18/07/2026
PLEASE, HELP BUILD OUR CHURCH.
Noong ika-6 ng Marso, 2021, opisyal na idineklara ang ating pamayanan bilang Inihahandang Parokya ng Mahal na Birhen ng Asuncion. Mula noon hanggang ngayon, ang dating auditorium ng Sto. Rosario Sapang Palay College, Inc. ang nagsisilbing ating simbahan—ang tahanan ng ating mga pagdiriwang ng Banal na Misa, mga sakramento, at sama-samang pananalangin. Ito rin ang nagsisilbing kapilya ng ating paaralan.
Ngunit habang lumalaki ang ating pamayanan, lumalaki rin ang ating pangangailangan. Sa mga mahahalagang pagdiriwang, marami na ang hindi magkasya sa loob ng simbahan. At sa tuwing umuulan, pumapasok ang tubig sa loob nito, na nagdudulot ng pagkasira ng ilan sa ating mga kagamitan at pagkaabala sa ating pagsamba.
Dahil dito, noong Agosto 15, 2025, muling inilunsad ang proyektong “Tahanan Natin, Ating Buuin.” Layunin nitong makalikom ng pondo para sa pagsasaayos ng ating simbahan.
Tulad ng sinabi ng ating minamahal na Obispo, Bishop Dennis Villarojo:
“Buo na ang Simbahang tao; kailangan namang ayusin ang simbahang bato.”
Kaya’t inaanyayahan po namin kayong maging bahagi ng misyong ito.
Sa bawat tulong, gaano man kaliit o kalaki, sama-sama nating maipagpapatuloy ang pagbuo ng isang tahanan kung saan mas marami pang tao ang makalalapit sa Diyos.
TAHANAN NATIN… ATING BUUIN.
Maraming salamat po, at pagpalain nawa tayo ng Diyos sa tulong ng panalangin ng ating Patrona, ang Mahal na Birhen ng Asuncion.
You may send your donations directly to our Quasi-Parish, or through:
BDO Unibank, Inc.
Account Name: RCBMI-Quasi-Parish of Our Lady of Assumption
Account Number: 007248010010
GCash 09171191950
For details you may contact:
Mobile: +639171191950
Facebook: Our Lady of Assumption Quasi-Parish
For check donations, kindly make it payable to RCBMI-Quasi-Parish of Our Lady of Assumption