Pulong Tamo Sub-Parish Commission on Youth

Pulong Tamo Sub-Parish Commission on Youth SPCY Pulong Tamo San Ildefonso Bulacan / Patron of Sto. Rosario

Today is the day 😇Pulong Tamo Flores de Mayo 2024 🌸Kahit umuulan ay tuloy po ang ating pag aalay para sa mahal na Birhen...
26/05/2024

Today is the day 😇

Pulong Tamo Flores de Mayo 2024 🌸

Kahit umuulan ay tuloy po ang ating pag aalay para sa mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng ating parokya.

Kaya sama sama po natin tunghayan ang pagaalay ng ating nag gagandahang sagala mamayang 5:00 ng hapon 🥰

🎄 SIMBANG GABI 2023 ⛪️✨Magandang araw po, narito po ang schedule ng ating Banal na Misa ngayong darating na Simbang Gabi...
14/12/2023

🎄 SIMBANG GABI 2023 ⛪️✨

Magandang araw po, narito po ang schedule ng ating Banal na Misa ngayong darating na Simbang Gabi at sa bisperas ng Bagong Taon.

Tayo pong lahat ay inaanyayahan. Halina't sabay sabay nating paghandaan ang pagdating ng ating Tagapagligtas!




PASALAMAT 2023 Highlights 🤍Maraming Salamat po sa lahat ng nanood at nakiisa sa pagdiriwang ng ating Pasasalamat 😇
12/12/2023

PASALAMAT 2023

Highlights 🤍
Maraming Salamat po sa lahat ng nanood at nakiisa sa pagdiriwang ng ating Pasasalamat 😇

MALIGAYANG PASASALAMAT 2023 BARANGAY PULONG TAMO 🥳Bilang pag gunita ng ating Taunang pasasalamat ay inaanyayahan po nami...
08/12/2023

MALIGAYANG PASASALAMAT 2023 BARANGAY PULONG TAMO 🥳

Bilang pag gunita ng ating Taunang pasasalamat ay inaanyayahan po namin ang mga nais na manood at makisaya sa aming programa ngayong gabi! 🩵

Saksihan ang tagisan ng galing ng mga kandidato mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas 🫶🏻

SEE YOU LATER MGA KABARANGAY ❤️


03/12/2023

Mapagpalang araw po sa ating lahat!!

Bilang paghahanda sa nalalapit na Pasalamat sa ating Barangay na ginaganap tuwing ika-8 ng Disyembre, tayo ay magkakaroon ng Banal na Misa sa loob ng apat (4) na araw, na magsisimula sa ika-5 ng Disyembre sa ganap na ika-5:00 ng hapon.

Ang ating Banal na Misa sa araw ng Kapistahan ay sa ganap na ika-10:30 ng umaga.

Maraming salamat po! 🩵

Ready na ba kayo? 🥳Sa darating na Pasalamat 2023 ay magkakaroon tayo ng programa na tiyak na magbibigay kasiyahan sa baw...
03/12/2023

Ready na ba kayo? 🥳

Sa darating na Pasalamat 2023 ay magkakaroon tayo ng programa na tiyak na magbibigay kasiyahan sa bawat isa 🎊 Kung kaya’t amin kayong inaanyayahan na panoodin ang pasiklaban ng talento na nagmula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas, ilan na dito ang mga nagtanghal sa telebisyon at nanalo sa Pilipinas Got Talent, kaya’t sa darating na Disyembre 8, 2023 sa ganap na ika 7:30 ng gabi ay sama sama tayong panoodin ang programang magbibigay ng kasiyahan sa ating Barangay.

Mula sa pamunuan ng Kabataan ng Barangay Pulong Tamo sana po ay sama sama nating suportahan at ipagdiwang ang ating Pasasalamat para sa taon na ito.

Ang ibang kaganapan sa ating pasalamat ay ipopost na lamang po ulit dito sa ating page.

Maraming Salamat po! 🩵

PAROL MAKING CONTEST 2023 ⭐️🎄 Magandang Araw po sa ating lahat, magkakaroon po ng patimpalak ang ating Parokya, ito po a...
11/11/2023

PAROL MAKING CONTEST 2023 ⭐️🎄

Magandang Araw po sa ating lahat, magkakaroon po ng patimpalak ang ating Parokya, ito po ay pagandahan ng Parol na gawa sa mga recyclable materials.

Inaanyayahan po ang bawat purok o sitio ng Barangay Pulong Tamo na sumali sa nasabing patimpalak upang ating mabigyang sigla ang darating na kapaskuhan. Ang bawat Parol na atin pong magagawa ay ilalagay sa ating simbahan hanggang sumapit ang kapaskuhan.

Answers for possible questions:

PEDE POBANG MAG ENTRY NG MARAMING PAROL?

Pwede na po ang kahit ilan na entry kada purok, basta magsend lang po ng pangalan kung sino ang inyong mga kasamahan.

KAILAN PO ITO GAGAWIN AT HANGGANG KAILAN PO ANG PASAHAN??

Ang pagbuo ng Parol ay magsisimula sa November 13, 2023 na kung saan pwede napo kayo magpalista ng inyong entry kaakibat ang listahan kung sino sino ang inyong mga katuwang sa pag gawa.
Ang pasahan po ng Parol ay sa December 8, 2023 7:30 ng gabi, kasabay ng pagpili kung sino ang mga mananalo at pag sindi ng giant christmas tree sa gabi na iyon.

ANO PO ANG PAMANTAYAN SA PAGBUO NG PAROL?

Ang inyong Parol na bubuuin ay may sukat na 6ft haba at 6ft na lapad, kahit anong sukat sa haba ng buntot o palawit ng Parol ay pwede. Ang maari lamang gamiting materyales na bibilhin ay pangkulay, pandikit, pailaw at panali. Ang mga materyales naman na maari gamitin ay halimbawa na lamang ng mga lumang papel or dyaryo, Plastic bottles, Plastic cups, Dried leafs / tree, Eggshells, Balat ng candy / junk foods / Cellophane, At ibat iba pang materyales na pede irecycle.

CRITERIA FOR JUDGING

Originality (Uniqueness) - 25%
Creativity (Creative using RECYCLED materials) - 40%
Concept and Visual impact of Parol - 25%
Relevance to Christmas and theme - 10%

ANO ANO PO ANG MGA MAPAPANALUNAN?

1st Place 2,500
2nd Place 2,000
3rd Place 1,000

PAANO PO SUMALI SA PAROL MAKING CONTEST?

Sa mga nagnanais pong sumali sa Parol making Contest ay maari po kayong makipag ugnayan sa amin gamit ang page na ito, dito po kayo mag message para po masagot ang inyong mga katanungan.



Magandang araw! Ito po ang official page ng SPCY Pulong Tamo, dito po namin ipopost lahat ng upcoming events sa ating pa...
06/11/2023

Magandang araw!

Ito po ang official page ng SPCY Pulong Tamo, dito po namin ipopost lahat ng upcoming events sa ating parokya. Kabilang na po dito ang mga programa, misa at prusisyon para sa darating ng Pasalamat 2023 sa ating Barangay.

Please do like and follow this page po especially sa mga nakatira sa Pulong Tamo, San Ildefonso Bulacan.

Maraming Salamat po! 😇

Address

Pulong Tamo, San Ildefonso Bulacan
San Ildefonso
3010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pulong Tamo Sub-Parish Commission on Youth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share