IRM Ministries - Tungko

IRM Ministries - Tungko Sundays:
Morning: 9-11am
Youth: 3-5pm
Evening: 6-7:30pm

Wednesdays: 6-7:30pm

Saturdays: 6-7:30am At ito ay nanatiling pangitain o vision. Benny Abiela at Deac.

Kasaysayan ng GLORIOUS HOPE Christian Fellowship (4th Year Anniversary)

Maraming panahon ang nagdaan at marami na ring mga manggagawa o mga pastor ang nakausap ni kapatid na Boyet delos Angeles, na sinasabing magandang lugar ang sentro ng Tungko na pagtayuan ng isang Christian Fellowship o ng isang kapilya para sa Gawain ng Panginoon. Samantala, sila naman noon ay may idinaraos na bible study sa

School Inn tuwing Huwebes ng gabi sa pangunguna ng mag-asawang Boyet at Mylene. Marami na ring mga manggagawa ang naging tagapagturo o tagapagsalita sa dakong iyon, at kabilang na rito sina Rev. Demi Abiela. Kaya noong taong 2007 buwan ng Hunyo, ayon sa pagsunod sa utos ng Dios na nakasulat sa Mateo 28:18-20, (18Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. v19Dahil dito’y humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. v20Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”) ang mag-asawang Rev. Demi Abiela ay nagsimulang magmisyon at magbible study sa Tungko sa lugar sa Pecson Ville, gayon din sa Manggahan, sakop ng Grotto. At ito ay kanilang ipinagpatuloy, bilang isang pamamahayag ng salita ng Dios. Noong marami na ang mananampalataya, nagkaroon na ng pagtitipon. Sa patuloy na paglago ng mga kapatiran ay kinailangan na nang malaking lugar na pagdadausan ng pag-aaral ng salita ng Dios, kaya’t sinabi ni kapatid na Boyet kay Pastor Abiela na kailangang humanap na ng malaking lugar na pagdarausan ng Gawain para sa Tungko. Nalaman ng kapatid na Boyet na pwedeng gamitin ang Social Hall ng Academia Learning Center (ALC), at ang lugar na nabanggit ang siyang ginamit bilang Bible Study Center. At noong January 20, 2008 araw ng lingo, 3:00PM ay nagsimula na ang gawaing pang hapon sa lugar na ito. At dito pinagsama ang mga kapatiran na sumampalataya mula sa School Inn, Pecson, Manggahan. Nakita ng Rev. Abiela at Pred. Boyet ang pangangailangang magkaroon na ng sariling manggagawa ang mga kapatiran sa Tungko, kaya ang kapatid na Boyet ay lumapit sa District Administrator ng Bulacan District I at sa Obispo ng IRM na hiniling na lagyan ng manggagawa ang Tungko. Tinugon ang kahilingang mabigyan ng sariling manggagawa ang mission church na tinawag na Glorious Hope Christian Fellowship, at ito ay sina Rev. Agad pinasimulan ang mga misyon. Nagkaroon ng Vacation Bible School (VBS) noong April 7-12, 2008 at umabot sa 160 katao ang mga batang nagsipag-aral ng Biblia. Nang matapos ang nasabing Gawain, nagsimulang i-follow up at turuan sa kanilang mga lugar ang mga bata. Ang mga batang nag-VBS ay sinusundo ng sasakyan kung araw ng lingo upang patuloy na maturuan ng salita ng Dios at turuan kung paano sumamba ng tama sa Panginoon. Sa pagpapatuloy ng Gawain, nagkaroon din ng misyon at Bible study sa Grace Ville Zone 2, bilang misyon ng Iglesia. Nagsimula naring magkaroon ng Midweek service tuwing Miyerkules ng 7:00PM at kung Sabado naman ay nagkaroon na rin ng discipleship and leadership seminar tuwing 3:00PM sa church. Nung matatag na at pwede nang maging mga leader o g**o ang karamihan sa tinuturuan, napabautismo na sila, at ito ay idinaos noong September 26-27, 2008 kasabay na din ng leadership training sa Sta. Cruz, Zambales. Ang Glorious Hope Christian Fellowship ay marami na ring nabiling gamit para sa Gawain ng Panginoon, at ang iglesiang ito ay nagpasimula as Self-Supporting sa kanilang mga Gawain, gugulin at gastusin. Siya ay tapat na nakapagbibigay ng 25% sa Pondo Central ng IRM, Worker’s Welfare Fund at iba pa sa distrito. Muling nagkaroon ng DVBS noong May 4-9, 2009, lalong dumami ang mga nag-aral dito. Umabot sa bilang 318, kasama dito ang ilang mga magulang na dumalo sa graduation. Kahit nakakapagod ay naging Masaya ang lahat at naging matagumpay ang nasabing gawain. Muling nagkaroon ng pagbabautismo sa mga nanampalataya at ito ang ginanap sa R.A.R. Resort. Sa tulong at biyaya ng Panginoon, nagkaroon din ng gawain sa Gumaok. Ito ay nagpapatuloy sa kasalukuyan. Nang marami ng dumadalo at nakakilala sa Panginoon, nagpasiya silang sumama na ring sumamba kay Lord kung araw ng Sunday at Midweek Service. Nang maituro ang tungkol sa Bautismo, silang sumampalataya kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ay nagpasiya nang magpabautismo. Muling lumipas ang isa pang taon, sa tulong at biyaya ng Panginoon ang gawain sa loob at labas ng Glorious Hope Christian Church ay nagpapatuloy. Sa robes ay nakapagbukas ng bagong Bible Study at ganon din sa Pecson Ville. Muling nagkaroon ng DVBS noong April 19-24, 2010 at ang bilang ng dumalong mga bata kasama ang mga teens ay 204. Napagkaisahan ng C.E. department na gawing sabado ang Junior Worship at Sunday School upang lalo itong maasikaso at iyon po ay nagpapatuloy pangkasalukuyan. Sa taon ding ito (2010) natupad ang ating mga pangarap na magkaroon ng kapilya upang lalong maging komportable ang pagsamba sa ating Panginoon. Ito ay sa kagandahang loob nila tatay Luis at Nanay Maura Diaz na siyang nagpaunlak na matayong kapilya sa 3rd floor ng kanilang school kaya ito ay nagkaroon ng katuparan. Noong October 3, 2010 ay itinalaga ang bagong Bahay Sambahan. Sa pagpapatuloy ng taong 2011, ang Glorious Hope Christian Church ay nagpatuloy sa mga Gawain sa loob at labas ng iglesia. Nagkakaroon ng mga karagdagang Bible study sa Gumaok, Cypress Subd. at Gaya-gaya. Mayroon ding tatlong kapatid na pinag-aral sa Bible college; ipinaaayos ang church building para lalo pang gumanda at maging kumportable ang pananambahan, at patuloy na kinukumpleto ang music instruments para lalo pang maging maayos ang pag-aawitan ng pagpupuri sa Diyos. Ang Glorious Hope ay patuloy na sumusuporta sa mga gawaing pang Distrito at pang National maging sa financial na pangangailangan. Ito ay may layuning maabot ang buong kumunidad para magkaroon ng 1,000 kaanib at maging leader na lahat hanggang 2019, sa tylong at pangunguna ng Panginoong Diyos. Ngayon ang church na ito ay nagdiriwang ng kaniyang ika-apat (4) na taong anibersaryo. SA DIYOS ANG PAPURI!

Address

Mahogany Street Farmview Subdivision, Brgy Tungkong Mangga
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Wednesday 9am - 9pm
Sunday 9am - 9pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IRM Ministries - Tungko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share