Ang Daan ng Kabanalan:
Ayon sa ipinagpauna ng hula ng Dios ukol sa bayang itatatag sa mga Hentil na tatawagin sa kanyang Pangalan(Gawa15:13-19.Maglalagay ng isang Daan(Way)at ito ay tatawaging "Ang Daan ng Kabanalan"Isaias 35:8(KJV).Kaya bawal ng balikan o alalahanin ang mga dating bagay o Ang Dating Daan Isaias.4818-19;Job 22:15(KJV)."Ang Daan ng Kabanalan" ay ipinakilala ni San Pablo na "Daang B
ago at Buhay-Hebreo 10:19-20.Ang Daang ito ay ipinakilala na sekta ng relihiyon Gaw.24:14 na noon ay tinatawag ng mga tao(Mga Hudyo) na Sekta ng Nazareno sapagkat alam nila na ang Panginoong Jesus na nagpasimulang mangaral nito sa Galilea ay isang taga nazaret ng Galilea Mat.2:23;4:17-23.Kaya naman pati ang mga Apostol Niya na patuloy na nangaral nito ay tinawag din nilang mga Nazareno Gaw.24:4,14,22.Ang Daan na ito o Sekta ng mga Nazareno ay mahigpit na pinag-usig ni San Pablo noong siya ay Sabadista pa Gaw.22:4;8:1.Nilinaw ng Banal na Aklat na ang Daan na inusig ni San Pablo noon ay Iglesiang sa Dios Gaw.1:3,Gal.1:13-15.Ngunit kinahabagan pa din siya na dito rin sa Iglesiang buong higpit at buong kabagsikan niyang inusig ay dito siya tinawag na maging Apostol 1 Cor.1:9,1-2.Si San PAblo din ang nagpatunay na lahat silang mga Apostol ay pinagsama-sama sa iisang iglesiang ito 1 Cor.12:28;15:9.At ang Opisyal na pangalan nito ay ang "Iglesia ng Dios Ama at sa Panginoong JesuCristo" 1 Tesalonica 1:1;Isa.43:7 at dahil sa ang 1 Tesalonica 1:1;11 Tesalonica1:1 ay ipinakilala ang Dios Ama at Panginoong JesuCristo.