TCMF - Bulacan

TCMF - Bulacan 🙌(TCMF)- Transform Church and Ministry Fellowship Inc. (Full Gospel)
Transforming Lives Into Christ likeness🙏
Christ at the Center ➕

August 16.2026 I Children's MinistryHuwaran ng Pagbibigay1 Hari 17:1-6Nang magalit ang Diyos kay haring Acab(Ahab), sina...
16/08/2026

August 16.2026 I Children's Ministry

Huwaran ng Pagbibigay
1 Hari 17:1-6

Nang magalit ang Diyos kay haring Acab(Ahab), sinabi ni Propeta Elias na hindi uulan ng tatlong taon. Nangyari nga na hindi umulan at maraming namatay sa gutom.

Ang propetang si Elias ay kasama rin sa mga kinulang sa pagkain. Para hindi siya mamatay, nagpadala ang Diyos ng pagkain sa pamamagitan ng nga uwak. Araw-araw binibigyan nila ng pagkain si propetang Elias.

Ang uwak ay totoong pangit tingnan, ngunit ang Diyos ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo o mukha ng kaniyang nilikha.

Maaring ginamit ng Diyos ang pangit na uwak upang ipakita sa atin na hindi siya namimili ayon sa kulay o anyo ng tao. Lagi siya tumitingin sa kalooban at hindi sa nakikitang ganda sa labas na anyo ng tao o ng hayop man.

Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit puso ang tinitingnan ng Diyos.
1 Samuel 16:7b

🙌

August 9.2026 I Children's MinistryHuwaran ng PagkakaisaKawikaan 30:27 ASD[27] Ang mga balang, kahit walang hari, maayos...
16/08/2026

August 9.2026 I Children's Ministry

Huwaran ng Pagkakaisa

Kawikaan 30:27 ASD
[27] Ang mga balang, kahit walang hari, maayos na lumilipad nang sama-sama.

Ang mga balang ang isa sa mga hinahangaan ng taong matalino na sumulat ng aklat ng Kawikaan. Walang pinuno ang mga balang ngunit sama-sama sila at nagkakaisa.

Marunong silang magpahalaga sa kanilang mga kasamahan.
Naghihintayan sila sa pagpunta sa kanilang pupuntahan. Napakarami nila ngunit parang magkakilala na sama-samang gumagawa tulad ng bayanihan.

kahit walang nag-uutos at nagbabantay sa ating mga ginagawa o gawain, dapat ay sama-sama natin itong tapusin.

Ituring nating kapatid ang ating mga kasamahan or ang iba, kahit na iba ang kanilang kulay, lahi o pinanggalingan.

Ito ang paraan upang tayo ay umunlad pati ang ating bayan.

Nangako ang Diyos na pagpapalain nia ang sama-samang nagtutulungang magkakapatid (Awit 133).

Salmo 133:1 ASD
[1] Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos na namumuhay nang may pagkakaisa.

Thank you Lord Jesus for your Grace and mercy 🙌🙌

03/08/2026
03/08/2026
August 2.2026 I Children's MinistryMabubuting katangian ating tularan Huwaran ng MahihinaText: Job 39:13-18Matutunan nat...
03/08/2026

August 2.2026 I Children's Ministry
Mabubuting katangian ating tularan

Huwaran ng Mahihina
Text: Job 39:13-18

Matutunan natin na kahit may mga kahinaan tayo, mahal tayo ng Diyos at Pwedi ka niyang gamitin sa kanyang purpose at plano.

Lahat tayo may kahinaan, peru bawat isa ay binigyan ng Diyos ng mga kakayanan, hindi pare pareho ang kakanayan na merun tayo, peru ito ay gagamitin ng Diyos para sa kanyang layunin.

Bawat nilikha ng Diyos ay binigyan ng ibat-ibang kakayahan. Kahit mahina ang isang tao, may kakayahan siyang wala sa iba. Hindi sukatan ng kalakasan ang talino lamang. Ang mahalaga malaman natin ang kakayahang ibinigay ng Diyos sa atin upang magamit natin sa pang-araw-araw na buhay.

Huwag mo isipin na mahina ka o hindi mo kaya, Dahil mahal ka ng Diyos, mayroon siyang ibinigay na kakayanan o talento sayo, at kaya ka niyang gamitin para sa kanyang Kaluwalhatian.

Thank you Lord, Sayo ang lahat ng Papuri at kuwalhatian🙏🙌

July 26.2026 Huwaran ng KasipaganKawikaan 6:6 ASD[6] Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan ang pamumuhay ng mga ...
01/08/2026

July 26.2026

Huwaran ng Kasipagan

Kawikaan 6:6 ASD
[6] Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan ang pamumuhay ng mga langgam upang matuto kayo sa kanila.

Kawikaan 30:25 ASD
[25] Ang mga langgam, kahit hindi kalakasan, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw.

Mabubuting katangian ating tularan❤️

July 19.2026 I Sunday Celebration I Children's Ministry I DiscipleshipKids:Maging Huwaran ng KabutihanSa pamamagitan ng ...
20/07/2026

July 19.2026 I Sunday Celebration I Children's Ministry I Discipleship

Kids:Maging Huwaran ng Kabutihan
Sa pamamagitan ng pagsunod sa Diyos.
Bilang 22:21-33
Memory Verse:
Sa lahat ng paraan maging Halimbawa ka ng mabuting ugali - Tito 2:7

Discipleship: Nagkasala
Romans 3:10-12,23;5:12
Lahat ng tao ay makasalanan
Walang maliit o malaking kasalanan sa harapan ng Diyos.
At ang kasalanan nagbubunga ng kamatayan.

Address

San Jose Del Monte
3023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TCMF - Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to TCMF - Bulacan:

Shortcuts

Share