KALIS Youth Ministry

KALIS Youth Ministry Apostolic Vicariate of San Jose
Divine Mercy Parish
Murtha, San Jose, Occidental Mindoro
Parish Youth Ministry

IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON | AGOSTO 23, 2026 โ›ช๏ธ๐Ÿ’šโ€œIkaw si Pedro, at sa batong ito ay itatayo ko ang aking Simbah...
22/08/2026

IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON | AGOSTO 23, 2026 โ›ช๏ธ๐Ÿ’š

โ€œIkaw si Pedro, at sa batong ito ay itatayo ko ang aking Simbahan.โ€
โ€” Mateo 16:18

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Banal na Misa ngayong Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating pananampalataya, makinig sa Salita ng Diyos, at patuloy na patatagin ang ating ugnayan sa Panginoon. ๐Ÿ™

๐Ÿ•• 06:00 AM โ€“ Camburay
๐Ÿ•— 08:00 AM โ€“ Murtha
๐Ÿ•™ 10:00 AM โ€“ Yaw-yawi 1
๐Ÿ•’ 03:00 PM โ€“ Naibuan
๐Ÿ•  05:30 PM โ€“ Insulman
๐Ÿ•– 07:00 PM โ€“ Naitan

Tara, magsimba at manalangin nang sama-sama! ๐Ÿ’š๐Ÿ™
Nawaโ€™y patuloy tayong maging matatag sa pananampalataya at maging buhay na saksi ng pagmamahal ni Kristo sa ating kapwa.

DAY 2 | ALTAR SERVER FORMATION SEMINAR ๐Ÿ•Š๏ธโ›ชPatuloy ang paghubog at pagpapalalim ng pananampalataya ng ating mga altar ser...
22/08/2026

DAY 2 | ALTAR SERVER FORMATION SEMINAR ๐Ÿ•Š๏ธโ›ช

Patuloy ang paghubog at pagpapalalim ng pananampalataya ng ating mga altar servers sa ikalawang araw ng Formation Seminar. Sa araw na ito, naging tagapagsalita si Bro. Dyokher Laureta, na nagbahagi ng makabuluhang talakayan tungkol sa Katesismong Katoliko.

Binigyang-diin sa kanyang talakayan ang Apat na Haligi ng Pananampalatayang Katoliko na nagsisilbing gabay sa pagkilala, pag-unawa, at pagsasabuhay ng pananampalataya:

1. Credo โ€“ mga pinaniniwalaan at ipinahahayag ng pananampalataya.
2. Mga Utos โ€“ mga gabay sa pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
3. Mga Sakramento โ€“ mga tanda at paraan ng pagtanggap ng biyaya ng Diyos.
4. Mga Panalangin โ€“ pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa Diyos.

Sa pamamagitan ng makabuluhang talakayang ito, higit na napalalim ang kaalaman at pag-unawa ng mga altar servers sa kanilang pananampalataya. Nawaโ€™y ang mga aral na natutunan sa araw na ito ay maging gabay sa bawat altar server upang maging mas mabuting lingkod hindi lamang sa altar, kundi maging sa Simbahan at sa kapwa. ๐Ÿ™โœจ

โ€œAng tunay na paglilingkod ay nagmumula sa pusong may pananampalataya at pagmamahal.โ€


Matagumpay na naisagawa ang Formation Seminar para sa mga Altar Server noong Agosto 15, 2026! Isang makabuluhang pagtiti...
16/08/2026

Matagumpay na naisagawa ang Formation Seminar para sa mga Altar Server noong Agosto 15, 2026!

Isang makabuluhang pagtitipon na puno ng pagkatuto, paghubog, pagkakaisa, at pagpapalalim ng pananampalataya. Sa seminar na ito, mas napalawak ang kaalaman at pag-unawa ng bawat Altar Server sa kanilang mahalagang tungkulin bilang mga lingkod sa altar.

Patuloy nating isabuhay ang tunay na diwa ng paglilingkod at maging mabuting halimbawa sa kapwa kabataan. Serve with faith, lead with love! ๐Ÿ’™๐Ÿ•Š๏ธ


Bilang isang kabataan ng KALIS Youth Ministry, buong puso kaming nakikiramay sa pagpanaw ng aming mahal na kapatid sa pa...
16/08/2026

Bilang isang kabataan ng KALIS Youth Ministry, buong puso kaming nakikiramay sa pagpanaw ng aming mahal na kapatid sa paglilingkod, Eroll Jake P. Celmar.

Salamat sa iyong paglilingkod, kabutihan, at mga alaala na mananatili sa aming mga puso. Nawaโ€™y tanggapin ka ng Panginoon sa Kanyang piling, kung saan wala nang sakit at lungkot, kundi buhay na walang hanggan.

Mananatili kang inspirasyon sa aming patuloy na paglilingkod. ๐Ÿ•Š๏ธ

Requiescat in pace. ๐Ÿค

Matagumpay na naisagawa ang ating kauna- unahang youth assembly meeting. Tinalakay at inilatag sa pulong na ito ang atin...
01/08/2026

Matagumpay na naisagawa ang ating kauna- unahang youth assembly meeting.
Tinalakay at inilatag sa pulong na ito ang ating Calendar of Activities kung saan nakapaloob ang mga programa at proyekto para sa bawat buwan.

Sama-sama nating abangan at suportahan ang mga darating na aktibidad para sa aktibo at maunlad na kabataan.


Ika-16 Linggo sa Karaniwang PanahonBilang mga kabataang lingkod ng Simbahan, paalala sa atin ng talinghaga ng trigo at d...
18/07/2026

Ika-16 Linggo sa Karaniwang Panahon

Bilang mga kabataang lingkod ng Simbahan, paalala sa atin ng talinghaga ng trigo at damo na hindi lahat ng ating makakasama ay perpektoโ€”at ganoon din tayo. May mga kahinaan, pagkakamali, at pagsubok na maaaring makahadlang sa ating paglilingkod.

Ngunit pinipili ng Diyos ang awa, pagtitiis, at pag-asa kaysa agarang paghatol. Bilang Youth Ministers, tinatawag tayong maging mga instrumento ng pagmamahal at paggabay, hindi ng paghusga. Ang ating tungkulin ay tulungan ang bawat kabataan na lumago sa pananampalataya, habang hinahayaan ang Diyos na kumilos sa tamang panahon.

Maging trigo na nagbibigay-buhay, liwanag, at pag-asa sa kapwa. Sa huli, ang Diyos ang nakakakita ng tunay na laman ng ating puso.



Tara simba tayo? ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

"Ako'y nagalak nang kanilang sabihin sa akin, 'Tayo'y pumunta sa bahay ng Panginoon.'"โ€” Awit 122:1Sa gitna ng ating mga ...
11/07/2026

"Ako'y nagalak nang kanilang sabihin sa akin, 'Tayo'y pumunta sa bahay ng Panginoon.'"
โ€” Awit 122:1

Sa gitna ng ating mga gawain, tagumpay, at maging ng mga pagsubok sa buhay, inaanyayahan tayo ng Panginoon na magtipon bilang isang sambayanan upang ipagdiwang ang Banal na Eukaristiya.

Ang Banal na Misa ang pinakamataas na anyo ng ating pagsamba sa Diyos. Dito natin ipinagkakaloob ang ating pasasalamat, inilalapit ang ating mga panalangin, at tinatanggap si Hesus sa Banal na Komunyonโ€”ang pinagmumulan ng ating lakas, pag-asa, at pagmamahal.

Halina at makiisa sa ating pagdiriwang ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon. Sama-sama nating pakinggan ang Salita ng Diyos at maranasan ang Kanyang walang hanggang awa at pagmamahal.

Kita-kita po tayo ngayong linggo.

Jesus, I Trust in You. โค๏ธ๐Ÿ™




04/06/2026

๐ŸŽฅ: Jefferson Jae D. Martizano

Address

San Jose
5100

Telephone

+639278373563

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KALIS Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share