12/02/2026
MASDAN || Mga kuhang larawan sa mabiyayang pagdiriwang ng Kapistahan sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Lourdes — isang pagdiriwang ng pananampalataya, pag-asa, at himala. Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang maringal at mataimtim na Prusisyon na sinundan ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rdo. P. Candido M. Pobre, Jr., Kura Paroko ng Parokya ng Sagrada Familia.
Sa kaniyang homiliya, mariing binigyang-diin ang kahalagahan ng matibay at hindi malirip na pananampalataya — gaya ng ipinakita ng mga mamamayan ng Lourdes sa bansang France na hindi nag-alinlangan bagkus buong pusong yumakap at pinagtibay ang kanilang pananampalataya. Isang paalala na sa gitna ng ating mga pagsubok, ang Diyos ay kumikilos, nagpapahid ng mga luha tungo sa biyaya, tulad ng tubig na ginawang alak ng ating Panginoon sa kasalanan sa Cana (Juan 2:1-11).
Nagtapos ang pagdiriwang sa isang masayang salu-salo, tanda ng pagkakaisa, pasasalamat, at patuloy na paglalakbay ng komunidad sa liwanag ng pananampalatayang hatid ni Kristo sa tulong at paggabay na rin ng Inang Maria—Ang Mahal na Birhen ng Lourdes.
Mahal na Birhen ng Lourdes, ipanalangin mo kami!