Send the Word of Life Global Outreach-Kaypian

Send the Word of Life Global Outreach-Kaypian Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Send the Word of Life Global Outreach-Kaypian, Religious organisation, San Jose del Monte.

25/03/2025

SALAMAT PO, AMA!🙏🙌

Join us for a joyous Thanksgiving celebration and cherished family time! Let's gather for a feast of gratitude on Decemb...
23/12/2023

Join us for a joyous Thanksgiving celebration and cherished family time!

Let's gather for a feast of gratitude on December 23, 2023, 2:00 pm at SWOLGO-Kaypian.

Can't wait to share laughter, love, and delicious moments together! 👨‍👩‍👦👨‍👩‍👧👨‍👩‍👧‍👦👨‍👩‍👧‍👧🫂


Celebrating 3 years of God's Goodness and Faithfulness @ SWOLGO Kaypian❤
07/11/2023

Celebrating 3 years of God's Goodness and Faithfulness @ SWOLGO Kaypian❤

Congratulations sa lahat ng mga kapatid namin nagpahayag ng kanilang pananampalataya sa ating Panginoong Hesus!Sa Diyos ...
07/11/2023

Congratulations sa lahat ng mga kapatid namin nagpahayag ng kanilang pananampalataya sa ating Panginoong Hesus!
Sa Diyos ang Papuri🙌🙌🙌
@3

03/10/2023
03/10/2023

MAALALA SANA

1 Mga Hari 5:5
Kaya binabalak kong ipagtayo ng isang templo si Yahweh na aking Diyos. Gaya ng pangako niya sa aking ama, ‘Ang anak mo na pauupuin ko sa iyong trono bilang kahalili ang siyang magtatayo ng aking Templo.

PAGNINILAY:
Kilala pa rin kaya natin ang Panginoon kapag tayo’y nakakatanggap na? O nakakalimutan na natin Siya sapagkat tayo’y mayroon na?

Nakalilimutan nating madalas na ang lahat ng bagay na ating natatamo ay galing sa Diyos. Ngunit minsan natatabunan na ata ang ating mga pasasalamat dahil sa dami ng biyaya na Kanyang ibinigay kaya nalimutan na nating magpasalamat?

Kapatid, hindi iyon ang nais ng Diyos na maging gawi natin. Kundi ang nais Niyang ipakita sa atin na Siya ang nagbibigay at dapat na Siya ay kilalanin.

Mga Kapatid, maalala sana natin palagi ang Diyos sa lahat ng bagay. Alalahanin nating nararapat Siyang pasalamatan o iparating man lamang ang ating pasasalamat sa marami o iba’t ibang paraan.

Handa ba tayong ibigay ang dapat na talagang sa Kanya? o ipagdadamot natin ang nagmula sa Kanya?

Mapagpalang umaga po, sa Diyos ang kapurihan!

11/09/2023

IPINAGLABAN

2 Samuel 10:12
Magpakatapang kayo! Lakasan ninyo ang loob sa paglaban alang-alang sa bayan at sa mga lunsod ng ating Diyos, at mangyari nawa ang kalooban ni Yahweh.”

PAGNINILAY:
Isa itong paghihikayat na lumaban pa para sa kanilang Diyos na si Yahweh. Hinihimok ang karamihan na tumindig at ipaglaban ang Diyos na kanilang pinaniniwalaan at sinasampalatayanan.

Tayo ba Kapatid? Kumusta?

Naipaglalaban din ba natin ang Diyos na ating pinaniniwalaan at sinasampalatayanan?

Ang Diyos kasi ay wala ng dapat pang patunayan pa para sa atin. Naririyan Siya palagi upang tayo ay ipaglaban at iligtas.

Tandaan na ibinigay nga ng Diyos ang kaisa-isa Niyang Anak upang ipaglaban tayo sa kapahamakan at kasalanan. Pinaglaban Niya na hindi tayo sakupin ng kadiliman na naghahari sa mundo bagkus ay matanggap pa nga natin ang kaliwanagan.

Buksan ang ating mga mata at puso. Araw-araw ay makikita natin at mararamdaman kung paanong lagi tayong ipinaglalaban ng Diyos upang tayo ay maging ligtas at maayus palagi.

Huwag nawang iwawaglit sa ating mga isipan na ipinaglaban tayo ni Jesus hanggang kamatayan upang matamo natin ang kaligtasan. Nawa ay maipaglaban din natin na Siya ay tanggapin sa ating buhay at Siya ay mapaglingkuran.

Mapagpalang Araw mga kapatid, sa Diyos ang kapurihan!

5th Week House to House Prayer@ Lorenzo Family😊😊After nang maapoy na panalanginan, masayang eating fellowship naman😋🤗Tha...
05/09/2023

5th Week House to House Prayer
@ Lorenzo Family😊😊
After nang maapoy na panalanginan, masayang eating fellowship naman😋🤗

Thank You Lord for the gift of family🙌🙌🙌

🔥🔥🔥

IKAW LAMANG 2 Samuel 7:22 Napakadakila mo, O Panginoong Yahweh. Wala pa kaming nababalitaang Diyos na tulad ninyo. Ikaw ...
04/09/2023

IKAW LAMANG

2 Samuel 7:22
Napakadakila mo, O Panginoong Yahweh. Wala pa kaming nababalitaang Diyos na tulad ninyo. Ikaw lamang ang Diyos.

PAGNINILAY:
Sa lahat ng Kanyang mga naging pagkilos sa ating buhay. Sa bawat pag-gabay at pag-iingat na Kanyang ginawa. Sa napakaraming biyayang ating natatanggap. Naisip ba natin na...

Naibabalik ko ba ito sa Panginoon? Naipapakita ko bang Siya’y aking mahal?
May nagawa na ba ako para sa Kanya?

Mga Kapatid, maaaring sa ating paningin ay sapat ang bawat paghihirap na ating ginagawa. Ngunit ito’y kulang. Kung ikukumpara sa bawat sakripisyo, biyaya, pagmamahal at pag-ala-alang Kanyang ginawa para lamang sa atin.

Wala na ngang sino mang makapapantay at papalit sa iisang Diyos. Hindi matutularan ng kahit sino ang lahat ng yaon. Sapagkat Siya ang ating Diyos ay dakila at walang katulad.

Masambit nawa nating palagi “IKAW LAMANG ANG AKING DIYOS.”

Mapagpalang Araw po, sa Diyos ang kapurihan!

SABIK SA PANGINOONJuan 21:7Sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ito ni S...
29/08/2023

SABIK SA PANGINOON

Juan 21:7
Sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ito ni Simon Pedro, nagsuot siya ng damit dahil nakahubad siya noon at saka lumusong sa tubig.

PAGNINILAY:
Sa tagpong ito ay nagpakita si Jesus sa Kanyang mga alagad at ito ngang si Pedro ay makikita natin kung gaano siya kasabik sa kanyang Panginoon Jesus.

Sabik na sabik Siya! Nagdamit lamang at agad nga na lumusong sa tubig upang puntahan si Jesus.

Kapatid, kumusta?
May pananabik pa ba tayong nadarama? O wala na?

Nawa lahat tayo ay matagpuan ng pananabik sa ating Panginoon. Tunay na hindi natin Siya nakikita at hindi alam kung kailan Siya babalik ayon sa Kanyang pangako sa atin. Ngunit nawa bilang tagasunod Niya ay matagpuan tayo na may pananabik sa Kanya. Pananabik sa ating Panginoong Jesus.

Sabik pa ba tayong makita ang Diyos?

Sabik pa ba tayong makita ang nagligtas sa atin sa kasalanan?

Sabik pa ba tayo sa Kanya na lagi tumulong at tumutugon sa ating mga pangangailangan?

Kapatid, nawa ang bawat isa sa atin ay SABIK SA PANGINOON.

Mapagpalang araw, sa Diyos ang kapurihan!

4th Women Fellowship last August 26, 2023🙌🔥🥰 Tara na!!!Magpalalim at magpalakasan sa Panginoon kasama ang iba pang mga k...
29/08/2023

4th Women Fellowship last August 26, 2023🙌🔥🥰
Tara na!!!
Magpalalim at magpalakasan sa Panginoon kasama ang iba pang mga kananayan/kababaihan dito sa Kaypian!
Ginaganap tuwing ikalawang sabado ng buwan (2nd Saturday of the Month)
2:00-4:00pm

Address

San Jose Del Monte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Send the Word of Life Global Outreach-Kaypian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share