Parish Commission on Youth San Ildefonso

Parish Commission on Youth San Ildefonso Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Parish Commission on Youth San Ildefonso, Religious organisation, San Ildefonso Parish Church, San Ildefonso.

T-shirt for a Cause 2024Noong ika-18 ng Disyembre, 665 AD, ang Mahal na Birheng Maria ay nagbigay ng Kasulya (damit ng i...
09/11/2024

T-shirt for a Cause 2024

Noong ika-18 ng Disyembre, 665 AD, ang Mahal na Birheng Maria ay nagbigay ng Kasulya (damit ng isang pari) kay San Ildefonso.

Katulad ng Mahal na Birhen, buong puso din tayong magkaloob ng damit sa ating mga kapatid na lubhang nangangailangan ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sa bawat pagbili ng DEVOTIONAL T-SHIRT ng ating Parokya, makikibahagi ka sa pagbibigay ng BAGO AT BRANDED na mga damit at sapatos/sandals para sa mga nangangailangan nating kapatid. Ito ay ating ibabahagi sa ika-18 ng Disyembre, 2024 bilang pag-gunita sa makasaysayang pagbibigay ng damit kay San Ildefonso, mula sa Mahal na Birheng Maria.

Available po ang mga devotional t-shirts sa opisina ng Parokya o sa booth sa labas ng simbahan. Ito ay nagkakahalaga ng Php250.00 sa lahat ng sizes.

Maraming salamat po!

KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN SA MAHAL NA BIRHENG MARIALA NIÑA MARIASetyembre 08Ginugunita natin sa araw na ito ang pagsila...
08/09/2024

KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
LA NIÑA MARIA

Setyembre 08

Ginugunita natin sa araw na ito ang pagsilang ng Mahal na Ina ng Diyos (Natividad de la Virgen), na maituturing na pagbubukang-liwayway­ ng kaligtasan ng sangkatauhan sapagka't ang kinapal na ipinaglihing kalinis-linisan noong ika-8 ng Disyembre ang siyang magiging Ina ng Manunubos. Kung ipinagdiriwang ang ating pagsilang sa sangmaliwanag ay lalo't higit ang pagsilang ng Ina ng Diyos at Ina ng sangkatauhan, ang Reyna ng Langit at Lupa - si Mariang kaibig-ibig. Ang pistang ito na ukol sa pagsilang ng Mahal na Birhen ay simula pa noong mga huling taon sa ikapitong dantaon. Ipinalalagay ng ilan na si Maria ay sumilang sa Nazaret; ayon naman sa iba, sa Herusalem, sa angkan nina San Joaquin at Santa Ana.

Maligayang kaarawan, Mahal naming Ina.

TARA! Sali na KABATAAN. Inaanyayahan namin kayo ngayon, upang maisabuhay natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ...
05/09/2024

TARA! Sali na KABATAAN.

Inaanyayahan namin kayo ngayon, upang maisabuhay natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod. Hinihikayat namin kayo na sumali at maki-isa sa Komisyon ng Kabataan ng ating parokya.

Sa mga nagnanais na sumali, maaring makipag-ugnayan kay Bro. Aaron Girado, sa opisina ng ating Parokya o kaya ay magfill-up Google Form na ito.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScYYMio10fAVSkj0fU-yZyVZqs6oxBI0x3I3pZD6GRFC7-8Dw/viewform

Kaya Tara! Sali na Kabataan!

"Lumahok sa Komisyon ng Kabataan, at Paglingkuran ang Panginoon"





Happy Birthday Tobby Nathaniel Mendoza Cruz ! kahit malayo ka ramdam namin na parang nandyan kalang sa tabi-tabi, ingat ...
12/01/2024

Happy Birthday Tobby Nathaniel Mendoza Cruz ! kahit malayo ka ramdam namin na parang nandyan kalang sa tabi-tabi, ingat ka dyan palagi, we miss you so much! see you soon!

Love Pcy San Ildefonso Alumni!

AMNESTIYA sa BAYARIN sa SEMENTERYO  Lahat ng may inaalagaang puntod/libingan ay inaanyayahang magsadya sa Opisina ng Par...
10/03/2023

AMNESTIYA sa BAYARIN sa SEMENTERYO

Lahat ng may inaalagaang puntod/libingan ay inaanyayahang magsadya sa Opisina ng Parokya upang makapakinabang sa AMNESTIYANG ito.

Mangyaring tumawag o mag text para sa inyong schedule.

Martes hanggang Linggo mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.

E-JAY DORADO - 0991 364 9228

Maraming salamat po.

AMNESTIYA sa BAYARIN sa SEMENTERYO

Lahat ng may inaalagaang puntod/libingan ay inaanyayahang magsadya sa Opisina ng Parokya upang makapakinabang sa AMNESTIYANG ito.

Mangyaring tumawag o mag text para sa inyong schedule.

Martes hanggang Linggo mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.

E-JAY DORADO - 0929 617 5006

Maraming salamat po.

Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid kay Kristo!Nagsimula na ang panahon ng  KWARESMA, kaya naman ang mga kaba...
23/02/2023

Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid kay Kristo!

Nagsimula na ang panahon ng KWARESMA, kaya naman ang mga kabataan ng ating Parokya o mas kilala bilang PCY or Parish Commission on Youth ay magdarasal ng Panalangin para sa Dakilang Awa ng Diyos (DIVINE MERCY CHAPLET) ito ay gagawin sa buong panahon ng kwaresma. Kalakip nito ang pagbibigay ng kaunting tulong sa mga kapatid nating nasa bilangguan.

Kaugnay ng programang ito, maaari po kayong magpasama ng inyong mga PERSONAL NA PANALANGIN, KAHILINGAN, INTENSYON O KAPAYAPAAN NG MGA YUMAONG MAHAL NATIN SA BUHAY. Ito po ay babanggitin namin sa kada dekada ng butil ng rosaryo.

Para po sa mga nagnanais na magpasama ng kanilang mga intensyon, mangyaring makipag ugnayan lamang sa aming FACEBOOK ACC at sa PERSONAL naman po ay pwede po sa kanya kanyang SPCY kada baranggay o sa mga kilala ninyong PCY OFFICERS.

Simula PEBRERO 24 araw ng BIYERNES ay magsisimula na po ang ating pagdadasal ng Panalangin para sa Dakilang Awa ng Diyos (CHAPLET OF DIVINE MERCY) sa ganap na ika-4:30 ng hapon bago ang Banal na Misa sa ating Parokya. Ito po ay gagawin sa lahat ng BIYERNES sa buong pahanon ng kwaresma maliban sa biyernes santo. Maraming salamat po

03/01/2023

PANALANGIN SA YUMAONG SANTO PAPA
(hango sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma)

+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Ama naming makapangyarihan,
maaasahang tagapagbigay ng gantimpala sa tanan
ipagkaloob mong ang yumao naming Papa Benedicto XVI,
na hinirang mong humawak ng tungkulin ni San Pedro
bilang tagapangasiwa ng iyong Simbahan,
ay magkamit ng iyong walang humpay na kasiyahan sa kalangitan
pakundangan sa kanyang matapat na paglilingkod
bilang tagapanguna sa pagpaparangal sa iyong kagandahang-loob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

Narito ang schedule na mga Simbang Gabi sa mga Sub-Parish at sa ating Parokya.Sub-Parish Simbang Gabi ScheduleDecember 1...
14/12/2022

Narito ang schedule na mga Simbang Gabi sa mga Sub-Parish at sa ating Parokya.

Sub-Parish Simbang Gabi Schedule
December 15 - 24, 2022

4:00 p.m.
Sta. Catalina Bata
Garlang

5:00 p.m.
Nabaong Garlang
Anyatam

6:00 p.m.
Mataas na Parang
Makapilapil

8:00 p.m.
Matimbubong

~~~~~~~~~~~~

Parish Simbang Gabi Schedule

December 15 - 23 | 8:00 p.m (FB Live Stream)
December 16 - 24 | 4:00 a.m.

December 24, 2022
Christmas Eve Mass | 9:00 p.m. (FB Live Stream)

December 25, 2022
Christmas Day Mass
6:00 a.m. | 7:30 a.m.

Binyag
10:00 a.m.

Maraming Salamat po.

December 8 || Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang paglilihi sa Mahal na Birhen Maria at Kaarawan ng Mahal na Pintaka...
08/12/2022

December 8 || Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang paglilihi sa
Mahal na Birhen Maria at Kaarawan ng Mahal na Pintakasing San Ildefonso

Walang hanggang Pasasalamat sa ating Bikaryo Paroko Rdo. P. Cristian "Ping" Sison sa  Pagmamahal at Pagpapastol sa Parok...
02/06/2022

Walang hanggang Pasasalamat sa ating Bikaryo Paroko Rdo. P. Cristian "Ping" Sison sa Pagmamahal at Pagpapastol sa Parokya ni San Ildefonso

Kaisa po ng Sangguniang Pastoral at mga mananampalatayang Kristiyano ng Bayan ng San Ildefonso ang taos puso po naming pasasalamat.

Mahal po namin kayo!

Walang Hanggang Pasasalamat sa ating Bikaryo Paroko Rdo. P. Cristian "Ping" Sison sa Pagmamahal at Pagpapastol sa Parokya ni San Ildefonso

Kaisa po ng Sangguniang Pastoral at mga mananampalatayang Kristiyano ng Bayan ng San Ildefonso ang taos puso po naming pasasalamat.

Mahal po namin kayo!

Maligayang Kaarawan po, Bishop Dennis C. Villarojo!Nawa'y maging maligaya po ang pagdiriwang ng inyong Ika-55 taong kaar...
18/04/2022

Maligayang Kaarawan po, Bishop Dennis C. Villarojo!
Nawa'y maging maligaya po ang pagdiriwang ng inyong Ika-55 taong kaarawan. Hangad po namin na bigyan ka pa ng mahaba, malusog at masaganang buhay.
Pagbati mula sa Sambayanang Kristiano ng Parokya ni San Ildefonso

Maligayang Kaarawan po, Bishop Dennis C. Villarojo!

Nawa'y maging maligaya po ang pagdiriwang ng inyong Ika-55 taong kaarawan. Hangad po namin na bigyan ka pa ng mahaba, malusog at masaganang buhay.

Pagbati mula sa Sambayanang Kristiano ng Parokya ni San Ildefonso

Tayo nang magbigay-dangalkay Jesus na ating ilawsa diwa nati't isipan.Si Jesukristo'y nabuhay,S'ya'y ating kaliwanagan.M...
17/04/2022

Tayo nang magbigay-dangal
kay Jesus na ating ilaw
sa diwa nati't isipan.
Si Jesukristo'y nabuhay,
S'ya'y ating kaliwanagan.

Mula sa Pamunuan at mga kasapi ng Parish Commission on Youth San Ildefonso, kami po ay taos-pusong bumabati sa ating lahat ng Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo!

Address

San Ildefonso Parish Church
San Ildefonso
3010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Commission on Youth San Ildefonso posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share