20/05/2026
Thank you, JTG Sapang Palay Family, for joining us last Sunday’s celebration!
“Trust Transfer – From Horses & Chariots to God” – Pstr. Jude Mandado
Sinasabi ng Panginoon na huwag tayong umasa lamang sa ating sariling desisyon o kakayahan dahil mabibigo lang tayo. Sa halip, dapat tayong magtiwala at umasa sa Diyos. Ngunit minsan, sinasabi nating nagtitiwala tayo sa Kanya pero hawak pa rin natin ang “manibela” o kontrol ng ating buhay.
Ang nais ng Diyos ay isuko natin ang ating buhay sa Kanya at buong pusong ipagkatiwala ang lahat, dahil ang Diyos ay walang hanggan at walang limitasyon. Nais Niya ang buo nating pananampalataya — yung wala ka nang ibang pinanghahawakan kundi ang pagtitiwala sa Diyos.
Huwag tayong umasa sa mga bagay na makamundo dahil nauubos at nawawala ang mga ito. Sa halip, umasa tayo sa ating Panginoong Hesus.