01/05/2026
Mayo 1, 2026
Paggunita kay San Jose, Manggagawa
MGA PAGBASA
UNANG PAGBASA
Genesis 1: 26 โ 2, 3
Sinabi ng Diyos: โNgayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.โ Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at silaโy pinagpala. Wika niya, โMagpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.โ At ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga โ ito ang ika-anim na araw.
Gayun nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon. Sa loob ng anim na araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siyaโy nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinangi, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.
SALMONG TUGUNAN
P**n kamiโy pagpalain at Iyong pagtagumpayin.
MABUTING BALITA
Mateo 13: 54-58
Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, โSaan kumuha ng karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki? At dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?โ At ayaw nilang kilanlin siya. Kayaโt sinabi ni Hesus sa kanila, โAng propetaโy iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sa kanyang sariling sambahayan.โ At dahil sa di nila pagsampalataya, hindi siya gumawa roon ng maraming kababalaghan.
ยฉAwit at Papuri