SJDM Christian Ministry

SJDM Christian Ministry Loving God and Loving People

31/05/2026

COPYRIGHT DISCLAIMER:

Welcome to our Online Worship Service
05-31-2026

No copyright infringement intended. I do not own the music on this video. It belongs to the rightful owners.

24/05/2026

COPYRIGHT DISCLAIMER:

Welcome to our Online Worship Service
05-24-2026

No copyright infringement intended. I do not own the music on this video. It belongs to the rightful owners.

17/05/2026

COPYRIGHT DISCLAIMER:

Welcome to our Online Worship Service
05-17-2026

No copyright infringement intended. I do not own the music on this video. It belongs to the rightful owners.

SJDM Christian Ministry online prayer meeting. February 11, 2026
11/02/2026

SJDM Christian Ministry online prayer meeting.

February 11, 2026

SJDM Christian Ministry on-site Sunday Worship Service SJDM BulacanRoma 5:8"Pag-Ibig na kumilos, hindi lang nangako"02/0...
01/02/2026

SJDM Christian Ministry on-site Sunday Worship Service

SJDM Bulacan
Roma 5:8

"Pag-Ibig na kumilos, hindi lang nangako"

02/01/2026

21/01/2026

Bible Reading:
Mga Awit 65:1-13

“Sa Presensya ng Diyos, May Kapuspusan ng Kagalakan”

Mga Awit 65:4-5
4 Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan,
silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan! Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal, dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.
5 Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos,
sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos.
Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan, may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan.

Observation:
Hindi lahat ng kagalakan ay nagmumula sa tagumpay o kasaganaan. Ipinapaalala ng Salmo na ang tunay na kagalakan ay bunga ng paglapit at pananatili sa presensya ng Diyos—isang biyayang hindi natin kayang bilhin, kundi tinatanggap bilang kaloob ng Kanyang biyaya.

Personal Reflection:
1 Saan ko hinahanap ang aking kagalakan - sa Diyos ba o sa mga bagay ng mundo?
2 Pinahahalagahan ko ba ang oras sa presensya ng Diyos araw-araw?
3 Nakikilala ko ba ang mga “kagila-gilalas” na gawa ng Diyos sa aking buhay?

Command:
1 Lumapit araw-araw sa Diyos sa panalangin at Salita.
2 Manatili sa Kanyang presensya kahit walang kasagutan agad.
3 Ipahayag ang iyong kagalakan sa Diyos sa pamamagitan ng pasasalamat at papuri.

Prayer:
Ama naming Diyos, salamat po sa biyaya ng Iyong presensya. Ikaw ang tunay na pinagmumulan ng aming kagalakan. Turuan Mo po kaming lumapit at manatili sa Iyo araw-araw, upang ang aming puso ay mapuno ng Iyong kabutihan. Sa Iyo lamang kami nasisiyahan. Sa pangalan ni Jesus Amen.

13/01/2026

Bible Reading:
Mga Awit 62:1-12

“Matatag Dahil ang Diyos ang Aking Sandigan”

Mga Awit 62:5-6
5 Tanging sa Diyos lang ako umaasa; ang aking pag-asa'y tanging nasa kanya.
6 Tanging siya lamang ang tagapagligtas, tagapagtanggol ko at aking kalasag; akin ang tagumpay sa lahat ng oras!

Observation:
Sa mundong pabago-bago at puno ng kawalang-katiyakan, madali tayong humanap ng sandigan—pera, tao, o sariling lakas. Ngunit paalala ng salmista: ang tunay na katatagan ay nagmumula lamang sa Diyos. Kapag Siya ang ating sandigan, hindi tayo basta matitinag.
Kapag tahimik ang puso, mas malinaw nating naririnig ang tinig ng Diyos.
Ang pag-asang nagmumula sa Kanya ay nagbibigay ng kapayapaan, kahit wala pang malinaw na sagot.
At kapag ang Diyos ang ating sandigan, maaaring dumaan ang unos—ngunit hindi tayo mawawasak, sapagkat ang pusong nakaangkla sa Diyos ay mananatiling matatag.

Personal Reflection:
1 Kanino ako tunay na umaasa kapag ako’y nahaharap sa pagsubok?
2 May mga bagay ba akong pinanghahawakan bukod sa Diyos para sa aking seguridad?
3 Marunong ba akong manahimik at maghintay sa Diyos, o nauuna ang aking takot at pagkilos?

Command:
1 Manahimik at ipaubaya sa Diyos ang mga bagay na hindi mo kayang kontrolin.
2 Magtiwala hindi sa lakas ng sarili, kundi sa katapatan ng Diyos.
3 Manindigan sa pananampalataya, kahit ang paligid ay puno ng pagyanig.

Prayer:
Ama naming Diyos, turuan Mo po kaming manahimik sa Iyong presensya at magtiwala sa Iyo ng buong puso. Ikaw ang aming bato, aming kaligtasan, at aming kanlungan. Sa Iyo kami umaasa, kaya’t kami'y mananatiling matatag. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

12/01/2026

Bible Reading:
Lucas 15:1-32

"Kagalakan sa Langit Dahil sa Isa"

Lucas 15:7
Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.

Observation:
Sa mundong madalas nakatuon sa dami at tagumpay, ipinapaalala ni Jesus na isang buhay na nagbalik-loob ay sapat upang magdulot ng kagalakan sa langit. Hindi nalilimutan ng Diyos ang nawawala, at hindi Niya binabalewala ang pagsisisi ng isa.
Hindi aksidente ang paghahanap ng Diyos; ito ay bunga ng Kanyang pag-ibig
Binibigyang-diin ni Jesus ang “isa” - sapagkat sa Diyos, ang bawat isa ay may halaga.

Personal Reflection:
1 Ako ba ang “isa” na kailangang magbalik-loob ngayon?
2 Paano ko tinitingnan ang mga nawawala—tulad ba ng Diyos, o tulad ng mundo?
3 Ano ang mga hakbang ng pagsisisi na hinihingi ng Diyos sa aking buhay?

Command:
1 Magbalik-loob hindi lamang sa salita, kundi sa pamumuhay.
2 Makigalak sa Diyos sa tuwing may isang kaluluwang nagbabalik sa Kanya.
3 Maging kasangkapan sa paghahanap ng mga nawawala.

Prayer:
Ama naming Diyos, salamat po sapagkat mahalaga sa Iyo ang bawat isa. Turuan Mo po kaming magsisi nang totoo at magmahal tulad ng Iyong pagmamahal. Nawa’y ang aming buhay ay maging dahilan ng kagalakan sa langit. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

05/01/2026

Scripture Reading:
Lucas 12:1-59

“Walang Mananatiling Lihim”

Lucas 12:2-3
2 Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. 3 Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.

Observation:
Lahat tayo ay may mga bagay na minsan ay pilit nating itinatago—mga salitang hindi nasabi nang tama, mga motibong hindi malinis, at mga gawaing ayaw nating malaman ng iba. Ngunit malinaw ang paalala ni Jesus: darating ang panahon na ang lahat ng lihim ay lalantad. Hindi ito para tayo’y takutin, kundi para tayo’y anyayahan sa isang buhay na tapat at banal sa harap ng Diyos.
Hindi natin kayang linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng panlabas na kabanalan lamang. Alam Niya ang laman ng ating puso, sapagkat ang ating mga sinasabi ay salamin ng tunay nating pagkatao. At kapag wala na tayong itinatago, doon natin mararanasan ang tunay na kapayapaan.

Personal Reflection:
1 Mayroon ba akong mga lihim na hindi ko nais na ilantad sa liwanag ng Diyos?
2 Ang aking pananalita ba sa pribado ay kapareho ng aking pananalita sa publiko?
3 Ako ba ay namumuhay upang magmukhang banal, o dahil tunay akong sumusunod sa Diyos?

Command:
1 Mamuhay sa liwanag, hindi sa pagtatago.
2 Linisin ang puso, hindi lamang ang panlabas na anyo.
3 Piliing maging tapat kahit walang nakakakita.
Isuko sa Diyos ang mga lihim na kailangang baguhin.

Prayer:
Panginoon, salamat po sa Iyong katotohanan na naglalantad at nagpapalaya. Tulungan Mo po kaming mamuhay nang may dalisay na puso at walang itinatago sa Iyo. Linisin Mo po ang aming mga salita, motibo, at gawain. Nawa’y piliin naming lumakad sa Iyong liwanag araw-araw.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.

15/08/2025

"Gaining Through Giving Up"

Mateo 10:39
"Ang nagsisikap magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.”

Jesus reveals that clinging to our own way leads to spiritual loss. Ang pagkakaroon ng tunay na kayamanan ay kapag natutunanan nating ibigay sa Diyos ang full control sa lahat sa atin.
When we learn to “give up” everything, it's the time to gain all things. What we lose for Christ, we gain back in a richer, eternal way.
The life you surrender in obedience is replaced with a life beyond your imagination.

*Let's think of this!
What is God asking you to “give up” today so you can truly “gain” in Him?

Address

San Jose Del Monte
2033

Telephone

+639391024833

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SJDM Christian Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share