Our Lady of Perpetual Help Chapel - Batasan SJOM

Our Lady of Perpetual Help Chapel - Batasan SJOM π—”π—£π—’π—¦π—§π—’π—Ÿπ—œπ—– π—©π—œπ—–π—”π—₯π—œπ—”π—§π—˜ 𝗒𝗙 𝗦𝗔𝗑 π—π—’π—¦π—˜ π—œπ—‘ π— π—œπ—‘π——π—’π—₯𝗒
Divine Mercy Parish
Our Lady of Perpetual Help Chapel
Batasan, San Jose, Occidental Mindoro

04/05/2026

LOOKING FOR SPONSOR PO NG ORGAN/PIANO PARA SA ATING MUSIC MINISTRYπŸ’ž

SAINT OF THE DAYMay 4, 2026Paggunita kay San FlorianSi San Florian ay isang kilalang martir ng Simbahan at patron ng mga...
04/05/2026

SAINT OF THE DAY
May 4, 2026
Paggunita kay San Florian

Si San Florian ay isang kilalang martir ng Simbahan at patron ng mga bumbero, sundalo, at ng mga lugar na madalas dumanas ng sunog at sakuna.

Si Florian ay isang opisyal ng hukbong Romano noong ika-3 siglo at namuno sa isang grupo ng mga sundalo sa Noricum (ngayon ay bahagi ng Austria). Bukod sa kanyang tungkulin sa militar, siya rin ay Kristiyanoβ€”isang bagay na ipinagbabawal sa panahong iyon ng pag-uusig sa mga Kristiyano.

Nang mabalitaan ng mga awtoridad na Kristiyano siya, pinilit siyang isuko ang kanyang pananampalataya. Ngunit buong tapang niyang ipinagtapat ang kanyang pananalig kay Kristo. Dahil dito, siya ay pinarusahan: pinalo, pinahirapan, at sa huli ay itinali sa isang bato at itinapon sa Ilog Enns hanggang sa malunod. Namatay siya bilang martir para sa kanyang pananampalataya noong taong 304 A.D.

Ang debosyon kay San Florian ay lumaganap lalo na sa Europa, at siya'y naging patrong santo ng mga bumbero dahil sa kanyang kabayanihan at pagiging tagapagligtas sa panganib. Maraming himala ang iniuugnay sa kanyang pamamagitanβ€”lalo na sa mga lugar na nailigtas mula sa sunog at sakuna.

San Florian, ipanalangin mo kami.

Maligayang kaarawan, Frt. Bryle Jericko V. ViaΓ±a. Maraming salamat sa pag-aalay ng sarili at pagsunod sa yapak ni Kristo...
04/05/2026

Maligayang kaarawan, Frt. Bryle Jericko V. ViaΓ±a. Maraming salamat sa pag-aalay ng sarili at pagsunod sa yapak ni Kristo. Ikaw ay biyaya sa Inang Simbahan at sa ating Bikaryato.

Padayon!

IKALIMANG LINGGO SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON (A)May 3, 2026Punong TagapagdiwangRev. Fr. Ronilo "Ronnie" M...
03/05/2026

IKALIMANG LINGGO SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY NG PANGINOON (A)
May 3, 2026

Punong Tagapagdiwang
Rev. Fr. Ronilo "Ronnie" M. Omanio
Kura Paroko

SAINT OF THE DAYMay 2, 2026Paggunita kay San Peregrine (Peregrino)Patron ng may mga sakit na KanserIpinanganak sa Forlì,...
01/05/2026

SAINT OF THE DAY
May 2, 2026
Paggunita kay San Peregrine (Peregrino)
Patron ng may mga sakit na Kanser

Ipinanganak sa Forlì, Italy, si Peregrine ay aktibo sa politika laban sa Papa. Siya ay nagbago matapos makilala si San Philip Benizi, isang Servite, kung saan siya ay nagbalik-loob at sumali sa Order of the Servants of Mary (Servites).

Sa edad na 60, nagkaroon siya ng malalang kanser sa kanang paa. Bago ang nakatakdang pagputol (amputation) sa kanyang paa, siya ay nagdasal sa harap ng krusipiho at nakatulog. Sa kanyang paggising, ang kanser ay lubusang nawala.

Siya ay namatay noong Mayo 1, 1345, dahil sa lagnat. Dahil sa kanyang karanasan, siya ay kinikilala ng Simbahang Katoliko bilang patron ng mga maysakit.

San Peregrine, ipanalangin mo kami!

30/04/2026

SAINT OF THE DAY: May 1
Memorial of Saint Joseph the Worker

In 1955, Pope Pius XII instituted the feast of Saint Joseph the Worker to provide a spiritual alternative to Communist "May Day" celebrations and to deepen Catholic devotion to the saint. This feast highlights the long-standing belief that human labor is a participation in God’s creative work, fulfilling the biblical mandate to care for the earth and remain productive. By honoring Joseph, the Church reinforces the inherent dignity of work and the spiritual value found in daily toil.

Saint Joseph serves as the ultimate model of holiness through labor, having raised Jesus in the trade of carpentry. Before beginning his public ministry, Jesus spent his early adult years working alongside Joseph, sanctifying the concept of manual labor through their shared effort. This legacy continues to guide the Church's mission to protect workers' rights and ensure social progress, as Joseph’s life demonstrates how professional life and intimacy with God can be profoundly integrated.

franciscanmedia.org

Let us pray:

O God, Creator of all things, who laid down for the human race the law of work, graciously grant that by the example of Saint Joseph and under his patronage we may complete the works you set us to do and attain the rewards you promise. Through our Lord Jesus Christ, your Son, who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit, God, forever and ever. Amen.

catholicculture.org

30/04/2026

Today, May 1, 2026, we honor the First Friday Devotion to the Sacred Heart of Jesus. May His infinite love guide us, protect us, and fill our lives with peace. O Sacred Heart of Jesus, have mercy on us. πŸ™πŸ•ŠοΈ

Opening the month of May with a heart full of faith and gratitude. ❀️

30/04/2026

πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 π‰πŽπ’π„ πŒπ€ππ†π†π€π†π€π–π€
Unang Araw ng Mes de Mayo

San Jose, tapat na manggagawa, hinirang ng Diyos bilang tagapangalaga ng Kanyang Anak at ng Mahal na Ina, ika’y huwaran ng sipag, katapatan, at pananampalataya sa bawat gawain. San Jose Manggagawa, ipanalangin mo kaming lahat ng mga nagtatrabaho at nagsisikap para sa aming pamilya at kinabukasan. Gabayan mo kami upang kami’y maging tapat, marangal, at masunuring anak ng Diyos. Amen.

San Jose, ipanalangin mo po kami.

Featured image: San Jose de Baras



KAPISTAHAN NI SAN JOSE ANG MANGGAGAWAPatron ng Apostoliko Bikaryato ng San Jose- MindoroMABUTING BALITAMateo 13, 54-58No...
30/04/2026

KAPISTAHAN NI SAN JOSE ANG MANGGAGAWA
Patron ng Apostoliko Bikaryato ng San Jose- Mindoro

MABUTING BALITA
Mateo 13, 54-58

Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, β€œSaan kumuha ng karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki? At dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?” At ayaw nilang kilanlin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, β€œAng propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sa kanyang sariling sambahayan.” At dahil sa di nila pagsampalataya, hindi siya gumawa roon ng maraming kababalaghan.

++++++++++++++++++++++++++

Ang pagsisimula sa Buwan ng Mayo ay isang espesyal na araw na dedikado sa mga manggagawa. Itong pagdiriwang na ito’y nagsimula noong taong 1889 sa hudyat ng Rebolusyong Industriyal upang bigyang karangalan at pahalagahan ang dignidad ng trabaho at ang mga karapatan at tungkulin ng mga manggagawa. Taong 1955 nang itatag ni Papa Pio XII ang pagdiriwang kay San Jose Manggagawa dahil si San Jose ay itinuring na Patron ng mga Manggagawa.

PANALANGIN KAY SAN JOSE
O aming ulirang San Jose,
Patron ng Santa Iglesia
at patron ng mga manggagawa,
Sa iyong bisig iyong inalagaan
si Hesus at si Maria.

Sa iyong bisig,
tulad ng ibang mga ama
at manggagawa ay bumuo ng
mabuting pamayanan at tahanan.

Tuwina'y idalangin
mo kami sa iyong Anak.
Na sana'y kami'y alagaan
dito sa aming buhay.

Gayon din iyong ipagsanggalang
ang mga manggagawa,
mga taong tumutulong
upang bumuo ng isang masaya at
maunlad na bansa.

Amen.
San Jose ang Manggagawa
Ipanalangin mo kami.

30/04/2026
30/04/2026

Ikalawang Araw ng Nobena - Misa sa karangalan ni San Miguel Arkanghel | April 30, 2026
St. Michael the Archangel Parish
Calintaan, Occ. Mdo.

Address

Batasan , San Jose , Occidental Mindoro
San Jose
5100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Perpetual Help Chapel - Batasan SJOM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share