29/07/2026
KUMUSTA KA!
Madalas ang unang nagtatanong nito o gumagamit ng kataga na ito ay ang mga Leaders, Pastors, Members -- Dalawang salita na may iba't ibang kahulugan ito ma'y negatibo o positibo, masaya o malungkot, at iba pa.
Kuya kumusta ka?
Ate kaya paba?
Andito ang Ate at Kuya ahh
Madalas tayong kinukumusta ng mga tinatawag nating mga Ate/Kuya pero sila kaya ay kumusta din?. Tandaan natin na sa isang kapatiran ay napakalaking impact/epekto ne'to sa bawat isa at sa nakakarami, dahil yung mga kilala nating Ate/Kuya in-Christ ay nais din sila kumustahin kaya napaka-importante ng "PASTORAL CARE", Since, It is a form of love, care at pagpapahalaga sa bawat kapatiran at bawat Ate/Kuya natin.
Huwag natin kakaligtaan na kumustahin ang mga Ate/Kuya natin, malay natin na sa ganoong kaparaanan ay may pinagdadaanan o pasanin din pala sila at sa salitang "kumusta" madalas ay 'yun ang gusto nilang marinig mula sa ating mga miyembro (vice versa). Nakakagaan sa pakiramdam na may nangungumusta sa sa'tin o sa'yo at kasabay ng pangungumusta ay bigyan din natin ng ikalalakas ng kanilang kalooban.
According to Bible,
1 Tesalonica 5:11
"Kaya't magpalakasan kayo at magpatibayan ang isa't isa, tulad ng ginagawa ninyo ngayon."
Hebreo 10:24
"Isaalang-alang natin na magpalakasan tayo ng loob sa isa't isa patungo sa pag-ibig at mga mabubuting gawa."
REMEMBER,
"ALWAYS CHECK YOUR HEART & OTHERS HEART"
-- 💛It is time for us to reciprocate the care shown by our PASTORS, LEADERS, MEMBERS & etc. — not through material things, but by simply checking in on them.💛
✨✨MAY THE LORD BE WITH YOU AND BLESSED YOU✨✨