11/05/2025
Happy Mother's Day - JRM San Jose and Llanera💞
----------------------------------
‘ILAW NG TAHANAN’
Kung ako ang inyong tatanungin sa kung ano ang mga bagay na kaya nilang gawin,
Kayo'y maupo at ihanda ang inyong mga tainga upang ako ay dinggin,
Dahil sa pagkakataong ito ay aking ilalahad ang mga gawi nilang tunay namang agaw pansin,
At ang bawat salita na aking babanggitin ay mas mahalaga pa sa pilak na kailangang pagtuunan ng pansin at inyong damhin,
Sig**o ay umpisahan natin noong tayo'y nasa kanila pang mga tiyan sa loob ng siyam na buwan,
Biruin mong kahit ikaw ay kasing bigat ng isang pakwan ay kinaya ka niyang dalhin ng walang alinlangan,
Ang mga sakit sa balakang at mga damdamin na pati sila mismo ay hindi nila maintindihan,
Tunay na hindi biro ang lahat ng kanilang pagtitiis at kanilang mga pinagdaanan,
Kakaiba ang ating mga nanay at marami akong ilalahad na patunay,
Sila ang una nating g**o na nagtuturo saatin at walang sawang umaalalay,
Maubusan man ng lakas at pasensya ay nariyan siya at patuloy na nakaagapay,
Dahil ang nais niya lamang ay matutunan mo muna ang lahat sa loob ng bahay,
Kaya rin nilang maging doktor sa tuwing tayo ay nagkakasakit,
Sila ang nagpapagaan ng ating pakiramdam kahit sila ay palaging galit,
Sila rin ang matiyagang nagbabantay upang punasan ka ng pawis at palitan ng damit,
Sa pag aalaga nila ng buong puso ay wala ng mas hihigit,
At kaya rin nilang maging abogado at handang ipagtanggol ka kahit pa kanino,
Madalas man ay talak sila ng talak ngunit pagdating saatin ay wala silang sinasanto,
Handang handa silang makipag away at kahit pa makipag basag ulo,
Kulang na nga lamang ay pumunta sila ng korte at magsama pa ng kaso,
Ngunit sa kabila ng iyan ang masasabi ko'y hindi biro ang maging isang ilaw ng tahanan,
Mga inang nagpapakatatag dahil sila lamang ang ating sandalan,
Ang kanilang mga pangaral ang ating nagiging matibay na sandigan,
Kaya ang pasasalamat namin para sainyo ay walang hanggan,
Sig**o kung ako ay tatanungin niyo sa pagkakataong ito sa kung ano pa bukod sa mga iyan ang kaya nilang gawin,
Ang tanging masasabi ko lamang ay walang katapusan ko kayong sasagutin,
Kulang pa ang isandaang pahina ng papel kung aking susumahin,
Dahil walang papantay sa pagmamahal ng isang nanay kung iyan ang pag uusapan natin,
At ang pyesang ito ay bilang parangal at alay ko sa kabutihan ng inyong puso,
Sa paggabay at pag aaruga niyo saamin dito sa ibabaw ng mundo,
Hindi man namin laging sambitin ngunit mahal na mahal namin kayo,
Sa aming magigiting na ina... sainyo kami po ay saludong saludo.
✒️Written by Sis Jessa Mae Gutierrez for our beloved Mothers💓