27/04/2026
Ang pananampalataya ay ang pagpili na sabihin, “Maglalaan ang Diyos,” kahit hindi pa natin nakikita kung paano, at sa huli, mapagtatanto mong Siya nga ang kumilos.
Madalas ay hindi sa paraang inaasahan natin,
ngunit laging sa paraang kailangan talaga natin, sa tamang oras na itinakda Niya.
Panghawakan natin ang katotohanang ito,
ang paglalaan ng Diyos ay hindi lang sapat, ito’y higit pa sa sapat, umaapaw.
Gaya ng sinasabi sa Efeso 3:20,
Siya ay “may kakayahang gumawa nang higit pa sa lahat ng ating hinihingi o iniisip.”
Kahit sa gitna ng kawalan ng katiyakan, ng paghihintay, o ng mga oportunidad na nagsasara, ang Diyos ay gumagawa na ng daan.
Gaya ng pangako Niya sa Isaias 43:19,
“Gagawa ako ng bagong bagay… gagawa ako ng daan sa ilang at mga ilog sa ilang.”
Sa katahimikan, Siya ay kumikilos, inihahanda ang mga bagay na hindi pa natin nakikita.
Kung tayo man ay nasa mabigat na panahon, huwag tayo matakot. Hindi na natin kailangang habulin ang mga nakalaan para sa'tin, sapagkat gaya ng saibi ni Jesus Christ sa Mateo 6:8,
“Alam ng inyong Ama ang inyong mga pangangailangan bago pa man ninyo hingin.”
Kilala tayo ng Diyos.
Alam Niya ang bawat pangangailangan natin at Siya ang magbibigay, kahit sa mga sandaling pakiramdam natin ay wala tayong hawak. Kaya magtiwala tayo sa Kanyang katapatan.
Magtiwala tayo sa Kanyang panahon.
Alalahanin mo ang Kanyang pangako sa Filipos 4:19:
“Tutugunan ng aking Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan ayon sa Kanyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.”
Kung saan nagsisimula ang pananampalataya, doon nagtatapos ang pangamba. Sa pagsuko, dumadaloy ang Kanyang paglalaan.
Magtiwala tayo sa Kanya. 🙏🕊️