Ministry of Altar Servers - Most Sacred Heart of Jesus Parish

Ministry of Altar Servers - Most Sacred Heart of Jesus Parish ๐‘ต๐’๐’ ๐’Ž๐’Š๐’๐’Š๐’”๐’•๐’“๐’‚๐’“๐’Š, ๐’”๐’†๐’… ๐’Ž๐’Š๐’๐’Š๐’”๐’•๐’“๐’‚๐’“๐’†! ๐Ÿ™๐Ÿป

The Official Page of Ministry of Altar Server โ€” Most Sacred Heart of Jesus Parish

๐™‹๐˜ผ๐˜ผ๐™‰๐™”๐˜ผ๐™”๐˜ผ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™†๐™„๐™ƒ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐˜ผ๐™‚๐™‰๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™„๐™Ž ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐™„๐™‰๐™‚ ๐™„๐™Ž๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐™‰๐™‚๐™†๐™Š๐˜ฟ ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฟ๐˜ผ๐™ˆ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‰๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐™‚๐™„๐™‰๐™Š๐™Š๐™‰!Ang Ministeryo ng mga Tagapagli...
01/05/2026

๐™‹๐˜ผ๐˜ผ๐™‰๐™”๐˜ผ๐™”๐˜ผ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™†๐™„๐™ƒ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐˜ผ๐™‚๐™‰๐˜ผ๐™‰๐˜ผ๐™„๐™Ž ๐™ˆ๐˜ผ๐™‚๐™„๐™‰๐™‚ ๐™„๐™Ž๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‡๐™„๐™‰๐™‚๐™†๐™Š๐˜ฟ ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฟ๐˜ผ๐™ˆ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‰๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‰๐™‚๐™„๐™‰๐™Š๐™Š๐™‰!

Ang Ministeryo ng mga Tagapaglingkod sa Dambana o ๐˜”๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ต๐˜ข๐˜ณ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด ng Parokya ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus ay muling nagbubukas ng pagkakataon para sa mga kabataang lalaki na nagnanais maglingkod sa dambana ng Panginoon.

Ang pagiging isang lingkod ng dambana ay isang mahalaga at responsableng tungkulin na nakatuon sa pagtulong sa pagdiriwang ng mga sakramento at iba pang gawaing liturhikal ng simbahan. Higit pa sa isang simpleng gawain, ito ay isang pagpapakita ng taos-pusong pagmamahal, pananampalataya, at dedikasyon sa Diyos at sa Kanyang Simbahan. Sa pamamagitan ng paglilingkod, mas napapalalim din ang ugnayan ng bawat kabataang Katoliko sa Panginoon habang nahuhubog ang kanilang disiplina, pananagutan, at pakikibahagi sa buhay-simbahan.

๐Œ๐ ๐š ๐ค๐ข๐ง๐š๐ค๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ง๐š๐ ๐ง๐š๐ง๐š๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐ข:
โ€ข Kabataang lalaki na may edad sampu pataas (10 y/o and above)
โ€ข Nakatanggap na ng sakramento ng binyag at komunyon
โ€ข Bukal sa kalooban ang pagnanais na maging kasapi ng ministeryo
โ€ข Handang tumugon sa mga paklase, pageensayo, at mga responsibilidad na kaakibat ng isang lingkod ng dambana.
โ€ข Mahalagang nakatira sa mga lugar na nasasakupan ng parokya;
๐Ÿ“Kaypian
๐Ÿ“Northridge
๐Ÿ“Palmera
๐Ÿ“Carissa 2a
๐Ÿ“Carissa 1b/1c
๐Ÿ“Kaban

๐—ฅ๐—˜๐—–๐—ฅ๐—จ๐—œ๐—ง๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ข๐——: ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ 1-31, 2026
๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐——๐—”๐—ง๐—˜: ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ 6, 2026

SA MGA NAGNANAIS NA MAGING LINGKOD, MAARING SAGUTAN ANG GFORM LINK NA ITO: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfAaFAhKCVvPDuLKUTHn4gyBV4ewXs1GiPTajHiamnDT_qjtQ/viewform

Maaring makipagugnayan na lamang sa isa sa mga sumusunod:

Servant leader: Mark Christian Royo
Asst. Servant leader: Ian Calingo
Secretary: Paul Arao
Contact number: 0910 935 4446
page: Ministry of Altar Server โ€” Most Sacred Heart of Jesus Parish (https://www.facebook.com/share/1JKKnCf2WK/)

๐‘ฏ๐’‚๐’๐’Š๐’๐’‚'๐’• ๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚-๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’•๐’–๐’Ž๐’–๐’ˆ๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐’•๐’‚๐’˜๐’‚๐’ˆ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’๐’๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’ˆ๐’Œ๐’–๐’“๐’‚๐’ ๐‘บ๐’Š๐’š๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’๐’๐’ˆ ๐’‘๐’–๐’”๐’ ๐’‚๐’• ๐’˜๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’Š๐’Š๐’Ž๐’ƒ๐’๐’•!

๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ | Abril 05, 2026Sa ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†, sumisiklab ang liwanag na tumalo sa dilim; ang buhay na na...
05/04/2026

๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ | Abril 05, 2026

Sa ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†, sumisiklab ang liwanag na tumalo sa dilim; ang buhay na nagtagumpay laban sa kamatayan, at ang pag-ibig na hindi kailanman nalupig. Mula sa katahimikan ng libingan, bumangon si Kristo, dala ang bagong pag-asa para sa sangkatauhan.

Sa araw na ito, tayo ay inaanyayahang magalak at maniwala, na sa bawat pagtatapos ay may bagong simula, at sa bawat sugat ay may paggaling. Bilang kabataan, tinatawag tayong maging saksi ng Kanyang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng isang buhay na puno ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.

Nawaโ€™y ang liwanag ng muling nabuhay na Kristo ang magningning sa ating pusoโ€”gumabay sa ating landas, magpatatag sa ating paninindigan, at magbigay-buhay sa ating paglilingkod araw-araw.โœจโœ๏ธ




๐Ÿ“ท: Ate Jess, at Ate Inya
๐Ÿ–ผ๏ธ: Kuya Angelo

๐’๐š๐›๐š๐๐จ ๐๐ž ๐†๐ฅ๐จ๐ซ๐ข๐š | Abril 4, 2026Sa ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ, nananahan ang mundo sa isang banal na katahimikan; isang pagitan ng...
04/04/2026

๐’๐š๐›๐š๐๐จ ๐๐ž ๐†๐ฅ๐จ๐ซ๐ข๐š | Abril 4, 2026

Sa ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ, nananahan ang mundo sa isang banal na katahimikan; isang pagitan ng dilim at liwanag, ng pagluha at pag-asa. Tahimik ang libingan, wariโ€™y walang galaw, ngunit sa ilalim nitoโ€™y kumikilos ang pangako ng Diyosโ€”ang buhay na magtatagumpay laban sa kamatayan.

Sa araw na ito, tayo ay inaanyayahang maghintay nang may pananampalataya. Tulad ng mga alagad, maaaring nababalot tayo ng pangamba at pagdududa, ngunit ang katahimikan ay hindi kawalan, itoโ€™y paghahanda sa isang dakilang tagumpay.

Bilang kabataan, tinatawag tayong magtiwala kahit hindi pa natin nakikita ang liwanag. Sapagkat sa gitna ng katahimikan, doon hinuhubog ang pusong marunong umasa.

Nawaโ€™y sa ating pagninilay, matutunan nating ang paghihintay ay hindi walang saysayโ€”sapagkat sa tamang sandali, sisilang ang liwanag na magbabago sa lahat.๐Ÿ•ฏ๏ธโœ๏ธ




๐Ÿ“ท: Ate Jess, Ate Inya, at Ate Mica
๐Ÿ–ผ๏ธ: Kuya Angelo

๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Abril 3, 2026Sa ๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ, tumitigil ang mundo sa harap ng krus, kung saan ang pag-ibig ay nasubok...
04/04/2026

๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Abril 3, 2026

Sa ๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ, tumitigil ang mundo sa harap ng krus, kung saan ang pag-ibig ay nasubok hanggang sa sukdulan, at ang kaligtasan ay isinilang sa gitna ng sakit at sakripisyo. Sa bawat patak ng dugo at bawat sandali ng paghihirap, ipinakita ni Kristo ang pag-ibig na walang hinihinging kapalit, isang pag-ibig na handang ialay ang lahat para sa atin.

Sa katahimikan ng araw na ito, tayo ay inaanyayahang magnilay at yumukoโ€”hindi lamang sa krus na ating nakikita, kundi sa kahulugan nito sa ating buhay. Bilang kabataan, tinatawag tayong yakapin ang krus na may pananampalataya, magtiis sa gitna ng hirap, at magmahal kahit masakit.

Nawaโ€™y sa ilalim ng krus, matutunan nating ang tunay na pag-ibig ay handang magsakripisyo, at sa likod ng kamatayan ay may pag-asang hindi kailanman maglalaho. โœ๏ธ




๐Ÿ“ท: Ate Jess at Ate Inya
๐Ÿ–ผ๏ธ: Kuya Angelo

๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Abril 2, 2026Sa ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ, nasasaksihan natin ang gabi ng pag-ibig na naging paglilingkodโ€”kung saan ...
02/04/2026

๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Abril 2, 2026

Sa ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ฏ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ, nasasaksihan natin ang gabi ng pag-ibig na naging paglilingkodโ€”kung saan ang Dakila ay nagpakumbaba, at ang G**o ay yumuko upang maghugas ng paa. Sa Huling Hapunan, inialay Niya ang Kanyang sarili bilang pagkain at inumin ng buhay, tanda ng pag-ibig na hindi nagtatapos.

Sa katahimikan ng gabing ito, tayo ay inaanyayahang magnilay: kaya rin ba nating magmahal nang walang hinihintay na kapalit? Kaya rin ba nating maglingkod nang may kababaang-loob? Bilang kabataan, tinatawag tayong tularan ang Kanyang halimbawa; ang magmahal nang buo at maglingkod nang tapat.

Nawaโ€™y ang gabing ito ay maging paanyaya sa atin na manatili sa Kanyaโ€”sa panalangin, sa paglilingkod, at sa pag-ibig na handang magsakripisyo hanggang wakas. โœ๏ธ๐Ÿ•Š๏ธ




๐Ÿ“ท: Ate Jess at Ate Inya
๐Ÿ–ผ๏ธ: Kuya Angelo

๐Œ๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Abril 1, 2026Sa ๐— ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ, unti-unti tayong dinadala sa mas malalim na katahimikan; isang sand...
02/04/2026

๐Œ๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Abril 1, 2026

Sa ๐— ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ธ๐˜‚๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ, unti-unti tayong dinadala sa mas malalim na katahimikan; isang sandaling ang puso ay hinahamon sa gitna ng pagtataksil at pag-aalinlangan. At sa ๐‘ป๐’†๐’๐’†๐’ƒ๐’“๐’‚๐’†, sa unti-unting pagpatay ng mga ilaw, sumasalamin ang dilim na bumabalot sa mundo; dilim ng kasalanan, takot, at pagtalikod.

Ngunit sa gitna ng pagdidilim, may nananatiling liwanagโ€”ang pag-ibig ng Diyos na hindi kailanman naglalaho. Paalala ito sa atin, lalo na sa kabataan, na kahit sa ating pinakamadilim na sandali, hindi tayo iniiwan ng Kanyang presensya.

Nawaโ€™y sa ating pagninilay, matutunan nating magtiwala sa liwanag na hindi kayang patayin ng anumang dilim, liwanag na magdadala sa atin mula sa katahimikan ng gabi tungo sa pag-asa ng muling pagkabuhay.๐Ÿ•ฏ๏ธโœ๏ธ




๐Ÿ“ท: Ate Inya, Ate Jess, Ate Jazz, Kuya Geo, at Kuya Brent
๐Ÿ–ผ๏ธ: Kuya Angelo

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Marso 31, 2026Sa araw na ito, patuloy tayong inaakay sa lalim ng puso ni Kristo, kung saan ang katapatan ...
31/03/2026

๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Marso 31, 2026

Sa araw na ito, patuloy tayong inaakay sa lalim ng puso ni Kristo, kung saan ang katapatan ay nasusubok, at ang pag-ibig ay pinipiling manatili. Sa gitna ng pagtataksil at pagdududa, nananatili Siyang tapat, tahimik na nagmamahal kahit nasasaktan.

Sa ating sariling buhay, may mga sandali rin ng panghihina at paglayo. Ngunit ang araw na itoโ€™y paalala na sa kabila ng ating pagkukulang, ang Kanyang awa ay hindi nagmamaliw. Bilang kabataan, tayo ay tinatawag na piliin Siya araw-arawโ€”hindi lamang sa magaan, kundi lalo na sa mahirap.

Nawaโ€™y ang ating puso ay manatiling bukas sa Kanyang paanyaya;ang magtiwala, magbalik-loob, at magmahal nang tapat, hanggang sa dulo. โœ๏ธ




๐Ÿ–ผ๏ธ: Kuya Angelo

๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Marso 30, 2026Sa pagsapit ng ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ, inaanyayahan tayong pumasok sa katahimikan ng mga huling araw ng...
30/03/2026

๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ | Marso 30, 2026

Sa pagsapit ng ๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ, inaanyayahan tayong pumasok sa katahimikan ng mga huling araw ng Panginoonโ€”kung saan ang pag-ibig ay nasusukat hindi sa salita, kundi sa sakripisyo. Sa tahimik na sandali, doon natin mas naririnig ang Kanyang tinig; matatag, mapagpakumbaba, at handang magmahal hanggang wakas.

Sa gitna ng ating mga kahinaan at pagsubok, paalala ito na ang kabanalan ay hindi pagiging perpekto, kundi ang patuloy na pagbabalik-loob. Bilang kabataan, tayo ay tinatawag na huminto, magnilay, at ialay ang ating sarili sa Kanya.

Nawaโ€™y sa ating paglalakbay ngayong Semana Santa, hindi lamang tayo maging tagamasid, kundi tunay na makibahagiโ€”naglalakad kasama Niya, at umaasang darating sa liwanag ng muling pagkabuhay. โœ๏ธ




๐Ÿ–ผ๏ธ: Kuya Angelo

๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐ฉ๐š๐ฌ | Marso 29, 2026Sa pagdiriwang ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐˜€, tangan natin ang mga dahon bilang sagisag ng ma...
29/03/2026

๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐ฉ๐š๐ฌ | Marso 29, 2026

Sa pagdiriwang ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐˜€, tangan natin ang mga dahon bilang sagisag ng masayang pagsalubong kay Kristo: ang Haring dumarating hindi sa karangyaan, kundi sa kababaang-loob. Sumisigaw tayo ng โ€˜Hosanna,โ€™ ngunit kasabay nitoโ€™y inaanyayahan tayong suriin: hanggang saan ang ating pagsunod?

Bilang kabataan, tinatawag tayong higit pa sa pagwagayway ng palaspasโ€”inaanyayahan tayong ialay ang ating puso, ang ating lakas, at ang ating buhay sa Kanya. Sapagkat ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang nasusukat sa sigaw ng papuri, kundi sa paninindigan sa gitna ng pagsubok, sa pananatili kahit mahirap, at sa pagmamahal kahit may sakripisyo.

Nawaโ€™y ang palaspas na ating tangan ay maging paalala ng isang pusong handang sumunodโ€”mula sa sigaw ng โ€˜Hosannaโ€™ hanggang sa katahimikan ng krus, at sa huli, patungo sa liwanag ng muling pagkabuhay.๐ŸŒฟโœ๏ธ




๐Ÿ“ท: Ate Inya at Kuya Gab
๐Ÿ–ผ๏ธ: Kuya Angelo

Address

Francisco Homes 1/Brgy. Narra
San Jose Del Monte

Telephone

+639109354446

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - Most Sacred Heart of Jesus Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ministry of Altar Servers - Most Sacred Heart of Jesus Parish:

Share