28/02/2024
"Tulad moy isang makahiya, matinik man pero bagay na sumisimbulo sa iyong pagsubok, sakripisyo at tapang na lumaban sa bawat hamon ng buhay na tunay namang kahanga-hanga..
Ang iyong dahon na tila tumitiklop ay tanda ng iyong pagiging mahiyain at mapagkumbaba, na talaga namang likas sa iyo..
At kung ating mamasdan ang iyong mga mga bulaklak hindi bat mawawari ang taglay nitong ganda.. ang rosas na kulay ng bawat hibla na tila kumakatawan sa gandang hindi lamang makikita sa labas kundi hanggang sa kalooban..
At sino ba ang makakalimot sa benepisyong hatid ng iyong mga ugat na humihipo sa maraming karamdaman, tunay na ikay ganyan; hatid moy ginhawa at kapahingahan sa bawat hahapon sa iyong tahanan.. pagod ay dimo alintana kamiy mapaglikuran mo lamang..
Sa aming kaibigan, kapatid na makahiya, salamat at maligayang pagbati sa iyong kaarawan! Dalangin namin ang patuloy na pagyabong mo, upang patuloy na maging pagpapala ka para sa iba.. mananatili kaming mga damo sa paligid mo na aalalay at magpapatatag sayo.. mahal ka namin kapatid na MAKAHIYA.. โฃ๐