Sagrada Familia Parish - SJDM

Sagrada Familia Parish - SJDM Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sagrada Familia Parish - SJDM, Religious organisation, Sta Cruz 1, Sapang Palay, San Jose del Monte.

Welcome to the Official page and Publication of the Commission on Social Communications of Sagrada Familia Parish under the Vicariate of San Jose Del Monte of The Roman Catholic Diocese of Malolos!

Sa pagdiriwang ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ธ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐˜€, ating ginugunita ang pagkakaloob ng Espiritu Santo sa bawat isaโ€”isang banal na ...
25/05/2026

Sa pagdiriwang ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ธ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐˜€, ating ginugunita ang pagkakaloob ng Espiritu Santo sa bawat isaโ€”isang banal na apoy ng paninindigan, malasakit, at kababaang-loob na nag-aanyaya sa atin na ipahayag ang Salita ng Diyos sa lahat. Bilang kinikilalang โ€œpagsilang ng Simbahan,โ€ ang Pentekostes ang naging simula ng pagdaloy ng biyaya at kaligtasan, kung saan ang Espiritu Santo ang nagsisilbing pundasyon sa pagpapaging-banal, pagbibigay-buhay, at paggabay sa Simbahanโ€”ngayon at magpasawalang-hanggan.

Ginanap ang Banal na Misa nitong ika-24 ng Mayo sa ganap na ika-4 ng hapon, sa pangunguna ng ating Kura Paroko, Rdo. P. Candido M. Pobre, Jr. Kasabay ng dakilang kapistahang ito ay ang Ikatlong Araw ng Misa Novenario para sa Mahal na Birhen ng Flores.

Sa kabila ng mga kaguluhan at hamon sa ating lipunan, ang nag-aalab na apoy ng Espiritu Santo ang nagdadala ng init ng pagmamahalโ€”isang buhay na tanda ng pagkakaisa, matatag na pananampalataya, at tunay na kalayaan sa puso ng bawat mananampalataya.

24/05/2026

LIVE mula sa Parokya ng Sagrada Familia, ang Maringal na Pagdiriwang ng Banal na Misa alay sa Linggo ng Pentekostes, sa pangunguna ni Rdo. P. Candido M. Pobre, Jr., Kura Paroko.

๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ, ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ง๐—” ๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐—œ๐—ก๐—œ๐—”๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜“๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข-๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ 2026 ๐˜ด๐˜ข Parokya ng Sagrada FamiliaSa...
20/05/2026

๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ, ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ง๐—” ๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐—œ๐—ก๐—œ๐—”๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ
๐˜œ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜“๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข-๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ 2026 ๐˜ด๐˜ข Parokya ng Sagrada Familia

Sa unang linggo ng Simba-Aralan mula Mayo 4 hanggang 8, muling naging buhay ang pananampalataya sa puso ng bawat batang nakiisa sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Sa bawat dasal, awit, at aral na sama-samang pinagnilayan, unti-unting hinubog ang kanilang puso upang higit na makilala at mahalin si Hesus.

May kabuuang bilang na 269 na bata ang nakilahok nitong Unang Linggo โ€” 134 na Pre-Communicants at 131 na Post-Communicants โ€” na buong galak na nakinig at nakiisa sa mga gawaing espiritwal at pananampalataya.

Sa hanay ng mga Pre-Communicants, itinuro ang mga pangunahing panalangin at tanda ng pananampalataya tulad ng Antanda ng Krus, Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Pagsisisi ng Kasalanan. Samantala, mas pinalalim naman sa mga Post-Communicants ang pag-unawa sa kanilang pagiging bahagi ng Bayan ng Diyos, Katawan ni Kristo, at Templo ng Espiritu Santo, gayundin ang kahalagahan ng misyon at paglilingkod sa Simbahan.

Tunay ngang sa murang edad ay maaaring magsimula ang matibay na pananampalataya. Sa bawat batang natutong manalangin, magmahal, at maglingkod, mas lalo nating nasisilayan ang pag-asang buhay at patuloy na kumikilos ang Diyos sa ating pamayanan.

๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”, ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”'๐—ง ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข'๐—ฌ ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—ž ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”!Ngayong Buwan ng Mayo, ating ipagdiwang ang Mahal na Birheng Mari...
20/05/2026

๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”, ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”'๐—ง ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข'๐—ฌ ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—Ÿ๐—”๐—ž ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”!

Ngayong Buwan ng Mayo, ating ipagdiwang ang Mahal na Birheng Maria, ang katangi-tanging bulaklak ng sanlibutan. Patuloy tayong dumulog sa kaniyang pananambitan, at manalangin na ang ating buhay ay mamukadkad ng mga bulaklak ng mabubuting gawa upang maging kalugud-lugod na handog sa dambana ng ating Ama.

Upang ating maialay ang karapat-dapat na pagpaparangal sa Mahal na Ina, narito ang talatakdaan ng ating mga pamparokyang gawain kaugnay ng Flores de Marรญa MMXXVI. Halinaโ€™t ihandog ang ating pagsuyo sa pinakamasamyong Bulaklak ng Langit!

Katulad ng pagtingala ng mga taga-Galileang tanan, tayo rin ay namangha at nagdiwang sa ๐——๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ธ๐˜†๐—ฎ๐˜...
19/05/2026

Katulad ng pagtingala ng mga taga-Galileang tanan, tayo rin ay namangha at nagdiwang sa ๐——๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ธ๐˜†๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป nitong Linggo, ika-17 ng Mayo. Ang Misa Mayor ay maringal na ipinagdiwang sa ganap na ika-4 ng hapon, sa pangunguna ng ating Kura Paroko, Rdo. P. Candido M. Pobre, Jr.

Kaalinsabay nito, matagumpay ding ipinahayo ang mga kasapi ng Komisyon ng Panlipunang Pakikipag-ugnayan ng ating Parokya bilang bahagi ng Ika-Animnapung Linggo ng Pandaigdigang Pamamahayag.

๐— ๐—”๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—œ๐—š๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š!Sa gitna ng umiigting na paglaganap ng kasinungalingan at huwad na balit...
17/05/2026

๐— ๐—”๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—œ๐—š๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š!

Sa gitna ng umiigting na paglaganap ng kasinungalingan at huwad na balita, hamon sa atin ang bumalik sa tunay na bukal ng katotohanan at katarunganโ€”ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.

Ngayong ating ipinagdiriwang ang ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐—”๐—ป๐—ถ๐—บ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด, sama-sama nating ipanalangin ang pagwawagi ng katotohanan sa lahat ng bagay. Ipanalangin natin ang lahat ng mamamahayag at tagapaghatid ng impormasyonโ€”sa loob ng Simbahan at sa buong lipunanโ€”na nawa'y biyayaan sila ng tapang na maging boses ng katarungan sa lahat ng pagkakataon.

Mula sa mga tagapagpahayag ng Mabuting Balita sa tahanan ng Banal na Mag-anak, isang mapagpala at mapagpalayang Linggo ng Pandaigdigang Pamamahayag!

17/05/2026

LIVE mula sa Parokya ng Sagrada Familia, ang Maringal na Pagdiriwang ng Banal na Misa alay sa Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon, sa pangunguna ni Rdo. P. Candido M. Pobre, Jr., Kura Paroko.

Higit pa sa pagiging ilaw, ang isang ina ang nagsisilbing kanlungan sa gitna ng anumang unos. Sa bawat haplos at sakripi...
09/05/2026

Higit pa sa pagiging ilaw, ang isang ina ang nagsisilbing kanlungan sa gitna ng anumang unos. Sa bawat haplos at sakripisyo, doon natin nalilirip ang tunay na kahulugan ng walang maliw na pag-ibig.

Ngayong araw, ipinagdarangal natin ang lahat ng uri ng inaโ€”ang mga nagluwal, ang mga tumatayo bilang magulang, at ang mga pusong patuloy na nag-aaruga sa kabila ng hirap. Kayo po ang buhay na saksi ng kabutihan ng Diyos sa ating mundo.

Mahal na Birheng Maria, huwaran sa pagtalima at pagmamahal, akayin mo ang lahat ng mga ina tungo sa iyong Anak.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—œ๐—ป๐—ฎ!

Ngayong ika-4 ng Mayo, buong-galak nating ipinagdiriwang ang ๐——๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—น๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ...
04/05/2026

Ngayong ika-4 ng Mayo, buong-galak nating ipinagdiriwang ang ๐——๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—น๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—™๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฎ, ang sentro ng pananampalataya ng apat na erya ng Sapang Palay. Pitong taon na ang nakalilipas nang ang tahanang ito ay itinalaga sa Panginoon sa pangunguna ng nooโ€™y Administrador Apostoliko ng Diyosesis ng Malolos na si Lub. Kgg. Honesto F. Ongtioco, D.D., sa ilalim ng mapagkalingang pagpapastol ng ating ikatlong Kura Paroko, Rdo. P. Ibarra C. Mercado, SLL.

Sa ating patuloy na paglalakbay bilang isang nagkakaisang sambayanan, nawaโ€™y higit nating makilala at yakapin si Kristo na ating Daan, Katotohanan, at Buhay. Siya ang Daan na umaakay sa atin sa tamang landas, ang Katotohanan na nagbibigay-liwanag sa ating isipan, at ang Buhay na pumupuno sa ating mga puso ng pag-asa at pag-ibig. Sa pamamagitan ng Kaniyang pananahan sa ating altar, nawaโ€™y mapagtibay ang ating ugnayan sa isa't isa at sa Panginoon.

Idalangin natin na sa pagharap ng ating Parokya sa mga panahong daratal, nawaโ€™y manatili itong matatag sa pagpapayaman ng pananampalataya ng sambayanan ng Diyos sa Sapang Palay. Nawa'y maging matibay itong kanlungan para sa mga aba, huli, at ligaw ng ating lipunan, upang dito ay makasumpong sila ng tunay na pagkalinga at pagtanggap.

Banal na Mag-anak nina Jesus, Maria, at Jose, gabayan at pagpalain ninyo kami!

๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”, ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—•๐—”๐—›๐—”โ€™๐—ฌ ๐—Ÿ๐—”๐—š๐—œ ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฌ!Sa muling pagsikat ng araw ngayong ika-1 ng Mayo, m...
01/05/2026

๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”, ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—œ๐— ๐—•๐—”๐—›๐—”โ€™๐—ฌ ๐—Ÿ๐—”๐—š๐—œ ๐—ž๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ฌ!

Sa muling pagsikat ng araw ngayong ika-1 ng Mayo, muling nagbubunyi ang ating Lungsod at Bikarya sa pagdiriwang ng ๐——๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ.

Dalawang daan at pitumpuโ€™t limang taon na ang nakalilipas nang unang itanim ang binhi ng debosyong ito sa ating lupa. Bagamat noong taong 1955 lamang pormal na itinatag ni Papa Pio XII ang pandaigdigang pista, ang ating bayan ay matagal nang sumisilong sa kaniyang tahimik ngunit matatag na pagkalinga.

Bilang ama at haligi ng Banal na Mag-anak, ipinamalas niya na ang tunay na kabanalan ay nasa tahimik na pagsunod at tapat na pagbabantay sa kaniyang mga mahal sa buhay. Hindi kailangan ng maraming salita upang maging tapat sa kalooban ng Diyos.

Bilang pintakasi ng mga manggagawa, binigyang-dangal ni San Jose ang bawat bisig na nagpapagal. Sa kaniyang mga kamay na hinubog ng kalyo at pagsisikap, ipinaalala niya na ang paggawa ay isang banal na pakikibahagi sa paglikha ng Maykapal. Sa bawat patak ng pawis ng isang karaniwang tao, nananahan ang halimuyak ng pagpapala.

Nawaโ€™y sa gitna ng ating mga pagpupunyagi, baunin natin ang kaniyang halimbawaโ€”na ang bawat gawaing inialay nang may pag-ibig ay isang hakbang patungo sa piling ng kaniyang Anak na si Hesus.
โ€“
Lubusang pagbati sa ating mga kapatid sa Saint Joseph the Worker Parish - City of San Jose del Monte ng isang maligayang kapistahan! ยกViva, San Jose Manggagawa!

๐—›๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ'๐˜ ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ง๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€! Sama-sama tayong makiisa at makibahagi sa Marin...
30/04/2026

๐—›๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ'๐˜ ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ง๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€! Sama-sama tayong makiisa at makibahagi sa Maringal na Pambikaryang Prusisyong Kateketikal sa Saint Joseph the Worker Parish - City of San Jose del Monte sa ganap na ika-5 ng hapon!

Address

Sta Cruz 1, Sapang Palay
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Tuesday 8am - 11am
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 11am
2pm - 5pm
Thursday 8am - 11am
2pm - 5pm
Friday 8am - 11am
2pm - 5pm
Saturday 9am - 11am
2pm - 5pm
Sunday 10am - 11am

Telephone

+639177785674

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sagrada Familia Parish - SJDM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sagrada Familia Parish - SJDM:

Share