Christ The King Parish Area-H

Christ The King Parish Area-H Welcome to the Official page of
Christ The King Area H, Sapang Palay Bulacan.

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAWMayo 23, 2026Sabado ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay"Pagmimisa sa Umaga""Ikalawang araw ng...
22/05/2026

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW

Mayo 23, 2026
Sabado ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
"Pagmimisa sa Umaga"
"Ikalawang araw ng Misa Nobenaryo para sa Pamparokyang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Flores"
(Puti)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 28, 16-20. 30-31

Ang Salita ng Diyos mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Pagdating namin sa Roma, si Pablo’y pinahintulutang umupa ng sariling tirahan kasama ang isang kawal na pinakatanod niya.

Makaraan ang tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ng mga pangunahing Judio sa lungsod. Nang magkatipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, bagamat wala akong ginawa laban sa ating bansa o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at isinakdal sa kinatawan ng pamahalaang Romano. Matapos akong litisin, ako sana’y palalayain na sapagkat wala naman akong ginawa na dapat parusahan ng kamatayan. Ngunit tumutol ang mga Judio, kaya’t napilitan akong dumulog sa Emperador, bagamat wala akong sakdal laban sa ating mga kababayan. Nagagapos ako ng tanikalang ito dahil kay Hesus, ang pag-asa ng Israel. Iyan ang dahilan kung bakit hiniling kong makausap kayo.”

Humigit-kumulang sa dalawang taong nanirahan si Pablo sa Roma, sa bahay na kanyang inuupahan, at tinanggap niya ang lahat ng nagsadya sa kanya. Hayagan at walang sagabal na nangangaral siya tungkol sa paghahari ng Diyos at sa Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 10, 4. 5 at 7

Tugon : P**n, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

Ang Panginoong Diyos ay matatagpuan sa banal na templo,
at doon naman sa mataas na langit, naroon ang trono;
at magbuhat doon ay pinagmamasdan ang lahat ng tao,
walang maliligid anuman ang gawin ng lahat ng ito.

Tugon : P**n, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

Lahat ng mabuti pati ang masama ay sinisiyasat,
namumuhing lubos siya sa suwail na wala nang batas.
Ang P**n ay tapat, sa gawang mabuti siya’y nalulugod
at sa piling niya, mabubuhay silang sa kanya’y sumunod.

Tugon : P**n, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

ALELUYA
Juan 16, 7. 13

Aleluya! Aleluya!
Espiritung isusugo
totoo ang ituturo,
pangako ni Kristong G**o.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 21, 20-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, lumingon si Pedro at nakita niyang sumusunod ang alagad na minamahal ni Hesus – yaong humilig sa dibdib ni Hesus nang sila’y naghahapunan at nagtanong, “Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?” Nang makita siya ni Pedro, tinanong nito si Hesus, “Panginoon, ano po naman ang mangyayari sa taong ito?” Sumagot si Hesus, Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo? Sumunod ka sa akin!” Kumalat sa mga kapatid ang balitang hindi mamamatay ang alagad na ito, bagamat hindi sinabi ni Hesus na hindi siya mamamatay, kundi, “Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo?”

Ito nga ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito; siya rin ang sumulat ng mga ito, at alam naming tunay ang kanyang patotoo.

At marami pang ginawa si Hesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Pari : Si Jesus, na nakipamuhay sa mga tao upang maglingkod bilang pagsunod sa kanyang Ama, ay nagnanais na unahin natin nang higit sa lahat ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang lahat sa amin.

1. Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging mga tunay na lingkod na kumikilos nang may pagmamalasakit na katulad ng ipinakita ni Kristo sa kanyang mga apostol, manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y maging tapat sa kanilang mga pananagutan at makatupad sa kanilang mga tungkulin ayon sa diwa ng pag-ibig at paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

3. Ang mga nagdaranas ng kahirapan nawa’y tumanggap ng lakas mula sa Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

4. Ang mga may karamdaman nawa’y maunawaan na ang kanilang pagdurusa, kung titiisin bilang pakikiisa kay Kristo, ay maaaring maging biyaya, manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang ating mga namayapang kamag-anak at mga kaibigan nawa’y magtamasa ng kapanatagan sa walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari : Ama, binigyan ng iyong Anak ng higit na pagpapahalaga sa lahat ang mga bagay na makalulugod sa iyo, kahit humantong pa sa kanyang pagpapakasakit para sa sangkatauhan. Loobin mo na lagi namin siyang maparangalan sa tuwing ginagawa namin siyang pinakamahalaga sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

©️ Awit at Papuri Communications













VIVA, VIRGEN DE LAS FLORES!Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa IKALAWANG ARAW ng Misa Nobenaryo para sa Flores de...
22/05/2026

VIVA, VIRGEN DE LAS FLORES!

Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa IKALAWANG ARAW ng Misa Nobenaryo para sa Flores de Mayo ngayong ika-23 ng Mayo 2026, alas-7ng umaga.

Sa banal na pagdiriwang na ito, sama-sama nating pararangalan at bibigyang-pugay ang Mahal na Birheng Maria sa natatanging buwan na iniaalay para sa kanya. Nawa’y sa ating sama-samang pananalangin at debosyon ay lalo pang tumibay ang ating pananampalataya at pagmamahal sa ating Ina.

“Mapalad ang babaeng sumampalataya.” – Lucas 1:45

VIVA, VIRGEN DE LAS FLORES!

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAWMayo 22, 2026Biyernes ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhayo Paggunita kay Santa Rita ng Cascia...
21/05/2026

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW

Mayo 22, 2026
Biyernes ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o Paggunita kay Santa Rita ng Cascia, Namanata sa Diyos
"Unang araw ng Misa Nobenaryo para sa Pamparokyang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Flores"
(Puti)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 25, 13b-21

Ang Salita ng Diyos mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Berenice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, inilahad ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo,” wika niya. “Nang ako’y nasa Jerusalem, isinakdal siya sa akin ng mga punong saserdote at ng matatanda ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko sila na hindi ugali ng mga Romano ang magparusa sa sinumang nasasakdal nang hindi muna nagkakaharap ang magkabilang panig, at nagkakaroon ng pagkakataong makapagtanggol sa sarili ang nasasakdal. Kaya’t nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko sa hukuman ang taong iyon. Nang magkaharap-harap sila, siya nama’y hindi nila ipinagsakdal sa anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipararatang nila. Ang pinagtatalunan lang nila ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang taong ang pangala’y Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya’y buhay. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito kaya’t tinanong ko siya kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin. Ngunit tumutol si Pablo at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasiya sa kanyang usapin. Kaya’t pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab

Tugon : Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Tugon : Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang nagkasala.

Tugon : Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

Ang P**n nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan;
mula doon, sa nilikha’y maghaharing walang hanggan.
O purihin ninyo siya, kayong mga anghel ng Diyos,
kayong mga nakikinig at sa kanya’y sumusunod!

Tugon : Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.

ALELUYA
Juan 14, 26

Aleluya! Aleluya!
Espiritu’y magtuturo
ng aral at pagkukuro
ni Hesus na ating G**o.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 21, 15-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang muling napakita si Hesus sa mga alagad niya at nang makakain sila, tinanong ni Hesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, nalalaman niyong iniibig ko kayo.” Ani Hesus, “Pangalagaan mo ang aking mga tupa.” Pangatlong ulit na tinanong siya ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot si Pedro, sapagkat makaitlo siya tinanong: “Iniibig mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.” Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayo’y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Biyernes

Pari : Bunga ng pagkaunawang isinugo tayo sa misyong katulad ng kay San Pedro, hilingin natin sa Diyos Ama na palakasin ang ating pananampalataya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain Mo ang iyong kawan.

1. Ang Santo Papa at lahat ng may katungkulan sa Simbahan nawa’y gabayan ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang mga mag-asawa nawa’y magkaroon ng matalas na pakiramdam sa pangangailangan ng bawat isa at maging maligaya sa kanilang pagsasama, manalangin tayo sa Panginoon.

3. Ang mga makasalanan nawa’y makatagpo ng pag-asa at lakas ng loob sa pagpapatawad ng Panginoon kay San Pedro, manalangin tayo sa Panginoon.

4. Ang mga maysakit at nababagabag nawa’y makaranas ng presensya ng Panginoon sa gitna ng kanilang mga pagdurusa at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawa’y makatanggap ng liwanag, kaligayahan, at kapanatagan, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari : Ama naming nasa Langit, isinugo mo ang iyong Anak upang iligtas ang mundo sa pamamagitan ng gawain ng iyong Simbahan. Palakasin nawa ang aming loob ng halimbawa ni San Pedro upang magsikap kami para sa paglaganap ng iyong Kaharian sa lupa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

©️ Awit at Papuri Communications













VIVA, VIRGEN DE LAS FLORES!Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa UNANG ARAW ng Misa Nobenaryo para sa Flores de May...
21/05/2026

VIVA, VIRGEN DE LAS FLORES!

Inaanyayahan po ang lahat na makibahagi sa UNANG ARAW ng Misa Nobenaryo para sa Flores de Mayo ngayong ika-22 ng Mayo 2026, alas-5 ng hapon.

Sa banal na pagdiriwang na ito, sama-sama nating pararangalan at bibigyang-pugay ang Mahal na Birheng Maria sa natatanging buwan na iniaalay para sa kanya. Nawa’y sa ating sama-samang pananalangin at debosyon ay lalo pang tumibay ang ating pananampalataya at pagmamahal sa ating Ina.

“Mapalad ang babaeng sumampalataya.” – Lucas 1:45

VIVA, VIRGEN DE LAS FLORES!

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAWMayo 21, 2026Huwebes ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhayo Paggunita kay San Kristofero Magall...
20/05/2026

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW

Mayo 21, 2026
Huwebes ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o Paggunita kay San Kristofero Magallanes, Pari at Martir, at mga kasama, Mga Martir
o Paggunita kay San Eugenio de Mazenod, Obispo
(Puti o P**a)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11

Ang Salita ng Diyos mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, ibig matiyak ng pinuno kung ano nga ang sakdal ng mga Judio laban kay Pablo, kaya’t pinagpulong niya kinabukasan ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin, saka kinalagan si Pablo, ipinanaog at iniharap sa kanila.

Alam ni Pablo na doo’y may mga Saduseo at Pariseo, kaya’t sinabi niya nang malakas, “Mga kapatid, ako’y Pariseo, anak ng mga Pariseo. Dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay ako’y nililitis ngayon.” Matapos itong sabihin ni Pablo, nagtalu-talo ang mga Pariseo at ang mga Saduseo, at nahati ang kapulungan. Sapagkat ang sabi ng mga Saduseo, hindi muling mabubuhay ang mga patay at walang anghel o espiritu, subalit ang mga Pariseo nama’y naniniwala sa lahat ng ito. At lumakas ang kanilang sigawan. Tumindig ang ilan sa mga eskribang kapanig ng mga Pariseo at malakas na tumutol. “Wala kaming makitang pagkakasala ng taong ito. Ano kung may isang espiritu o isang anghel na nagsalita sa kanya?”

At nang maging mainitan na ang kanilang pagtatalo, natakot ang pinuno na baka lurayin nila si Pablo, kaya’t pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok sa kuta.

Kinagabihan, tumayo ang Panginoon sa tabi ni Pablo at sinabi sa kanya, “Lakasan mo ang iyong loob! Nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem; ganyan din ang gawin mo sa Roma.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11

Tugon : D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
ang hangad ko ay maligtas kaya sa ‘yo dumudulog;
“Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos,
“Kabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.”
Ikaw lamang, O P**n ko, ang lahat sa aking buhay,
ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.

Tugon : D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Pinupuri ko ang P**n na sa akin ay patnubay.
Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay.
Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras.
Sa piling n’ya kailanma’y hindi ako matitinag.

Tugon : D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak.
Ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.

Tugon : D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
Ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

Tugon : D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

ALELUYA
Juan 17, 21

Aleluya! Aleluya!
Lahat nawa’y magkaisa
kay Kristo at sa D’yos Ama
nang tana’y sumampalataya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, “Amang banal, hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.”

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Pari : Nanalangin si Jesus sa Ama para sa pagkakaisa. Sa paghihintay sa Pentekostes, lumapit tayo sa Ama at idalangin ang tunay na pagkakaisa ng lahat ng kanyang mga anak.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng lahat, pag-isahin Mo kami.

1. Ang lahat ng kasapi ng Simbahan nawa’y magkaisa sa puso at isip kasama ng ating Santo Papa at ng ating mga obispo, manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang mundo nawa’y sumampalataya kay Kristo bunga ng nagkakaisang halimbawa ng mga Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

3. Ang lahat ng bininyagan kay Kristo nawa’y magkatipon sa iisang Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

4. Ang bawat mag-anak nawa’y mabuklod sa iisang pananampalataya at pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga yumao nawa’y tawagin sa ganap na pakikipagkaisa sa Diyos magpakailanman, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari : Banal na Ama, sa pamamagitan ng mga panalanging ito, maakay nawa ang lahat ng tao sa pagkakaisang ibinabahagi mo sa Nag-iisang minahal mo bago pa man itinatag ang sansinukob. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

©️ Awit at Papuri Communications













MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW Mayo 20, 2026Miyerkules ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhayo Paggunita kay San Bernardino ng...
19/05/2026

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW

Mayo 20, 2026
Miyerkules ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o Paggunita kay San Bernardino ng Siena, Pari
(Puti)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 20, 28-38

Ang Salita ng Diyos mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo sa matatanda ng simbahan ng Efeso: “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang simbahan ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak. Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan. Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo’y mailigaw sila. Kaya’t mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong tinuruan ko kayo gabi’t araw sa loob ng tatlong taon — at maraming luha ang pinuhunan ko.”

“At ngayo’y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Siya ang makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan niya sa lahat ng kanyang pinapaging-banal. Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o pananamit ninuman. Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama. Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang mahihirap. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Hesus: ‘Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.’”

Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila. Silang lahat ay umiiyak at hinagkan si Pablo. Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siya’y hindi na nila makikita uli. At siya’y inihatid nila sa barko.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b-36k

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Sana’y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan,
ang lakas na ginamit mo noong kami’y isanggalang.
Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo,
na pati ang mga hari doo’y naghahandog sa iyo.

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian,
awitan ang pagpupuri’t ang P**n ay papurihan!
Purihin ang naglalakbay sa matandang kalangitan;
mula roo’y maririnig ang malakas niyang sigaw!

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Ipahayag ng balana ang taglay na kalakasan,
siya’y hari ng Israel, maghahari siyang tunay;
‘yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan.
Kahanga-hanga ang Diyos sa santwaryo niyang banal,
siya ang Diyos ng Israel na sa tana’y nagbibigay
ng kapangyariha’t lakas na kanilang kailangan.

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo,
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 11b-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, si Hesus ay tumingala sa langit, nanalangin at ang wika: “Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayun din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Pari : Habang naghahanda tayo para sa Pentekostes, nalalaman natin na kahit nabubuhay tayo sa mundo, hindi tayo nabibilang sa mundo. Tinatawagan tayo ng katotohanang ito upang manalangin para sa lahat ng tao kaisa ni Kristo na hindi nagnanais na may maligaw ng landas.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, italaga Mo kami sa iyo.

1. Ang lahat ng Kristiyano nawa’y sumampalataya sa pag-ibig ng Diyos at makatagpo ng pagkakaisa sa nag-iisang Pastol, manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y maging saksi sa katotohanan ng kanilang pananampalataya lalo na sa paggamit ng kanilang kapangyarihan at sa pagtupad ng kanilang mga pananagutan, manalangin tayo sa Panginoon.

3. Ang mga Kristiyanong tapat sa pananampalataya nawa’y magsikap na maging banal sa kanilang araw-araw na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

4. Ang mga matatanda, mga nangungulila, mga may kapansanan, at maysakit nawa’y magtiwala sa Diyos na nagpapalakas sa kanila sa pamamagitan ng init ng kanyang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga yumao nawa’y mabuhay nang walang hanggan kasama ng Diyos ng pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari : Butihing Ama, habang iniibig namin ang isa’t isa, nabubuhay ka sa amin at nagiging ganap ang iyong pag-ibig na nasa amin. Tanggapin mo ang aming mga panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

©️ Awit at Papuri Communications













MGA PAGBASA SA ARAW-ARAWMayo 19, 2026Martes ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay(Puti)UNANG PAGBASAMga Gawa 20, 17-27A...
18/05/2026

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW

Mayo 19, 2026
Martes ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
(Puti)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 20, 17-27

Ang Salita ng Diyos mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, mula sa Mileto, si Pablo’y nagpasugo sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa simbahan roon. Pagdating nila ay kanyang sinabi:

“Nalalaman ninyo kung paano ko ginugol ang buong panahong ipinamalagi ko sa inyo, mula nang unang araw na ako’y tumuntong sa Asia. Buong pagpapakumbaba akong naglingkod sa Panginoon at lumuluhang nagtiis ng maraming pagsubok dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio. Hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa hayagan at sa bahay-bahay. Ipinangaral ko maging sa mga Judio at sa mga Griego na dapat nilang talikdan ang kanilang kasalanan at manumbalik sa Diyos, at manalig sa ating Panginoong Hesukristo. Ngayon sa utos ng Espiritu, ako’y pupunta sa Jerusalem, at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. Ito lamang ang aking alam: sa bawat bayang dinalaw ko, ipinahayag sa akin ng Espiritu Santo na ang naghihintay sa akin doo’y pagkabilanggo at kapighatian. Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay, maganap ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus — ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos.”

“Nakisalamuha ako sa inyo samantalang nangangaral ako tungkol sa paghahari ng Diyos. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli. Kaya’t sa araw na ito’y sinasabi ko: hindi ako ang mananagot kung mapahamak ang sinuman sa inyo. Sapagkat ipinahayag ko ang lahat ng nilalayon ng Diyos para sa inyo; wala akong inilingid na anuman.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 10-11. 20-21

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Dahil sa ’yo, yaong ulang masagana ay pumatak,
lupain mong natuyo na’y nanariwa at umunlad.
At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod,
ang mahirap nilang buhay sa biyaya ay pinuspos.

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas
at may dala araw-araw, ng pasanin nating hawak.
Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas,
ang Diyos ang Panginoon, Panginoon nating lahat!
Sa bingit ng kamataya’y hinahango tayo agad.

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

ALELUYA
Juan 14, 16

Aleluya! Aleluya!
Hihilingin ko sa Ama
Espiritu’y isugo n’ya
upang sumainyo t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 1-11a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus sa langit at ang wika, “Ama, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya. Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na walang hanggang sa lahat ng ibinigay mo sa kanya. Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Hesukristo na iyong sinugo. Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.”

“Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila’y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita. Ngayo’y alam na nilang mula sa iyo ang lahat ng ibinigay mo sa akin; sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat ng aking nabatid sa iyo at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako’y galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.”

“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila’y iyo. Ang lahat ng sa akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayon, ako’y pupunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Pari : Hinulaan ni Kristo na ating Panginoon ang kanyang mapanligtas na Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang Nagdurusang Lingkod, ilapit natin ang ating mga kahilingan sa Ama ng awa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, magningning nawa sa amin ang iyong kaluwalhatian.

1. Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y ipakita sa atin ang isang malinaw na larawan ng matiyagang pagtitiis sa gitna ng kaguluhan ng ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang mga bansa nawa’y makilala ang nag-iisang tunay na Diyos at si Jesu-kristo na kanyang isinugo, manalangin tayo sa Panginoon.

3. Tayo nawa’y magsikap at manalangin para sa pagkakaisa ng lahat ng naniniwala kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

4. Ang mga maysakit nawa’y iugnay ang kanilang mga paghihirap sa pagpapakasakit ni Kristo sa krus, manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga naunang lumisan sa buhay na ito nawa’y makatanggap ng walang hanggang gantimpalang ipinangako sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari : Ama, niluwalhati mo ang iyong Anak, at luluwalhatiin kami sa kanya. Tanggapin mo ang aming mga panalangin dahil kami ay sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

©️ Awit at Papuri Communications













Kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat, ipinagdiwang din ang ika-60 na World Communication ...
18/05/2026

Kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat, ipinagdiwang din ang ika-60 na World Communication Sunday, ating kinikilala ang mahalagang papel ng komunikasyon bilang tulay ng katotohanan, pagkakaisa, at pananampalataya. Nawa’y maging daluyan tayo ng mabubuting salita, wastong impormasyon, at mensaheng nagdadala ng pag-asa at pag-ibig ni Kristo sa bawat isa.

Narito po ang larawan ng ating Commission on Social Communication na itinalaga kaninang ika-9:30 ng umaga, sa pangunguna ng ating Kura Paroko, Rev. Fr. Eric T. Bagay. Ang pagtatalaga na ito ay tanda ng kanilang pagtugon at paglilingkod sa misyon ng Simbahan na maipalaganap ang Mabuting Balita sa pamamagitan ng makabuluhan at responsableng komunikasyon.

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAWMayo 18, 2026Lunes ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhayo Paggunita kay San Juan I, Papa at Mar...
17/05/2026

MGA PAGBASA SA ARAW-ARAW

Mayo 18, 2026
Lunes ng Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o Paggunita kay San Juan I, Papa at Martir
(Puti o P**a)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 19, 1-8

Ang Salita ng Diyos mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Samantalang nasa Corinto si Apolos, si Pablo nama’y naglagos sa mga dakong bulubundukin ng lalawigan hanggang dumating sa Efeso. May natagpuan siya roon ilang alagad, at tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang sumampalataya kayo?” “Hindi po,” tugon nila. “Ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo.” “Kung gayun, sa ano kayo nabinyagan?” tanong niya. “Sa binyag ni Juan,” anila. Sinabi ni Pablo, “Ang binyag ni Juan ay tanda ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga Israelita na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, samakatuwid baga’y kay Hesus.” Nang marinig nila ito, sila’y nagpabinyag sa pangalan ng Panginoong Hesus. Ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila. Bumaba sa kanila ang Espiritu Santo at sila’y nagsalita ng iba’t ibang wika at nagpahayag ng salita ng Diyos. Sila’y humigit-kumulang sa labindalawang lalaki.

Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo’y pumapasok sa sinagoga at nakikipagtalo sa mga naroon at buong tapang na ipinaliliwanag sa kanila kung ano ang paghahari ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 2-3. 4-5ak. 6-7ab

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

O mag-alsa sana ang Diyos, ang kaaway pakalatin,
at ang mga namumuhi’y tumakas sa kanyang piling!
Kung paanong yaong ulap tinatangay noong hangin,
gayun sila itataboy, gayun sila papalisin;
at kung pa’nong yaong pagkit sa apoy ay natutunaw,
sa harap ng Panginoon ang masama ay papanaw.

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Ang lahat ay nagagalak, natutuwa ang matuwid;
sa harapan nitong Diyos, galak nila’y di malirip.
Awitan ang Panginoon, purihin ang kanyang ngalan,
ang pangalan niyang banal, magalak na papurihan.

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Ang Diyos na naroon sa tahanan niyang templo,
tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.
May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,
ang bilanggo’y hinahango upang sila ay malugod.

Tugon : Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

ALELUYA
Colosas 3, 1

Aleluya! Aleluya!
Kayong kay Kristo nabuhay
ay sa langit nakalaan
upang kay Kristo pumisan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 29-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ng mga alagad kay Hesus, “Ngayon po’y tuwiran na ang inyong pangungusap sa amin at hindi na patalinghaga! Alam na naming batid ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin ninuman. Dahil dito, naniniwala kaming kayo’y mula sa Diyos.” Sumagot si Hesus, “Naniniwala na ba kayo ngayon?” Darating ang oras – at ngayon na nga – na magkakawatak-watak kayo, magkakanya-kanyang lakad kayo, at iiwan ninyo ako. Gayunma’y hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. Sinabi ko ito sa inyo upang kayo’y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Mayroon kayong kapighatian dito sa sanlibutan; ngunit laksan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Pari : Pagkatapos mapagtagumpayan ni Jesus ang mundo, isinugo niya ang Espiritu upang tulungan tayo sa mga hinaharap nating pagsubok at sa ating misyon na magpatotoo sa kanya. Manalangin tayo upang pagkalooban tayo ng lakas at hilingin ang kanyang tulong sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, loobin Mong makasalo kami sa iyong tagumpay.

1. Ang mga inuusig nawa’y magkaroon ng lakas ng loob na manindigan sa kanilang paniniwala, manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang mga natutukso nawa’y mapaglabanan ang kanilang kahinaan sa pamamagitan ng biyaya ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

3. Ang mga nag-aalay kay Kristo ng kanilang gawain, propesyon, at negosyo nawa’y makatanggap ng lakas sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa Kristiyanong paraan, manalangin tayo sa Panginoon.

4. Ang mga maysakit nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na haplos ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

5. Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng maningning na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Pari : Makapangyarihang Ama, magagawa mo ang lahat ng bagay. Marapatin mong gamitin namin ang iyong kapangyarihan sa lahat ng aming ginagawa para sa iyong ikaluluwalhati. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

©️ Awit at Papuri Communications













Address

San Rafael III Area-H
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Tuesday 8:30am - 5pm
Wednesday 8:30am - 5pm
Thursday 8:30am - 5pm
Friday 8:30am - 5pm
Saturday 8:30am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639350384949

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ The King Parish Area-H posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Christ The King Parish Area-H:

Share