18/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Mga Pilipinong Huwaran sa Kabanalan, Kilalanin natin at Tularan!
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ | ๐.๐.๐. ๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐
"๐๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ด๐ข"
Si Aurora Aragon Quezon, maybahay ng unang Pangulo ng Komonwelt na si Manuel L. Quezon, ay kinilala ng Simbahang Katolika bilang Lingkod ng Diyos. Ito ang unang hakbang sa proseso ng kanonisasyon na nag-ugat mula sa petisyon ng mga mananampalataya. Ang kanyang reputasyon sa kabanalan at birtud ang naging batayan ng opisyal na pagsisiyasat ng diyosesis.
Bilang Ina ng Masa, ipinakita niya na ang pamumuno ay hindi tungkol sa kapangyarihan, kundi sa pagbibigay ng sarili para sa ikabubuti ng nakararami. Ang kanyang kababaang-loob, pagtanggi sa marangyang pamumuhay, at sakripisyong tinanggap hanggang kamatayan ay nagsisilbing paalala na ang tunay na dangal ay nagmumula sa paglilingkod na walang hinihintay na kapalit.
Bagamaโt iniiwasan niya ang pulitika, si Aurora ay naging aktibo sa gawaing pantao. Tinagurian siyang Ina ng Masa dahil sa kanyang pamumuno sa muling pagtatatag ng Philippine National Red Cross matapos ang digmaan. Bukod dito, sinuportahan niya ang mga bahay-ampunan, Girl Scouts of the Philippines, at Philippine Tuberculosis Society, na patunay ng kanyang malasakit sa kapwa.
Sa kabila ng pagiging Unang Ginang, pinili ni Aurora ang simpleng pamumuhay at nanatiling madasalin. Pinarangalan siya ni Pope Pius XII ng Pro Ecclesia et Pontifice para sa kanyang paglilingkod. Matapos mamatay ang kanyang asawa, tumanggi siyang tumanggap ng pensyon bilang sakripisyo para sa mga balo at ulila ng digmaan. Ang kanyang marahas na kamatayan noong 1949, habang naglilingkod sa kapwa, ay itinuring na tanda ng pagkamartir.
Ang titulong Lingkod ng Diyos ay iginawad matapos aprubahan ng Vatican ang nihil obstat. Sa kasalukuyan, isinasagawa ang pormal na pagsisiyasat sa kanyang buhay at birtud. Kung mapatunayang natatangi ang kanyang kabanalan, susunod ang mga yugto ng proseso: Venerable, Blessed, at sa huli, Santo. Ang kanyang alaala ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa pananampalataya at paglilingkod.
Ngayong Disyembre 15, habang ginugunita natin si Aurora Quezon sa ating Pagsisimbang Gabi, nawaโy maging inspirasyon siya upang tayoโy maging bukas-palad, mapagpakumbaba, at matatag sa pananampalataya. Ang kanyang halimbawa ay paanyaya sa atin na gawing konkretong aksyon ang ating pananalig,
upang sa bawat gawa ng kabutihan, masilayan ng mundo ang liwanag ng Diyos.
๐๐ฎ๐ข ๐๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ,
๐๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ด๐ข ๐ฃ๐ช๐บ๐ข๐บ๐ข ๐ข๐ต ๐ช๐ฏ๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฃ ๐ฎ๐ฐ ๐ด๐ข ๐๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ฅ,
๐๐ถ๐ณ๐ฐ๐ณ๐ข ๐๐ถ๐ฆ๐ป๐ฐ๐ฏ,
๐ด๐ข๐ฎ๐ฑ๐ถ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ธ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ถ๐ธ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ
๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ญ๐ข๐ต๐ข๐บ๐ข ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ.
๐๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐บ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช ๐๐ถ๐ณ๐ฐ๐ณ๐ข ๐๐ถ๐ฆ๐ป๐ฐ๐ฏ,
๐ฎ๐ข๐ช๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฃ ๐ฎ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ฐ (๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ช๐ต๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ)
๐๐ต ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฃ๐ข๐ฏ,
๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐บ ๐จ๐ข๐ฏ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฎ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ,
๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ฌ๐ช๐ญ๐ข๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐บ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ,
๐๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ฌ๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ฎ๐ฆ๐ฏ
Pinagkuhanang Tala at Larawan:
Commission on Liturgy, Diocese of Malolos
=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/