalik sila sa inyo.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
Minsan, habang nag-uusap ang mga mangingisdang taga Scotland sa isang hotel, isa sa kanila ang nakatabig ng baso. Tumama ang baso sa puting dingding at namantsahan ito. Humingi ng tawad sa may-ari ang mangingisda at sinabi niyang magbabayad na lang siya. Sinabi naman ng isang lalaki na huwag siyang mag-alala. Tumayo ang lalaking ito at saka gumuhit sa namantsahang bahagi ng dingding. Ang mantsa ay naging isang napakagandang guhit ng kabayo. Si E.H. Landseer ang lalaking gumuhit. Isa siyang kilalang pintor ng mga hayop.
Si Haring David naman na sumulat ng Salmo 51 ay nakagawa ng mga bagay na kahiya-hiya para sa kanyang sarili at sa kanilang bansa. Nangalunya siya at gumawa ng paraan para ipapatay ang asawa ng babaeng sinipingan niya. Karapat-dapat lamang siyang mamatay dahil sa kanyang mga nagawa at para bang wala nang patutunguhan ang kanyang buhay. Pero nagmakaawa siya sa Dios, “Sanaʼy ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas Nʼyo ako, at bigyan nawa ako ng masunuring espiritu” (TAL. 12).
Tulad ni David, may mga nagawa rin tayo noon na maituturing na kahiya-hiya at patuloy na bumabagabag sa atin. Iniisip natin na hindi na sana natin nagawa ang mga iyon.
Mabuti na lang at sagana sa kagandahang-loob ang Dios dahil pinapatawad Niya tayo at binabago upang mas maging mabuti. Kaya Niyang ayusin ang ating buhay.
-DAVID ROPER
Ang Dios na siyang nakakaalam ng lahat ng ating mga ginagawa ang siya ring Dios na nagpapatawad sa atin.
React, Share, and post your reflections.
Follow us on Twitter: twitter.com/odbpilipinas
and on Instagram: instagram.com/ourdailybreadpilipinas
Visit filipino-odb.org to learn more about Our Daily Bread Ministries and our resources
Copyright © 2020 Our Daily Bread Ministries, All rights reserved.
Disclaimer: Please note that internet browsers and online platforms may have built-in translation features that may inadvertently change the meaning and overall thought of our content.