09/08/2026
Sunday Service | August 9, 2026
Speaker: Pastor Roy Latuga
Text: Romans 10:14-15
(Series: “Called to Lead”)
Topic: “The Need to Lead”
3.39 Billion na tao sa buong Mundo ang di pa nababahagian ng Salita ng Diyos.
6.25 Million na tao sa Pilipinas ni minsan ay hindi pa nakapakinig ng Salita ng Diyos.
117.8 Million ang population ng Pilipinas.
8.2 Million lang ang Evangelical Christian
= 109.6 Million unreached.
I. Kinakailangan ng mga Mamumuno na Magpapakilala sa Panginoong HESUS.
v. 14a
"Hindi Porket hindi mo kaya, hindi ibig sabihin hindi kaya ng Diyos sa buhay mo."
“Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas.”
| 1 Mga Taga-Corinto 1:27
-Paano natin ipapakala ang Diyos sa mga taong nakapaligid sa atin?
* Sa pamamagitan ng ating Gawa
* Sa pamamagitan ng ating Salita
* Sa pamamagitan ng Paglilingkod
-Katangian ng mga namumuno na may Diyos.
* Mapagkumbaba
* Tapat sa Salita
* Nagmamahal sa Kapwa
II. Kinakailangan ng mga Mamumuno na Handang Magturo ng Katotohanan.
v. 14b
“Magtatagumpay lang ang diablo kung walang ginagawa ang mga anak ng Diyos”
[31] “Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung tinutupad ninyo ang aking aral, kayo nga'y tunay na mga alagad ko;
[32] Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
| Juan 8:31-32
“Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”
| Juan 14:6
Ill. Kinakailangan ng mga Mamumuno na Handang Maisugo sa Pagbabahagi ng salita ng Diyos.
v. 15
“At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga may dalang Magandang Balita!”
| Mga Taga-Roma 10:15
“O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita. Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: “Zion, ang Diyos mo ay naghahari!”
| Isaias 52:7