03/08/2026
Martes, Agosto 4, 2026
Paggunita kay San Juan Maria Vianney, Pari
MGA PAGBASA
UNANG PAGBASA
Jeremias 30: 1-2. 12-15. 18-22
Kinausap ng Panginoon si Jeremias at ito ang sinabi: โIsulat mong lahat ang sinabi ko sa iyo.โ
Ito ang sabi ng Panginoon sa kanyang bayan:
โWala nang lunas ang iyong sakit, mabigat ang pinsalang dinanas mo.
Walang kagamutan sa iyong sugat; wala ka nang pag-asang gumaling pa.
Nilimot ka na ng lahat ng kaibigan mo; wala na silang malasakit sa iyo.
Ikaโy hinampas ko, gaya ng pagsalakay ng isang kaaway, buong lupit kitang pinarusahan;
sapagkat matindi ang iyong kasamaan at napakarami mong kasalanan.
Huwag ka nang dumaing dahil sa iyong sakit;
wala nang lunas ang sugat mo.
Ginawa ko ito sa iyo sapagkat napakalaki ng iyong kasamaan at napakarami mong kasalanan.โ
Sinabi pa rin ng Panginoon:
โMuli kong ibabangon ang lipi ni Jacob.
Pagpapalain ko ang bawat angkan niya.
Bawat lungsod na winasak ay muling itatayo,
at ititindig ang bawat gusali.
Ang mga tao roon ay aawit ng pagpupuri at magkakaingay sa tuwa.
Silaโy aking pararamihin; pararangalan ko sila at wala nang hahamak sa kanila.
Ibabalik ko ang kanilang kapangyarihan,
at silaโy magiging matatag sa harapan ko.
Parurusahan ko ang lahat ng mang-aapi sa kanila.
Lilitaw ang isang pangulo na mula rin sa kanila.
Aanyayahan ko siya kayaโt siya namaโy lalapit sa akin,
sapagkat walang mangangahas na kusang lumapit sa akin.
Kaya nga, silaโy magiging aking bayan,
at ako ang magiging kanilang Diyos.โ
SALMONG TUGUNAN
Panginooโy mahahayag kapag Sion ay natatag.
MABUTING BALITA
Mateo 14: 22-36
Matapos mabusog ang mga tao, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw naโy sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. โMulto!โ sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, โHuwag kayong matakot; si Hesus ito!โ At nagsalita si Pedro, โPanginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.โ Sumagot siya, โHalika.โ Kayaโt lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siyaโy natakot at nagsimulang lumubog. โSagipin ninyo ako, Panginoon!โ sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. โNapakaliit ng iyong pananalig!โ sabi niya kay Pedro. โBakit ka nag-alinlangan?โ Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. โTunay na kayo ang Anak ng Diyos!โ sabi nila.
Tumawid sila ng lawa, at dumaong sa Genesaret. Nakilala si Hesus ng mga tagaroon. Agad nilang ipinamalita sa buong palibot ng lupaing iyon ang pagdating ni Hesus, kayaโt dinala nila sa kanya ang lahat ng maysakit. Hiniling nila sa kanya na ipahipo man lamang sa mga maysakit kahit ang laylayan ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling.
ยฉAwit at Papuri