24/07/2026
Ang tunay na kalayaan ay bunga ng araw-araw na pagsunod sa Diyos.
✔️ Matagumpay na tayo kay Cristo Jesus—wala nang hatol. Ngunit ang pang-araw-araw nating tagumpay ay bunga ng araw-araw na pagsunod.
Araw-araw, kailangan tayong pumili:
• Katotohanan kaysa kasinungalingan.
• Pananampalataya kaysa pag-aalala at takot.
• Pagpapatawad kaysa galit.
• Kabanalan kaysa kasalanan.
• Pagsamba kaysa mabuhay sa pag-aalala.
**Ano ang mga "kuta" o strongholds sa ating isipan?**
• Kasinungalingan
• Maling paniniwala
• Takot
• Galit
• Pagkakasala
• Pag-aalinlangan
• At marami pang iba.
**Ano ang dapat nating gawin?**
➡️ Dalhin ang lahat sa Panginoon. Siya lamang ang may kapangyarihang gumiba at magwasak ng bawat stronghold at magbigay ng tunay na kalayaan.
Ngunit mayroon din tayong bahagi:
• Magpasya.
• Sundin ang Kanyang Salita.
• Ilagay ito sa ating puso.
• Pag-aralan ito.
• Suriin ang mga maling paniniwala at hayaan ang katotohanan ng Salita ng Diyos ang manaig.
✨ Gaano man katindi ang iyong stronghold, kayang wasakin ito ng ating Panginoon.