StoRosarioMalipampangPCY

StoRosarioMalipampangPCY Sto. Rosario Malipampang PCY (Parish Commission on Youth) helps young people to lead their fellow youth to God through Mary, Our Lady of Holy Rosary.

A religious youth organization of Sto. Rosario Parish Malipampang, San Ildefonso, Bulacan that aims to provide assistance to the young people of the parish on seeking God by concrete service and camaraderie among young ones through the guidance of Mary, Our Lady of the Most Holy Rosary.

09/06/2024

Pabatid!

Pinapaalam sa lahat na hindi na magiging aktibo ang PAGE na ito ngunit maaari niyo namang balikan ang mga ala-ala o aktibidad na ginawa ng Komisyon ng Kabataan.

Sa ngayon, nagsimula kami ng panibagong PAGE na maaari niyong i-like at i-follow.

Pls LIKE & SHARE sa LINK na ito, para sa mga bagong announcement.

https://www.facebook.com/profile.php?id=61560569707925&mibextid=kFxxJD

Maraming salamat po.

FLORES DE MARIA 2024Halina at makiisa sa pagdiriwang ng Flores de Maria 2024 sa ating Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto....
03/05/2024

FLORES DE MARIA 2024

Halina at makiisa sa pagdiriwang ng Flores de Maria 2024 sa ating Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario!

Ang mga kabataan na may 7-12 taong gulang ay gaganapin sa May 13. Ang mga kadalagahan na may 13-25 taong gulang ay sa May 22. At mga ina at lola ay sa May 31.

Halina't tunghayan at makiisa sa ating Flores de Maria 2024.

BE ONE OF US, BE A PCY!Sa mga KABATAAN na nagnanais maging bahagi ng PCY MALIPAMPANG malugod namin kayong iniimbitahan n...
02/04/2024

BE ONE OF US, BE A PCY!

Sa mga KABATAAN na nagnanais maging bahagi ng PCY MALIPAMPANG malugod namin kayong iniimbitahan na maging PARTE ng isang samahan ng mga kabataan na tinatahak ang landas patungo kay Kristo.

Sa mga nagnanais maging bahagi ng aming samahan, makipag ugnayan kina Bro. Jay Velasquez - PCY President, Ajhei Bernardo - PCY Internal Vice President, Richelle Vicmudo - PCY External Vice President at Kyla Faye Laloy - PCY Secretary o sa Numerong 09208457209.

Halina't maging bahagi ng lumalaking Pamilya ng mga tagapaglingkod ng Diyos.



Abril 2 | Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Patron ng mga kabataan.PANALANGIN KAY SAN PEDRO CALUNGSOD O San Pedro Calun...
02/04/2024

Abril 2 | Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Patron ng mga kabataan.

PANALANGIN KAY SAN PEDRO CALUNGSOD
O San Pedro Calungsod, mag-aaral, katekista, batang migrante, misyonero, tapat na kaibigan, martir, pumukaw sa amin sa pamamagitan ng iyong katapatan sa oras ng kagipitan, ng iyong tapang sa pagtuturo sa pananampalataya sa gitna ng p**t, at ng iyong pag-ibig sa pagpapadanak ng iyong dugo para sa kapakanan ng Ebanghelyo.
Gawin mong ang aming mga problema ay maging iyo (dito banggitin ang inyong kahilingan), at mamagitan ka para sa amin sa harap ng trono ng awa at grasya upang, upang maranasan namin ang tulong ng langit, nawa'y mahikayat kami na mabuhay at ipahayag ang Ebanghelyo dito sa lupa. Amen.

San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami!



SENAKULO 2024 Inihahandog ng Pamparokyang Komisyon ng Kabataan mula sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ang Se...
15/03/2024

SENAKULO 2024

Inihahandog ng Pamparokyang Komisyon ng Kabataan mula sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ang Senakulo 2024 na pinamagatang "SENAKULO: Dakilang Pag-ibig".

Sa darating na Marso 28, 2024 (Huwebes Santo) sa ganap na ika-3:00 ng hapon ay gaganapin ang una hanggang walong tagpo (Scene 1-8) sa patyo ng ating parokya at sa darating na Marso 29, 2024 (Biyernes Santo) sa ganap na ika-2:00 ng hapon ay gaganapin ang ika-siyam hanggang labing-anim na tagpo (Scene 9-16).

Samahan ninyo kami na saksihan ang naging buhay ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang pagpapakasakit at pagkamatay.

Nawa maging katulad tayo ni Santa Maria Magdalena, makita rin natin si Jesus sa ating buhay.


Handog ng Parish Commission on Youth, sa pakikipag-ugnayan sa mga organisasyon sa ilalim ng Komisyon ng Liturhiya [ANP, ...
16/02/2024

Handog ng Parish Commission on Youth, sa pakikipag-ugnayan sa mga organisasyon sa ilalim ng Komisyon ng Liturhiya [ANP, Legion of Mary, Leccom, Altar Servers, Lay Minister's, Ostriates, and MBMG], ang kauna-unahang TEATRO ROSARIO ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario.

Ang TEATRO ROSARIO ay isang uri ng living rosary kung saan kasabay ng pagdarasal ang pagsasadula ng apat na misteryo ng rosaryo [tuwa, liwanag, luwalhati, hapis].

TARA SA PAROKYA, bukas, Sabado, Pebrero 17, 2024, 2:30 ng hapon.

Dasalin ng buong sinta, ang rosaryo ni Maria.

Mga magtatanghal:
PCY Cluster A: Misteryo ng Tuwa
PCY Cluster B: Misteryo ng Hapis
PCY Cluster C: Misteryo ng Liwanag
PCY Malipampang: Misteryo ng Luwalhati

Sa Ikalawang Araw ng Nobenaryo para sa Mahal na Birhen ng Sto. Rosario, Miyerkules ng Abo, Simula ng Kwaresma, Araw ng m...
14/02/2024

Sa Ikalawang Araw ng Nobenaryo para sa Mahal na Birhen ng Sto. Rosario, Miyerkules ng Abo, Simula ng Kwaresma, Araw ng mga Puso.

Handog ng PCY ang isang paraang maibahagi ang Kanyang' pag-ibig sa espesyal na araw na ito.

Sa halagang PISO, makakakuha ng isang puso na inyong ididikit sa mga taong nais niyong sabihin,

"Mula sa Kanya para sa akin,
Mula sa akin para sa iyo."

Ibabahagi ang mga Puso, mamayang hapon sa Banal na Misa 5:30 pm.

IN MEMORIAMBRO. DAVID T. ALEJANDRODecember 12, 2005 - February 5, 2024Ang buong samahan ng komisyon ng kabataan ng Parok...
08/02/2024

IN MEMORIAM
BRO. DAVID T. ALEJANDRO
December 12, 2005 - February 5, 2024

Ang buong samahan ng komisyon ng kabataan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ay taos-pusong nakikiramay at nagpapaabot ng panalangin para sa mga kapamilya, sa mga kaibigan, at sa lahat ng nagmamahal kay Bro. David T. Alejandro.

Nawa sa dulo ng iyong paglalakbay iyo nawang masumpungan ang mahigpit na yakap ng ating Apo Sayong at Apo Jose at samahan ka nila patungo sa kanyang Anak na si Hesus na iyong ipinaglingkuran dito sa daigdig. Maraming salamat at maligayang paglalakbay, Bro. David!

Bro. David T. Alejandro
Miyembro, SPCY Sapang Putik

"Kapayapaan kailanman ay igawad ng Poong Maykapal sa yumao nating mahal. Siya nawa ay silayan ng ilaw na walang hanggan. Amen."

Panuluyan 2023ISANG ARAW NA LANG!Sapagkat gayon na lamang ang pag ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya an...
23/12/2023

Panuluyan 2023

ISANG ARAW NA LANG!

Sapagkat gayon na lamang ang pag ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)

Samahan natin si Maria at Jose sa maningning na pagsasabuhay ng Panunuluyan.

Ito ay gaganapin BUKAS, sa ganap na ika-8 ng gabi, na susundan ng Banal na Misa.

PANULUYAN 2023Sama-sama nating tunghayan ang pagtatanghal ng ating mga kabataan, ang Parish Commission on Youth (PCY) ng...
22/12/2023

PANULUYAN 2023

Sama-sama nating tunghayan ang pagtatanghal ng ating mga kabataan, ang Parish Commission on Youth (PCY) ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario para sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Halina’t saksihan si Maria at Jose sa kanilang paghahanap ng matutuluyan sa Betlehem at ang makasaysayang pagsilang ng ating Manunubos, si Hesus!

Gaganapin ito sa ika-24, ng Disyembre, 2023, sa ating parokya bago ang Banal na Misa.

Address

Malipampang
San Ildefonso
3010

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when StoRosarioMalipampangPCY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share