Sa Reflection Ni Sebastian Kurt Narvaez

Sa Reflection Ni Sebastian Kurt Narvaez Para Sa Gustong Magkaroon Ng Matutunan Matutunan Mo Din Ang Salita Ng Diyos At Gawan Mo Ng Reflection

23/06/2022
10/06/2022
30/01/2022

ALAM MO BA?
Bakit Mayroong Biblia? (Part 1)

Ang Diyos ay maliwanag na nagmasid at binantayan ang lahat ng kaganapan na may kinalaman sa kanyang Salita. Mula sa pagsulat nito hanggang sa pagsasalin at hanggang sa pagdating ng bawat sipi ng Biblia sa kamay ng tao ang Diyos ay maliwanag na naroon. Hindi niya pinahintulutan ang sinumang tao o ang anumang pangyayari na makahadlang sa proseso ng pag-unland ng kanyang Salita. Bakit? Sapagkat mayroong napakahalagang layunin ang Diyos sa pagkakaroon ng Biblia sa ibabaw ng mundo at narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mayroong Biblia.

1.UPANG MALAMAN NATIN ANG DAAN NG KALIGTASAN.
Wala ng pinakamahalagang bagay sa ibabaw ng mundo kundi ang kaluluwa ng tao. Sa mga salita ng Panginoong Jesu-Cristo ganito niya inilarawan ang kahalagahan ng buhay o kaluluwa ng tao:

“Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili (o kaluluwa)?” (Marcos 8:36) Ang buhay o ang kaluluwa ng tao ay mas mahalaga pa kesa sa lahat ng bagay sa mundong ito.

Ngunit ang kaluluwa ng isang tao ay patungo sa kapahamakan bunga ng kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit ang Panginoon ay nagkaloob ng paraan upang maligtas ang kaluluwa ng tao, at ang paraang iyan ay masusumpangan lamang sa Biblia. Sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo, “Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.” (2 Timoteo 3:15). Isipin natin kung wala ang Biblia ngayon.

Paano tayo magkakaroon ng kaalaman ukol sa tamang paraan ng kaligtasan? Marahil ang sasabihin ng iba, “Kahit walang Biblia maaaring malaman ng tao ang kaligtasan sapagkat nariyan ang Iglesia na magtuturo nito.” Tama nga sana, ngunit ayon sa kasaysayan ito’y hindi totoo. Kung wala ang Biblia sa kamay ng tao, maraming Filipino ngayon ang umaasa pa rin na sila’y maliligtas sa pamamagitan ng mga sakramento ng simbahan at sa pamamagitan ng paggawa ng anumang ipinagagawa sa kanila ng iglesia o simbahan. Mabuti na lamang at ang Biblia ay hindi nawala sa kasaysayan at may mga taong ginamit ang Diyos upang ito’y isalin sa iba’t-ibang wikang mauunawaaan ng iba’t-ibang tao at siya’t kumilos din upang ang kanyang Salita ay mapasakamay ng iba’t-ibang tao. Dahil diyan, tayong mga Filipinong Cristiano ngayon ay nakatitiyak, una, kung paano maliligtas ang ating kaluluwa; pangalawa, nakatitiyak tayo na tama ang daang ating tinatahak; at pangatlo, nakatitiyak tayo na mayroon tayong kaligtasan dahil ito ang itinuturo sa atin ng Salita ng Diyos mismo.

2. UPANG TAYO AY MATUTO MULA SA KARANASAN NG IBA.

Bagamat ang malaking bahagi ng Biblia ay hindi isinulat para sa atin mismo, ang Biblia ang paraan ng Diyos upang matuto tayo mula sa kanyang bayangIsrael. Sinabi ni Apostol Pablo sa Roma 15:4, “Anumang naisulat noon ay isinulat para sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakasan ng loob mula sa kasulatan, magkaroon tayo ng pag-asa.” Nasulat ang Lumang Tipan hindi lamang upang magkaroon ng tala ng kasaysayan ang mga Judio, kundi upang tayong mga Cristianong Hentil ngayon ay matuto mula sa kanilang karanasan sa Diyos. Sa 1 Corinto 10:11 ay sinabi rin ni Apostol Pablo ang ganito: “Nangyari iyon sa kanila bilang babala sa iba, at isinulat upang tayo namang nabubuhay ngayong mga huling araw ay maturuan.” Naisulat ang maraming bagay sa Lumang Tipan upang sa pamamagitan ng mga iyon ay maturuan tayong umiwas mula sa mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos na dahil sa paggawa ng mga Israelita ng mga bagay na iyon sila’y tumanggap ng parusa ng mula sa Diyos (I Corinto 10:1-10).

Ang ilang pangyayari na mababasa natin sa Lumang Tipan ay katuruan at babala para sa atin. Sa talata 6 sinabi ni Apostol Pablo, “Ang lahat ng mga nangyaring iyon ay babala sa atin upang huwag tayong maghangad ng masasamang bagay,gayang ginawa nila.” Ang Biblia ay naghahangad na maturuan tayo upang tayo ay maging matalino sa ating pamumuhay sa harapan ng Diyos. Hindi nais ng Diyos na tayo ay matulad sa kanyang bayan na lubos na naging matigas ang ulo. Kaya tiniyak ng Diyos na ang Biblia ay mapupunta sa ating mga kamay upang sa gayon ay malayo tayo sa mga pagkakamaling nagawa ng mga Israelita noon. Dahil diyan, dapat nating seryosohin ang mga babala ng Biblia.

Huwag tayong maging pangahas sa harapan ng Diyos dahil sa siya ay nagpakilalang mapagmahal, mabuti, maamo, at sagana sa kahabagan at kagandahang-loob. Hindi dahil ganyan ang pagpapakilala ng Diyos sa atin sa Bagong Tipan ay maaari na tayong gumawa ng mga bagay na tulad ng ginawa ng mga Israelita noon. Gawin nating gabay sa ating pamumuhay ang Salita ng Diyos upang tayo ay malayo sa panganib na sinapit ng mga Israelita. Malinaw ang sinabi ni Apostol Pablo: “Ang lahat ng mga nangyaring iyon ay babala sa atin upang huwag tayong maghangad ng masasamang bagay,gayang ginawa nila… Nangyari iyon sa kanila bilang babala sa iba, at isinulat upang tayo namang nabubuhay ngayong mga huling araw ay maturuan.” (1 Cor. 10:6,11)

Alam ang hiwaga ng ating pananampalataya dito sa PAMANAmpalataya at Buhay.

Like/Comment/Share.



22/01/2022

ALAMIN ANG HIWAGA NG ATING PANANAMPALATAYA

St. Vincent Pallotti,

Priest (Feast - January 22) Born in Rome in 1795, St. Vincent became a priest and dedicated himself completely to God and cared for souls. He dreamed of gaining for Christ all non-Catholics, especially the Mohammedans. To this end he inaugurated a revolutionary program which envisaged the collaboration of the laity in the apostolate of the clergy. But St. Vincent was also well aware of the many deprivations in the natural sphere that hindered the spread of the Faith. He thus obtained and spent huge sums for the poor and underprivileged.

He founded guilds for workers, agriculture schools, loan associations, orphanages and homes for girls - all of which made him the pioneer and precursor of Catholic Action. His great legacy was the congregation which he founded for urban mission work, known as the "Society for Catholic Action". This indefatigable laborer for Christ in 1850 from a severe cold which he most likely caught on a cold rainy night after giving his cloak to a beggar who had none.

Vincent Pallotti (21 April 1795 – 22 January 1850) was an Italian ecclesiastic and a saint. Born in Rome, he was the founder of the Society of the Catholic Apostolate later to be known as the "Pious Society of Missions" (the Pallottines). The original name was restored in 1947. He is buried in the church of San Salvatore in Onda. He is considered the forerunner of Catholic Action. His feast day is 22 January.

15/01/2022

Alamin ang Hiwaga ng ating Pananampalataya

Mga Kailangan Malaman Tungkol Sa Santo Niño Ayon Sa Bibliya"

1.Bakit tinatawag na "Santo" ang Batang Hesus?
*
Ang ibig sabihin ng "santo" ay "banal" (sa wikang Tagalog) o "holy" (sa wikang Ingles). Ang Batang Hesus ay tinatawag na banal ayon sa Bibliya:
"Sumagot ang anghel, "Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos."
(Lucas 1:35)
2.Bakit tinatawag na "Niño" ang Batang Hesus?
*
Ang "Niño" ay saling Espanyol ng salitang "batang lalaki".
3.Bakit may koronang ginto at tungkod/setro (scepter) ang Santo Nino?
*
Sapagkat kay Cristo ibinigay ang paghahari:
"Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay pangwalang hanggan."
(Lucas 1:31-33)
"Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya,"Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan."
(Hebreo 1:8)
4.May makikita ba sa Bibliya na may tungkod ang Hari?
*
Nakasulat na maghahari ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng tungkod:
"Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal.
(Pahayag 12:5)
5.May makikita ba sa Bibliya na may koronang ginto ang Hari?
*
Ang hari ay dapat na may korona:
"Natutuwa ang hari, Yahweh, dahil sa bigay mong lakas, dahil sa iyong tulong siya ay nagagalak.Nilapitan mo siya't lubos na binasbasan, dalisay na gintong korona, sa ulo niya'y inilagay"
(Awit 21:1,3)
6.Bakit may bilog sa kamay ng Batang Hesus?
*
Ang bilog na bagay na iyon ay ang buong sansinukob (universe) o ang buong daigdig. Tulad ng bata na naglalaro ng bola at iniingatan niya ito sa kanyang mga kamay, iniingatan naman ng Santo Nino ang buong mundo sa kanyang kamay:
"Siya ang una sa lahat, at ang buong sansinukob ay nananatiling nasa kaayusan sa pamamagitan niya."
(Colosas 1:17)
7.Bakit p**a ang kasuotan ng Batang Hesus?
*
Malimit na kulay p**a ang capa at kasuotan ng mga mararangyang hari't reyna sa Europa noong unang panahon. Sa kabilang banda, p**a ang kasuotan ng Batang Hesus dahil ito ang kulay ng dugo na nasa kanyang kasuotan:
"Puno ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay "Salita ng Diyos." Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: "Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon." (Pahayag 19:13,16)
8.Hindi ba si Hesus ay hindi talaga isang bata? Siya ay walang gulang dahil siya ay Diyos. Ansabi niya nga, "Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig. (Juan 17:5). Kaya di siya dapat na ituring na bata dahil nabubuhay na siya bago likhain ang daigdig.
*
Kahit Diyos si Hesukristo, dumaan siya sa kalagayang tao. Upang maligtas ang tao, kailangan dumaan ang Tagapagligtas sa normal na kalagayan nating mga tao :
"Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila'y may laman at may dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang kapangyarihan ng diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. At pinalaya niya ang lahat ng tao na habang panaho'y inalipin ng takot sa kamatayan. Hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan, sa halip ay mga anak ni Abraham. Kaya't kinailangang matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan. Sa gayon, siya'y naging isang Pinakapunong Pari, mahabagin at tapat na naglilingkod sa Diyos at nag-aalay ng handog para mapatawad ang mga kasalanan ng tao. (Hebreo 2:14-17)
At dahil kailangang matulad si Hesus sa mga tao sa lahat ng paraan, dumaan muna siya sa pagiging bata:
Ang bata'y lumaking malusog, matalino, at kalugud-lugod sa Diyos
(Lucas 2:40)
Kaya dapat lang na ituring din natin bata si Hesus dahil minsan din siyang naging bata.
9. Maaari ba nating ituring na bata ang Panginoon gayong dumaan na siya sa pagiging bata? Hindi ba't sabi sa Bibliya: "Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata." (1 Corinto 13:11)
*
Hinalimbawa ni Pablo ang bata upang maihalimbawa ang kaibahan ng pagiging ganap (perfect, fulfilled) sa di-ganap (imperfect). Para kay Pablo, ang ibang mga kaloob (tulad ng panghuhula, pagsasalita sa iba't ibang wika atbp) ay di ganap (imperfect) at kailangang matamo ng Kristiyano ang mga kaloob na mas dakila:
"Kaya't buong sikap ninyong hangarin ang mga kaloob na mas dakila.
At ngayo'y ituturo ko sa inyo ang walang katulad sa lahat." (1 Corinto 12:31)
Ang kaganapan ng lahat ng ito ay ang pag-ibig:
"Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan. Hindi pa lubos ang ating kaalaman at ang kakayahan nating magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, ngunit pagdating ng ganap, mawawala na ang di-ganap."
(1 Corinto 13:8-10)
Kaya hinalimbawa ni Pablo ang pagiging bata dahil may mga ugali o asal ang bata na di-ganap, tulad ng kaalaman ("nag-iisip at nangangatwiran") at ng kakayahan (" nagsasalita"). Inihalimbawa ni San Pablo na ang pagtuntong sa sapat na gulang ay katulad ng pagiging ganap (perfect)
Hindi ito taliwas sa pagiging bata ng Panginoon.
10. Bakit hindi ito taliwas sa pagiging bata ng Panginoon?
*
Dahil ang Panginoong Hesus, bilang Diyos, ay walang tinatawag na "di-ganap" sa kanya, kahit ano pa ang gulang niya
Kahit sa kanyang pagkabata, ang kanyang kalikasan at sentimiyentong Diyos at pagmamahal sa tao ay hindi kulang at hindi nababawasan. Isa pa, Ang Panginoong Hesus ay walang ganitong asal na meron ang ibang bata:
"Nang sa gayon,hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang."
(Efeso 4:14)
Walang masama sa pagiging bata ng Panginoong Hesus dahil siya ay perpekto at hindi siya malilinlang kahit na siya ay bata. Matatandaang nakikipagtalastasan pa siya sa templo sa kanyang gulang na labindalawa.
11. Hanggang kailan ba ninyo ituturing na bata ang Panginoong Hesus?
*
Hangga't may nasusulat sa Bibliya na may batang ibinigay sa atin:
"Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin.
Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan."
(Isaiah 9:6)
12. Kailangan bang sambahin natin ang Batang Hesus na ito?
Kailangan din ba nating sumayaw tulad ng ginagawa ng marami ngayong araw na ito?
*
Kailangan. Dahil ginawa din ito ng mga pinagpalang mago:
"Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira."
(Mateo 2:11)
Hindi kailangan. Ngunit kung nais mo ay walang masama. Maaari din naman tayong sumayaw bilang ekspresyon ng pagluluwalhati sa Diyos:
"Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin, mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin!"
(Awit 150:4)

PIT SENYOR ! ! !
VIVA SANTO NIñO !!!

25/10/2021

October 25, 2021
Growing in Faith Together
with Bro. Franchiz Bartolome

UNANG ARAW - NOVENA PARA SA LAHAT NG MGA KALULUWA SA PURGATORYO.

UNANG ARAW
Pagnilayan kung paano dapat tiisin ng bawat kaluluwa sa purgatoryo, ang kanilang kasalukuyang estado ng pagdurusa. Kung wala ang kanilang pagdurusa, ang mga maralitang kaluluwang ito ay hindi malilinis sa kanilang mga kasalanan sa buhay.

"O Jesus, aking Tagapagligtas, madalas ay karapat-dapat akong itapon sa impiyerno. anong laki ng aking pagdurusa kung ako ngayon ay itinapon at obligadong isipin na ako mismo ang naging dahilan ng aking kapahamakan. Nagpapasalamat ako sa inyo sa pagtitiis na inyong tiniis. Mahal Kita sa lahat ng bagay at buong puso akong nalulungkot dahil nasaktan ka dahil walang katapusan ang kabutihan mo. Mas gustung-gusto kong mamatay kaysa sa nasaktan Ko. Ipagkaloob sa akin ang biyaya ng pagtitiyaga. Maawa sa akin at kasabay nito ay nagdurusa ang mga pinagpanong kaluluwang iyon sa Purgatoryo. Si Maria, Ina ng Diyos, ay dumarating sa kanilang tulong sa inyong makapangyarihang pamamagitan."Ating Ama, Sino ang sining sa langit, Banal ang pangalan Mo; Dumating nawa ang kaharian mo; Mangyari ang inyong kalooban sa lupa gaya ng sa langit. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga pagkakasala gaya ng pagpapatawad natin sa mga nagkakasala sa atin; at huwag mo kaming akayin sa tukso,
datapuwa't iligtas mo kami sa masama. Amen.

Maria, puno ng biyaya,
ang Panginoon ay kasama Mo.
Pinagpala Ka sa kababaihan
At pinagpala ang bunga ng iyong sinapupunan, si Jesus.
Banal na Maria, Ina ng Diyos
Ipagdasal tayo ngayon na maging makasalanan ngayon
at sa oras ng ating kamatayan. Amen

"O higit na matamis si Jesus, sa pamamagitan ng madugong pawis na iyong dinanas sa Halamanan ng Getsemani, maawa sa mga Pinagpalang Kaluluwang ito. Maawa ka sa kanila, O Panginoon.

O higit na matamis si Jesus, sa pamamagitan ng mga pasakit na dinanas Mo sa iyong pinakamalupit na paghagupit, maawa sa kanila. Maawa ka sa kanila, O Panginoon.

O higit na matamis si Jesus, sa pamamagitan ng mga pasakit na dinanas Mo sa Iyong pinakamasakit na putong na may tinik, kaawaan sila. Maawa ka sa kanila, O Panginoon.

O higit na matamis si Jesus, sa pamamagitan ng mga pasakit na dinanas Mo sa pagdadala ng Iyong krus patungong Kalbaryo, maawa ka sa kanila. Maawa ka sa kanila, O Panginoon.

O higit na matamis si Jesus, sa pamamagitan ng mga pasakit na dinanas Mo sa Krus, maawa ka sa kanila.Maawa ka sa kanila, O Panginoon.
O higit na matamis si Jesus, sa pamamagitan ng mga pasakit na dinanas Mo sa Krus, ay maawa sa kanila. Maawa ka sa kanila, O Panginoon.

O higit na matamis si Jesus, sa matinding sakit na dinanas Mo sa paghinga ng Iyong Mapalad Na Kaluluwa, kaawaan sila. Maawa ka sa kanila, O Panginoon."

(Habang ipinagdarasal ninyo ang mga Kaluluwa sa purgatoryo, ipahayag ang inyong (mga) intensyon dito, hangga't maaari mong hilingin na ipagdasal nila kayo. Pagninilaan ang pabor na inaasam ninyong matamo mula sa Diyos sa panahong ito ng novena.)

Pinagpala ng mga Kaluluwa, ipinagdasal kita; Ipinapasok ko sa iyo, na napakamahal sa Diyos, at walang ligtas na pagkawala sa Kanya, upang ipagdasal ako na maging kaaba-abang makasalanan, na nanganganib na managinip, at mawala ang Diyos magpakailanman.
Amen.

24/10/2021

October 24, 2021
Growing in Faith Together
with Bro. Franchiz Bartolome

Topic: Pagbibigay Kapangyarihan sa mga Layko tungo sa Panlipunang Pagbabago ( Empowerment of the Laity Towards Social Transformation)

22/10/2021

October 22, 2021
Growing in Faith Together
with Bro. Franchiz Bartolome

Topic: Ganap na Paghubog sa Pananampalataya ( Integral Faith Formation)

06/10/2021

Comment your prayer intension.
At pati ang mga Mahal sa buhay na may karamdaman at namayapa na para maisama sa mga intensyon.

08/07/2021

GROWING IN FAITH TOGETHER

MANALANGIN TAYO:

Dakilang Ama, tulungan Mo kaming gawin ang dalangin ng aming mga puso. Pasaganain Mo sa aming mga buhay ang pag-ibig na kalakip ng kaalaman at malalim na pang-unawa. Tulungan Mo kaming talikuran ang pagkamakasarili upang ibigin Ka namin at ang aming kapwa nang buong katapatan. Bigyan Mo kami ng lakas at determinasyon na mapasimulan namin sa aming sarili ang makabuluhang pagbabago. Sa pangalan ni Hesus. Amen.

Maligayang Kapistahan Sa Dalawang Santo Na Sina San Simon-Pedro At Si San PabloSila Ang isa sa mga apostol ni Hesus Sila...
30/06/2021

Maligayang Kapistahan Sa Dalawang Santo Na Sina San Simon-Pedro At Si San Pablo

Sila Ang isa sa mga apostol ni Hesus Sila Ang Nagpatulog Sa Salita Ng Diyos

Mateo 16: 13-19
Nang dumating si Jesus sa bayan ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan, kayo si Juan na Tagapagbautismo. Sabi po naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong kayo si Jeremias, o isa sa mga propeta.” Tinanong ulit sila ni Jesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pinagpala ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit. At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigayko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit.”

Address

San Jose Del Monte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sa Reflection Ni Sebastian Kurt Narvaez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sa Reflection Ni Sebastian Kurt Narvaez:

Share