31/05/2026
Happy Lord's Day!
31 May 2026
Lahat ng Papuri at Pasasalamat tanging sa Diyos lamang. 🙌
Isang matagumpay na pamamahagi ng school supplies para sa mga kabataan ng Christian Reformed Church Sapang Palay ❤️
Sa pangatlong taon ng programang ito, muli nating nasaksihan ang pagpapala at kabutihan ng Diyos. Dahil sa Kanyang biyaya ang mga batang ito ay nabigyan ng mga kagamitang makakatulong sa kanilang pag-aaral sa darating na pasukan.
Kaya patuloy nating ipanalangin ang mga kabataan na lumago hindi lamang sa kaalaman kundi higit sa lahat sa pananampalataya sa Panginoon.
"Train up a child in the way he should go, and when he is old he will not depart from it." — Proverbs 22:6
Lubos din kaming nagpapasalamat sa lahat ng aming mga sponsors, at mga kapatid na ginamit ng Diyos upang maisakatuparan ang gawaing ito. Ang inyong kabutihang-loob at malasakit ay naging malaking pagpapala sa aming mga kabataan. Nawa ay patuloy kayong pagpalain ng Panginoon at suklian Niya nang higit pa ang inyong pagmamahal at suporta sa Kanyang gawain.
Ganun din, maraming salamat sa lahat ng mga volunteers, church leaders, at sa bawat isa na nagbigay ng kanilang oras, panalangin, at tulong.
To God be all the Glory! 🙌❤️