Ministry of Altar Servers - Quasi Parish of Our Lady of Assumption

Ministry of Altar Servers - Quasi Parish of Our Lady of Assumption Official Page of the Ministry of Altar Servers of Our Lady of the Assumption Quasi Parish

16/05/2026

Malapit na!

Viva APO BAKET!

HANDA KA BANG MAGING LINGKOD SA ALTAR?HALIKA AT TAYO NG MAGLINGKOD SA DAMBANA NG PANGINOON.Mga Kinakailangan:✅ Lalaki na...
11/05/2026

HANDA KA BANG MAGING LINGKOD SA ALTAR?

HALIKA AT TAYO NG MAGLINGKOD SA DAMBANA NG PANGINOON.

Mga Kinakailangan:
✅ Lalaki na may edad 10 hanggang 18 taong gulang
✅ Katibayan na Binyagan katoliko
✅ Nakatanggap ng unang Pakikinabang
(First Communion)
✅ Liham na may Pahintulot ng Magulang
✅ Naninirahan sa mga Lugar na nasasakupan ng ating Parokya

Sa mga nag nanais maglingkod sa dambana, maaari po kayong mag tanong sa mga Sakristan ng Parokya, o di kaya lumapit kay
Bro. Roderick Decena (Liturgy Head/Adviser) or di kaya kay Bro. Lawrence Solitario
(Sakristan Coordinator) maaaring bumalik sa simbahan sa susunod na linggo para magpatala.

Recruitment ongoing until May 31 2026

HALINA'T MAGING PARTE NG AMING PAMILYA AT MAGING ISANG TAGAPAG LINGKOD SA DAMBANA NG PANGINOON!!

Maraming Salamat po!

24/05/2025

𝐊𝐀𝐌𝐈'𝐘 𝐒𝐔𝐌𝐀𝐒𝐀𝐌𝐁𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐘𝐎!
PABATID SA DIYOSESIS NG MALOLOS UKOL SA PAGLUHOD SA LITURHIYA

Simula sa Bihilya ng Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi, ipatutupad na sa Diyosesis ng Malolos ang PAGLUHOD sa Misa, lalo na sa Panalanging Eukaristiko pagkatapos ng Santo hanggang sa Dakilang Amen.

Sang-ayon ito sa kapasyahan ng Kapulungan ng mga Obispo sa Pilipinas (CBCP) na ngayong Taon ng Hubileo ng Pag-asa 2025, ipatutupad na ang nagkakaisang pamamaraan ng pagluhod sa pagdiriwang ng Banal na Misa at sa mga gawaing pagsamba.

Kaugnay nito, magkakaroon ng serye ng katesismo upang maging malinaw at malalim ang kaalaman sa kilos na ito na nagpapakita ng ating pagsamba sa Panginoon.

Manatiling nakasubaybay dito sa .

Mula sa Obispo ng Malolos,
DENNIS C. VILLAROJO
sa pamamagitan ng Tanggapan ng Kansilyer
Sanggunian: Liham MC 2025-196

=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

15/04/2025

Mga Gawain ngayong Kuwaresma at mga Mahal na Araw 2025

15/04/2025

Pagbati ng buong Quasi-Parish of Our Lady of Assumption sa ating minamahal na Pari na si Rdo. P. Oscar Christian Duran na nagsariwa ng kanilang pangako sa Pagkapari sa ginanap na Misa ng Krisma sa Katedral ng Malolos.

Patuloy po namin kayong ipapanalangin na maging isang Mabuting Pastol sa kawan ng Diyos.

Martes Santo | Abril 15, 2025

08/03/2025

DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN JOSE (Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birheng Maria)

Nobenaryo - Marso 10-18, 2025
Ang Pagdarasal ng Rosaryo at Nobena ay gaganapin bago ang Banal na Misa
Marso 18, 7:00 N.G. - Prusisyon

KAPISTAHAN - Marso 19, 2025
Banal na Misa - 6:30 N.U.

06/03/2025

L.A.P.I.T. (Lakbay Asuncion, Panalangin sa Inyong Tahanan) sa CAVITE
Lenten Pilgrimage-Recollection 2025
April 5, 2025
Recollection Facilitator: Fr. James Sollano, MS

for inquiries/reservations, please contact us.
Quasi-Parish office: (044) 306 6020 | 0917 119 1950
Pilgrimage donation - Php1,500.00
(Inclusions: transportation, t-shirt, prayer booklet, Picnic Grove entrance fee)

04/03/2025
28/02/2025

𝐏𝐀𝐋𝐀𝐒𝐏𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐋𝐔𝐌𝐀, 𝐃𝐀𝐋𝐇𝐈𝐍 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀

Inaanyayahan na ang lahat na dalahin ang mga Lumang Palaspas na ginamit noong nakaraang taon sa kani-kanilang nga parokya upang magamit sa Rito ng Pagsasaabo ng mga Palaspas.


=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos

09/01/2025

Viva! Sto. Niño

Magsama-sama po tayong muli at gawing makulay, masaya at makabuluhan ang Kapistahan ng Sto. Niño.

Bunying Sto. Niño, Ika'y aming kasama, sa paglalakbay ng may pag-asa

Address

Barangay Assumption
San Jose Del Monte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers - Quasi Parish of Our Lady of Assumption posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share