Sapang Palay Youth - SPY

Sapang Palay Youth - SPY Faith in Christ Jesus Church - Sapang Palay Youth

08/08/2022

God's delays are not His denials, it's meant to protect you.

Sometimes we're running around pursuing things that are outside His will for us, and it will only lead us to destruction.

See, you cannot rush what God is taking time to prepare. Maging kuntento ka sa meron ka ngayon. No need to rush. I-enjoy mo muna yung blessings na nasa harapan mo.

God isn't interested in anything that man is impressed with— He looks at the heart, not influence, fame or money. He honors faithfulness in little things.

God loves you too much to let your destiny be hindered by temporary things that can never fulfill you.

Trust God's timing, so is His delay that's keeping you from falling.

When God told you to wait on something, expect that is gonna be something great. It's worth the wait. Your testimony is worth the fight.

Kapag tamang oras na, hindi mo na kailangang pilitin pa ang mga bagay-bagay.
Kapag may approval na ng Lord, hindi mo na kailangang matakot o magtago. You will enjoy the gifts of waiting season.

The process may have cost you a season, but God is getting ready to pay you for life. Breakthrough is coming.

His delays are His protection. His parameters are His covering. Trust Him, He's protecting your destiny — 🙇🏻‍♂️✨

27/07/2022
26/07/2022

May tinatago ka ba? Na imbes na gumaling ay pilit itong lumalala?

"Dahil sa sakit, gusto ko nalang manahimik."
"Sila nalang, magaling naman sila e"
"Okay lang ako, kayang-kaya ko sarili ko"
"Healed na ako no, ako pa"

Totoo ba?

Are you really satisfied?

"Most of time Lord okay naman ako, okay nga ba talaga ako?"

"Madami ako ginagawa everyday, i know na kapag kasama ko mga kaibigan ko, masaya ako. Pero may something sa puso ko na gusto ko talaga malabas, at it bothers me palagi."

Sa mundong ito, dumating na din ako sa panahon na I fake other people about what i trully feel. Ayaw ko nalang magsalita, lalo kapag hindi talaga maintindihan. Dumating na din sa sitwasyon na the more i fake other people, the truth is i fake myself. Madaming offer ang mundo sa usapang perceptions.

pero kapatid hindi ka magiging malaya sa "Fake it, till you make it".

I asked of my brother in Christ, sabi ko

"What is your best lesson in life?"

He said, " May power sa Honesty", nakinig ako sa pagsasalita nya and habang nagsasalita sya. Na reflect ako, Lord honest nga ba talaga ako sa nararamdaman ko? or totoo nga ba ako sa'yo?. and sabi nya pa

"Mahirap kapag hindi ka honest, kahit gaano pa kahaba explanation mo just to justify yourself at kung hindi mo talaga nasabi yung totoo, hindi ka pa din gagaling"

kaya "You cannot heal what you refuse to reveal". Natatakot ka kasi mahusgahan, natatakot na makitaan ng tao ng flaws and pagkakamali, but in reality

"Tao ka din, kasama namin sa mundo, nagkakamali ka din" at tumaas ang respeto ko sa taong totoo talaga sa nararamdaman lalo sa mga hirap at bigat ng paglilingkod sa Panginoon. Mas nakita ko na Lord, Mahina talaga ako, kasi nasa iyo talaga ang strength ko kaya ako malakas ngayon. Lord i cannot fix myself, fix me. You create a new heart. Starting again is not bad, lalo kung magsisimula ka na kasama ang Panginoon.

Psalms 51:10-13

“Create in me a clean heart, O God; and renew a right spirit within me. Cast me not away from thy presence; and take not thy holy spirit from me. Restore unto me the joy of thy salvation; and uphold me with thy free spirit. Then will I teach transgressors thy ways; and sinners shall be converted unto thee"

Godbless you, Patuloy ka kapatid!

1 Corinthians 13:4-6🙌According to the scripture, these are the qualities of love. Love is not something we can only do r...
15/07/2022

1 Corinthians 13:4-6🙌

According to the scripture, these are the qualities of love.

Love is not something we can only do romantically but also brotherly- we should treat our neighbors as the verse says, because according to Matthew 22:39: thou shalt love thy neighbor as thyself, you as an individual, you can't deny that you don't love yourself, I can say that you don't love yourself if you haven't eaten today, but it seems like you all ate.

Therefore, there's no excuse for you not to love them unless you don't want to follow the Lord's commandment.



Philippians 4:6–8🙌Rule  #1 Don't worry about anythingRule  #2 Pray and tell God what you need. Rule  #3 Thank him for ev...
14/07/2022

Philippians 4:6–8🙌

Rule #1 Don't worry about anything
Rule #2 Pray and tell God what you need.
Rule #3 Thank him for every small and big blessings and trials.

If we will read carefully, those rules are the conditions IF we want to experience God's peace. If wet set our hearts and minds to Jesus, he will give us assurance in everything.

Ang God's peace dito mga kapatid doesn't mean mawawala lahat ng problema o pagsubok mo.

God's peace is the feeling that you are secured. It is about knowing, or being aware that God is in control. Alam mo sa sarili mo na hindi ka niya pababayaan dahil yun ang pangako niya. That's why the first rule is to not worry.

And in verse 8, He is telling us to think of Godly things. Ang ating pag iisip o iniisip ay dapat maging worthy of praise. Sa lahat ng bagay lagi nating i-assess ang mga sarili natin lalo na ang laman ng isip natin. Dapat tayo maging aware sa outcome ng actions natin, whether it's Godly or not.



PSALM 71:5Ang Diyos ang siyang pag-asa natin.Bilang isang kabataan minsan nararanasan natin yung mga disappointments at ...
13/07/2022

PSALM 71:5

Ang Diyos ang siyang pag-asa natin.

Bilang isang kabataan minsan nararanasan natin yung mga disappointments at failure. Minsan kahit tiwala natin sa sarili natin nawawala na rin pero sabi nga, kung may Diyos tayong kinikilala sa buhay natin, sa kanya natin ipagkatiwala lahat sapagkat sa kanya'y walang imposible at lahat ng mga bagay ay may solusyon.

Panghawakan natin ang pangako ng Diyos. Lagi nating tandaan mga kapatid na kahit sinong tao pa ang makilala natin at sa tingin natin kaya natin silang pagkatiwalaan, mas higit pa rin na sa Diyos natin ibigay ang mas higit na tiwala natin.



JOHN 3:30 💯☑️Dakilaan natin ang ating Diyos kahit anong mangyari, gawin natin ang lahat upang siya'y maitaas dahil siya ...
12/07/2022

JOHN 3:30 💯

☑️Dakilaan natin ang ating Diyos kahit anong mangyari, gawin natin ang lahat upang siya'y maitaas dahil siya ang Diyos na makapangyarihan sa lahat.
☑️Mag pakababa tayo sa Diyos dahil siya ang nagbibigay sa atin ng pagpapala; huwag natin hahayaan na lamunin tayo ng mundong ito.
☑️Kahit na tayo ay makasalanan at madaming pag kukulang sa Diyos nandyan siya na gumagabay sa atin. Kaya naman patuloy natin siyang itaas dahil siya ang Diyos at dakilain sa buhay natin.




WORK WITH ALL YOUR HEARTNarito ang prinsipyo na kahit anumang activity, events o kahit na isang ano mang bagay na ginaga...
11/07/2022

WORK WITH ALL YOUR HEART

Narito ang prinsipyo na kahit anumang activity, events o kahit na isang ano mang bagay na ginagawa mo, it should be done for God's sake.

Ika nga po sa binasa natin "Work heartily" kung ito ay worth doing. It is a Godly principle . Ang mga Kristiyano ay dapat maghangad na mamuhay kung saan walang minuto o kahit konting energy ang nasasayang.

Keeping God and his ways bilang pangunahing motivation for the work that we do ay tutulong sa atin na patuloy na magpagal sa bawat gawain “as working for the Lord.”

If you put your talents to use, your leadership skills to lead and the knowledge from God to share, you are proving to God that you love him and worship him. No matter what you do, you are using the gifts that the Lord gave you.



Naranasan mo na ba na mapagbintangan sa kasalan na di mo naman ginawa? Wag tayo mag bulag-bulagan, minsan nakakagawa tay...
01/07/2022

Naranasan mo na ba na mapagbintangan sa kasalan na di mo naman ginawa?

Wag tayo mag bulag-bulagan, minsan nakakagawa tayo ng kasalan ng di natin namamalayan o di natin alam. Madalas dahil sa tingin natin ito'y sobrang liit lang binabalewala na lang natin.

Wag ganon, kapatid.

Ipagdasal natin sa ating mahal na panginoon na buksan ang ating mga mata at kaisipan sa mga ganitong gawa, manalangin tayo sa panginoon kahit pa gano kaliit ang kasalan mo o gano pa kalaki.

Kung talagang pinagsisihan natin, idulog lang natin sa ating mahal na panginoon sa pamamagitan ng mataimtim na panalangin na mula sa puso at ika'y kanyang patatawarin.



Sumagi na ba sa isip mo yung mga bagay na gusto mong gawin ng Diyos sa buhay mo? Minsan kasi hinihintay lang natin dumat...
30/06/2022

Sumagi na ba sa isip mo yung mga bagay na gusto mong gawin ng Diyos sa buhay mo?

Minsan kasi hinihintay lang natin dumating yung mga blessings sa atin at minsan nakakalimutan na natin lumapit sa Diyos at magtanong ng mga bagay bagay. Pwede tayong magdasal at humiling sa Diyos ng mga bagay na gusto nating mangyari at malay mo, maaring tuparin niya ang mga ito.

Ano bang mga bagay ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Kelangan mo ba ng tulong mula sa kanya o kaya ng katatagan at karunungan para sa mga pinagdaraanan mo? Gusto mo bang bigyan ka ng kagalingan?

Gawin mo ang nasasabi sa verse na ito at hilingin mo sa kanya ang mga bagay na kailangan mo. Kapag sinama mo si Jesus sa mga problema na hinaharap mo, mas madami kang magagawa kaysa kung mag-isa kang humaharap dito.

✅Sumunod lamang tayo sa nais ng Diyos para sa atin upang hindi tayo makararanas ng kadiliman. Tunay na ang bawat isa sa ...
29/06/2022

✅Sumunod lamang tayo sa nais ng Diyos para sa atin upang hindi tayo makararanas ng kadiliman. Tunay na ang bawat isa sa atin ang problema o pagsubok ang nagiging dilim sa buhay kaya nanghihina o kung ihahalimbawa sa ilaw napupundi na sa pananampalataya.
✅Ang Diyos ang nagpapatunay na siya ang liwanag kung patuloy tayong dudulog, patuloy na sasampalataya at magtitiwala sa kanya. ✅Always pray, batid ng Diyos lahat ng ating mga nais.



Address

Jade Street
San Jose Del Monte
3024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sapang Palay Youth - SPY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share