St. Michael the Archangel Church - Commission on Youth

St. Michael the Archangel Church - Commission on Youth This is the Official Page of SMAC Commission on Youth

TINGNAN | Mga kuhang larawan mula sa ginanap na Marian Fair noong Mayo 31, 2026, sa St. Michael the Archangel Church, sa...
30/06/2026

TINGNAN | Mga kuhang larawan mula sa ginanap na Marian Fair noong Mayo 31, 2026, sa St. Michael the Archangel Church, sa pangunguna ng Commission on Youth.

‎Layunin ng gawaing ito na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na mapalalim ang kanilang pananampalataya at ugnayan kay Maria bilang ating Ina.

‎Tampok sa nasabing programa ang mga gawain gaya ng "Iguhit si Maria", "Guess the Title", at "Prayer through Mary", na nagbigay-daan sa mga kabataang nakilahok na higit pang makilala at mapahalagahan ang ating Mahal na Ina.

‎Sa tulong at gabay ng ating Mahal na Birheng Maria, naging matagumpay ang pagdaraos ng Marian Fair.




SA MGA LITRATO | Nagtipon-tipon ang mga mananampalataya para sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng P...
01/04/2026

SA MGA LITRATO | Nagtipon-tipon ang mga mananampalataya para sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon sa ganap na ika-7:00 n.u., ika-29 ng Marso, 2026, sa pangunguna ng ating Paring Tagapamahala, Rdo. P. George Joseph C. Asunar, MOP.

Nagsimula ang pagdiriwang mula sa Heroesville 1 Multi-purpose Building, kung saan ginanap ang pagbabasbas ng mga palaspas, at sinundan ng prusisyon patungo ng simbahan kung saan ginanap ang Banal na Misa.



TINGNAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang ng Pagmimisang may Pagbabasbas ng Langis (Chrism Mass) ng Militar...
01/04/2026

TINGNAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang ng Pagmimisang may Pagbabasbas ng Langis (Chrism Mass) ng Military Ordinariate of the Philippines noong ika-26 ng Marso, 2026, sa St. Ignatius Cathedral, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Binibigyang halaga ng pagdiriwang na ito ang pagkakaisa ng ating Diyosesis at ng ating Obispo, Lub. Kgg. Oscar Jaime L. Florencio, DD, SThD. Gayundin, ginanap sa Misang ito ang pagpapanibago ng mga kaparian sa kanilang mga Pangako sa Pagkapari, at ang pagtatalaga ng mga Langis ng Krisma at Langis para sa Maysakit.



BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na Gabi ng Pasasalamat noong Setyembre 27, 2025, sa ganap na ika-6:00 n.g., na d...
01/04/2026

BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na Gabi ng Pasasalamat noong Setyembre 27, 2025, sa ganap na ika-6:00 n.g., na dinaluhan ng ating Paring Tagapamahala, mga miyembro ng Parish Pastoral Council, mga parokyano, kasama ang mga benefactors at sponsors ng ating Simbahan.


BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil na ginanap noong Setyembre 27, 2025, sa g...
01/04/2026

BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil na ginanap noong Setyembre 27, 2025, sa ganap na ika-10:30 n.u., sa pangunguna ni Rdo. Msgr. Gilbert Q. Sones, VG, MA, MOP Vicar General.


BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang ng Kapistahan ng ating patron, San Miguel Arkanghel, na ginanap n...
01/04/2026

BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang ng Kapistahan ng ating patron, San Miguel Arkanghel, na ginanap noong Setyembre 27, 2025, sa ganap na ika-8:30 n.u., sa pangunguna ni Rdo. Msgr. Gilbert Q. Sones, VG, MA, MOP Vicar General.


BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang ng Ikasiyam na Araw ng Misa Nobenaryo para sa Kapistahan ng ating...
01/04/2026

BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na pagdiriwang ng Ikasiyam na Araw ng Misa Nobenaryo para sa Kapistahan ng ating patron, San Miguel Arkanghel, na ginanap noong Setyembre 26, 2025, sa ganap na ika-6:30 n.g., sa pangunguna ng ating Paring Tagapamahala, Rdo. P. George Joseph Asunar, MOP.


BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na prusisyon sa karangalan ng ating patron, San Miguel Arkanghel, na ginanap noo...
01/04/2026

BALIKAN | Mga kuhang larawan sa ginanap na prusisyon sa karangalan ng ating patron, San Miguel Arkanghel, na ginanap noong Setyembre 26, 2025, sa ganap na ika-7:00 n.u.

Ito ay dinaluhan ng mga mananampalataya at deboto ni San Miguel Arkanghel, at binagtas ng prusisyon ang mga daan sa ating subdivision.


Address

Blk 17 Lot 8 Exp 2 Heroesville 1 Brgy Gaya-Gaya, City Of San Jose Del Monte, Bulacan
San Jose Del Monte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Michael the Archangel Church - Commission on Youth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share