03/10/2022
Daily Devotion: October 3, 2022
By: Bro John Gonzales
PAHAYAG 3:20
"Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan , kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto , papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo "
OBSERVATION :
Kung si HESUS man ay nasa labas ng ating tahanan at sya ay kumakatok ,pagbuksan natin sya at papasukin ,iparamdam natin sa kanya na sya ay welcome sa ating tahanan, na kung ano ang meron ka ay ito ay inyong pagsasaluhan at ibabahagi mo sa kanya .
APPLICATION :
Ang tahanan ay nagsisilbi na ang ating buong pagkatao, na kung saan ang ating Panginoon ay kumakatok sa ating mga puso , at marapat lamang na sya ay pagbuksan at papasukin, anyayahan natin si Hesus sa ating buhay, dinggin ang kanyang pagkatok at pagtawag ,at kung ano ang meron ka sa iyong buhay ay maaari natin itong ibahagi sa kanya , ibigay at ialay , sa gayon si HESUS , at ang kanyang lalakaran ay lalakaran ko din na ayon sa nais niya .
PRAYER :
Panginoon. , Salamat sa buhay at kalakasan , dalangin ko po na sana ay wag akong malayo sa iyong presensya at pagtawag sa akin nung una , nais ko pong maglingkod po sa iyo at makasama ka habang buhay , sa Pangalan ni Hesus Amen ..