Our Lady of Perpetual Help Chapel

Our Lady of Perpetual Help Chapel Pamayanang Kristiyano ng Batasan - Batasan, San Jose, Occidental Mindoro | Divine Mercy Parish - AVSJ


Managed by the Social Communications Ministry

WEDNESDAYS ARE FOR OUR MOTHER OF PERPETUAL HELPPrayer for the HomeMother of Perpetual Help we choose you as Queen of our...
19/08/2026

WEDNESDAYS ARE FOR OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP
Prayer for the Home

Mother of Perpetual Help we choose you as Queen of our homes. We ask you to bless
all our families with your tender motherly love.

May the Sacrament of Marriage bind
husbands and wives so closely together that they will always be faithful to each other
and love one another as Christ loves his Church.

We ask you to bless all parents. May they love and cherish their children whom God
has entrusted to them. May they always give them the example of a truly Christian
life. Help them to bring up their children in the love and fear of God. Bless all children
that they may love honor and obey their fathers and mothers. To your loving care we especially entrust the youth of today.

Give us all the sense of responsibility that we may do our part in making our home a
haven of peace like your own home at Nazareth. We take you as our model. Help us to grow daily in genuine love of God and neighbor so that justice and peace may happily
reign in the entire family of mankind. Amen.

Our Mother of Perpetual Help, pray for us.

ORATIO IMPERATA: PANALANGIN PARA SA IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDADAmang Makapangyarihan, Itinataas namin sa iyo ang aming mg...
17/08/2026

ORATIO IMPERATA: PANALANGIN PARA SA IPAG-ADYA SA MGA KALAMIDAD

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa
iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan.

Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na.

Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- a***n at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.

Iniluluhog naming gawin mo kaming mapanagutang katiwala ng iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus, Amen.

MAHAL NA POONG JESUS NAZARENO
Kaawaan mo po at iligtas ang aming bayan!

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGITSA MAHAL NA BIRHENG MARIA(Solemnity of the Assumption)Agosto 15, 2026Itinutur...
14/08/2026

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT
SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
(Solemnity of the Assumption)
Agosto 15, 2026

Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang Mahal na Birheng Maria "pagkatapos ng kanyang buhay sa lupa, ay maluwalhating iniakyat sa langit, katawan at kaluluwa."

Ang pagpapahayag ng dogmang ito ay ipinaliwanag ni Papa Pio XII noong Nobyembre 1, 1950 sa kanyang Konstitusyong Apostoliko na "Munificentissimus Deus." Ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko bilang Dakilang Kapistahan (Solemnity) ang pagkilalang ito sa karangalan ng Mahal na Birhen tuwing ika-15 ng Agosto. Si Maria, ang Kalinis-linisang Ina ng Diyos, ay ang maluwalhating kaganapan ng planong gawaing pagtubos ng Makapangyarihang Diyos para sa ating lahat, isang pagpapahayag ng tiyak na pag-asa at kaligtasan para sa lahat ng nabubuhay na may pananampalataya sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria ay isa sa apat na dogma ng Simbahan patungkol kay Maria. Ayon sa Katesismo ng Simbahang Katoliko, ang Pag-aakyat sa Langit kay Maria ay ang hudyat ng katapusan ng kanyang buhay sa lupa. Nang dumating ang wakas ng kanyang buhay sa lupa, ang katawan at kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria ay iniakyat sa langit nang buong-buo. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang Awa sa Mahal na Birheng Maria, kahit na sa huling sandali ng kanyang buhay sa daigdig.

Dakila at kalugud-lugod ang Mahal na Birheng Maria sa paningin ng Diyos, hindi niya pinahintulutang mahimlay sa libingan ang Mahal na Birheng Maria. Hindi hinayaan ng Diyos na maiwan sa lupa ang katawan ni Maria sapagkat siya ang naging sisidlan ng Banal na Anak ng Diyos, si Jesukristo, ang ating Panginoon, sa pamamagitan ng kanyang sinapupunan, nang siya ay magdalang-tao sa Panginoon.

Nang dumating ang huling sandali ng kanyang buhay sa lupa, iniakyat ng Diyos nang buong-buo ang kanyang katawan at kaluluwa sa langit. Kung paanong iniligtas ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria mula sa bahid ng kasalanang mana nang siya ay ipaglihi ng kanyang inang si Santa Ana (Inmaculada Concepcion), gayon din naman, iniligtas ng Diyos si Maria mula sa pagkakahimlay ng kanyang katawang lupa.

Ma***ng Iniakyat sa Langit, Ipanalangin mo kami!

13/08/2026

The most awaited day is finally here!

St. Joseph the Spouse of Mary Parish joyfully invites everyone to the ๐’๐จ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ง ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ญ๐š๐ฅ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ง๐ž๐ฐ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐๐ซ๐ข๐ž๐ฌ๐ญ, ๐‘๐ž๐ฏ. ๐…๐ซ. ๐’๐ข๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง๐จ ๐„๐ง๐ซ๐ข๐ช๐ฎ๐ž๐ณ, on Monday, 17 August 2026, at 10:00 AM.

The Holy Mass and Rite of Installation will be presided over by ๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐‘๐ž๐ฏ. ๐๐š๐›๐ฅ๐ข๐ญ๐จ ๐Œ. ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ซ๐š, ๐’๐•๐ƒ, Apostolic Vicar of San Jose.

This sacred celebration marks the beginning of Fr. Silโ€™s pastoral ministry as shepherd of the St. Joseph the Spouse of Mary Parish. As he begins this new mission, let us come together in prayer and thanksgiving, asking the Lord to bless him with strength, pastoral charity, and unwavering fidelity in serving God and His people.

May St. Joseph, the faithful spouse and humble servant, guide and accompany him in his ministry.

Let us celebrate this beautiful milestone together and welcome our new Parish Priest with joyful hearts! ๐Ÿค๐Ÿ’š

๐–๐ž๐ฅ๐œ๐จ๐ฆ๐ž, ๐…๐ซ. ๐’๐ข๐ฅ! ๐Œ๐š๐ฒ ๐†๐จ๐ ๐›๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐š๐ฆ๐จ๐ง๐  ๐ฎ๐ฌ! โœจ

Muling ipinapabatid sa lahat ng mananampalataya na huwag iugnay ang samahan na "Ang Supremo Dagohoy Clan" o ASDCI bilang...
12/08/2026

Muling ipinapabatid sa lahat ng mananampalataya na huwag iugnay ang samahan na "Ang Supremo Dagohoy Clan" o ASDCI bilang isang grupong suportado o pinahihintulutan ng Apostoliko Bikaryato ng San Jose.

Hindi rin pinahihintulutan ang paggamit ng mga Simbahan o alinmang pasilidad ng ating mga Parokya para sa pagsasagawa ng naturang samahan ng kanilang gawain, partikular na ang "Oktaba sa Ama ng Sangkatauhan."

Hindi ito lehitimong debosyon na may eklesyastiko at liturhikal na pahintulot ng ating Bikaryato.

Pabatid sa Publiko

Happy Birthday, Frat. Jhay Ar Gonzaga! โœจ๐ŸŽ‰May you continue to grow in wisdom, humility, and love for God and his Church. ...
08/08/2026

Happy Birthday, Frat. Jhay Ar Gonzaga! โœจ๐ŸŽ‰
May you continue to grow in wisdom, humility, and love for God and his Church. May your journey ahead be guided by grace, strengthened by prayer, and filled with hope.

Rest assured of our prayers for your chosen vocation. We love you and may the blessing of God always be with you!

07/08/2026

LIVE: Misa Pontipikal ng Pagtatatag ng Diyosesis ng Calapan at Pagtatalaga ng Unang Obispo.

Please LIKE, FOLLOW, SHARE AND SUBSCRIBE for more:
Our Youtube membership is now available!
Get exclusive perks, advance access on contents and more!
Simply click this link: https://www.youtube.com//join

KAPISTAHAN NG PAGLILIWANAG SA BAGONG ANYO NG PANGINOON(Transfiguration of the Lord)MABUTING BALITANoong panahong iyon, i...
05/08/2026

KAPISTAHAN NG PAGLILIWANAG SA BAGONG ANYO NG PANGINOON
(Transfiguration of the Lord)

MABUTING BALITA
Noong panahong iyon, isinama ni Hesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at silaโ€™y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang silaโ€™y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Hesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Kayaโ€™t sinabi ni Pedro kay Hesus, โ€œPanginoon, mabuti paโ€™y dumito na tayo. Kung ibig ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.โ€

Nagsasalita pa siya nang liliman sila ng isang maningning na ulap. At mula ritoโ€™y may tinig na nagsabi, โ€œIto ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!โ€ Ang mga alagad ay natakot nang gayun na lamang nang marinig nila ang tinig, at silaโ€™y napasubasob. Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinipo. โ€œTumindig kayo,โ€ sabi niya, โ€œhuwag kayong matakot.โ€ At nang tumingin sila ay wala silang nakita kundi si Hesus.

At habang bumababa sila sa bundok, iniutos ni Hesus sa kanila, โ€œHuwag ninyong sasabihin kaninuman ang pangitain hanggaโ€™t hindi muli nabubuhay ang Anak ng Tao.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
________________________________________________

PAGNINILAY
Walang duda na ang layunin ng pagbabagong anyo ni Hesus ay upang ang tatlo sa kaniyang pinakamalapit na alagad ay magkaroon ng mas malalim at malawak na pangunawa kung sino siya. Isang dramatikong pagbabago ang naganap sa kanyang anyo upang makita siya ng kaniyang mga alagad sa kaniyang kaluwalhatian. Ang mga alagad na dati lamang siyang nakikilala sa kanyang anyong tao ay nagkaroon na ngayon ng mas malaking pangunawa sa kaniyang pagka-Diyos bagama't hindi nila lubusang nauunawaan ang katotohanang ito. Ang pangyayaring ito ay nagbigay sa kanila ng katiyakan na kanilang kailangan pagkatapos nilang marinig ang nakagugulat na balita ng kanyang nalalapit na kamatayan.

Sa kanyang maluwalhating katawan, nakita ng mga alagad ang sulyap sa Kanyang nalalapit na pagkabuhay na mag-uli sa Kanyang maluwalhating katawan at ang pagluluklok sa kaniya bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.

Yaong mga nakasaksi sa pagbabagong anyo ni Hesus ay nagpatotoo sa iba pang mga alagad at sa hindi mabilang na tao sa pagdaan ng mga siglo.

Ngayon ay Unang Miyerkules ng buwan, italaga natin ang ating mga sarili sa ilalim ng patnubay ng ating Mahal na Ina ng L...
05/08/2026

Ngayon ay Unang Miyerkules ng buwan, italaga natin ang ating mga sarili sa ilalim ng patnubay ng ating Mahal na Ina ng Laging Saklolo.
________________________________________________

PAGTATALAGA SA ATING INA NG LAGING SAKLOLO

Kalinis-linisang Birheng Maria, Ina ng Diyos at Ina ng Santa Iglesia, ikaw ay amin ding Ina na laging handang sumaklolo sa amin. Taglay ang mga pusong lipos ng pag-ibig sa iyo itinatalaga namin ang aming sarili sa iyong kalinis-linisang Puso upang kami ay maging tapat mong mga anak. Ihingi mo kami ng tunay na pagsisisi sa aming mga kasalanan at katapatan sa aming mga ipinangako nang kami ay binyagan.

Itinatalaga namin sa iyo ang aming puso't kaluluwa upang lagi naming sundin ang kalooban ng aming Ama sa langit. Itinatalaga namin sa iyo ang aming buhay upang lalo naming mahalin ang Diyos at mabuhay kami, hindi para sa aming sarili kundi para kay Kristong iyong Anak at upang Siyaโ€™y aming makita at paglingkuran sa aming kapwa.

Sa abang pagtatalaga na ito, pinakamamahal na Ina ng Laging Saklolo, ipinangangako namin na ang aming buhay ay itutulad namin sa iyo, ikaw na pinakaganap na kristiyano, pang matapos naming maitalaga sa iyo ang aming sarili sa buhay at kamatayan ay makapiling kami ng iyong anak magpakailanman.
Amen.

Masintahing Ina, Ipanalangin mo kami!



Address

Batasan , San Jose , Occidental Mindoro
San Jose
5100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Perpetual Help Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share