St. Joseph the Worker Sub- Parish, Sto. Cristo, CSJDM, Bulacan

St. Joseph the Worker Sub- Parish, Sto. Cristo, CSJDM, Bulacan Ito ang opisyal na page ng St. Joseph the Worker Sub-Parish sa Nuvista San Jose ng Sto. Cristo Quasi-Parish

27/08/2026

Biyernes, Agosto 28, 2026
Paggunita kay San Agustin, Obispo at Pantas ng Simbahan

MGA PAGBASA

UNANG PAGBASA
1 Corinto 1: 17-25
Mga kapatid, sapagkat sinugo ako ni Kristo, hindi upang magbinyag kundi upang mangaral ng Mabuting Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng pananalitang batay sa karunungan ng sanlibutan upang sa gayo’y hindi mawalan ng kabuluhan ang kamatayan ni Kristo sa krus.
Sa mga napapahamak, ang aral tungkol sa pagkamatay ni Kristo sa krus ay kahangalan; ngunit sa atin na mga inililigtas, ito’y kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong, at pawawalang-kabuluhan ang katalinuhan ng matatalino.” Ano ang kabuluhan ngayon ng marurunong, ng mga eskriba, ng mahuhusay na dibatista sa daigdig na ito? Ipinakilala ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan.
Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya itinulot na siya’y makilala ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng sanlibutang ito. Sa halip, minarapat niyang ang mga nananalig sa kanya’y iligtas sa pamamagitan ng Mabuting Balita na aming ipinangangaral ngunit ipinalalagay naman ng sanlibutan na isang kahangalan. Ang mga Judio’y humihingi ng kababalaghan bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. Ngunit ang ipinangangaral nami’y si Kristong ipinako sa krus – isang katitisuran sa mga Judio at kahangalan para sa mga Hentil. Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griego, si Kristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit kaysa lahat ng karunungan ng tao, at ang inaakala namang kahinaan ng Diyos ay lakas na higit sa lahat ng kalakasan ng tao.

SALMONG TUGUNAN
Awa’t pag-ibig ng Diyos sa sangkalupaa’y lubos.

MABUTING BALITA
Mateo 25: 1-13
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog.
Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!’ ‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’ tugon ng matatalino. ‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.
Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”

©Awit at Papuri

27/08/2026

Agosto 27, 2026
Paggunita kay Santa Monica

𝑺𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒉𝒂𝒚
“Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon." (Mateo 24: 42)

27/08/2026
27/08/2026

Agosto 27, 2026
𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚

Huwaran ng mga mag-asawa, mga ina at mga balo, si Santa Monica ay isinilang sa Tagaste (ngayon ay Souk-Ahras) Africa noong taong 332. Upang makarating sa rurok ng kabanalan, tatlong krus ang tiniis ng santa—ang isang biyenang mabagsik, isang asawang malupit, at isang anak na makasalanan.

Napangasawa niya si Patricio, isang pagano na dahil sa matimyas na pag-ibig at walang tigil na panalangin ni Santa Monica ay nahikayat niyang magpabinyag bago ito mamatay noong taong 371. Para magbalik-loob ang kanyang asawa, biyanan at anak na si San Agustin, dalawa ang kanyang ginamit na paraan—panlangin at pagpapakasakit.

Bago mamatay si Santa Monica sa Ostia noong taong 387, ito ang huling habilin niya sa kanyang anak: “Walang kuwenta sa akin kahit na saan mo ako ilibing; huwag mo lamang akong kalilimutan kung nasa altar ka na!”

Santa Monica, ipanalangin mo kami!

Pinagmulan:
https://bit.ly/3AP5shK

27/08/2026
27/08/2026
27/08/2026

Agosto 27, 2026
Paggunita kay Santa Monica

MGA PAGBASA

UNANG PAGBASA
1 Corinto 1: 1-9
Mula kay Pablo na tinawag ng Diyos upang maging apostol ni Kristo Hesus, at mula sa ating kapatid na Sostenes –
Sa simbahang nasa Corinto – sa mga hinirang ng Diyos upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo Hesus kasama ng mga hinirang sa lahat ng dako, na tumatawag sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, ang Panginoon nating lahat:
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.
Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapala niya sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo’y umunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na nakikita sa inyo anupat hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espirituwal, habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Hesukristo. Kayo’y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Hesukristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo’y makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon.

SALMONG TUGUNAN
Pupurihin ko ang ngalan ng P**n magpakailanman.

MABUTING BALITA
Mateo 24: 42-51
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.
“Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alapin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian. Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,’ at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng Panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.”

©Awit at Papuri

26/08/2026
26/08/2026

Agosto 26, 2026
Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

𝑺𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒉𝒂𝒚
“Huwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw gumawa.” (2 Tesalonica 3: 10b)

26/08/2026

Address

San Jose Del Monte
3023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Joseph the Worker Sub- Parish, Sto. Cristo, CSJDM, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Joseph the Worker Sub- Parish, Sto. Cristo, CSJDM, Bulacan:

Shortcuts

Share