26/08/2026
BATAAN PILGRIMAGE 2026
Isang Paglalakbay ng Pananampalataya at Pananalangin
Oktubre 24, 2026 | Sabado
“Masaya ang mga taong ang lakas ay nagmumula sa iyo, na ang puso’y nakatuon sa paglalakbay patungo sa iyo.”
— Salmo 84:5
Bilang isang sambayanan ng Diyos, inaanyayahan ng Parokya ng Kamahalmahalang Puso ni Jesus ang lahat na makiisa sa Bataan Pilgrimage 2026 sa Oktubre 24, 2026.
Ang banal na paglalakbay na ito ay hindi lamang pagdalaw sa mga makasaysayang simbahan, kundi isang paglalakbay ng pananalangin at pananampalataya. Sa bawat dambana at simbahang ating dadalawin, sama-sama tayong mananalangin, magninilay, magpapasalamat sa mga biyaya ng Panginoon, at muling iaalay ang ating mga sarili sa Kanyang kalooban.
MGA SIMBAHANG DADALAWIN
† Saint Peter of Verona Parish Church – Hermosa
† Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Church – Orani
† Saint Catherine of Siena Parish Church – Samal
† Santo Domingo de Guzman Parish Church – Abucay
† Saint Joseph Cathedral – Balanga City
† Our Lady of the Pillar Parish Church – Pilar
† Diocesan Shrine and Parish of Saint John Paul II – Balanga City
PILGRIMAGE PACKAGE
₱1,499 bawat pilgrim
Kasama na ang Pilgrimage Shirt.
Nawa ang bawat hakbang ng ating paglalakbay ay maging panalangin, ang bawat pagdalaw ay maging pagpupuri, at ang bawat sandali ng ating pagsasama ay maghatid sa atin sa higit na malalim na pakikipagtagpo kay Kristo, ang ating Daan, Katotohanan, at Buhay.
Para sa pagpaparehistro at karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa mga Coordinator ng bawat SPPC at Organisasyon, o magtungo sa Tanggapan ng Parokya.
Halina, mga kapatid! Tayo’y maglakbay bilang isang sambayanang sumasampalataya, nananalangin, at umaasa sa Panginoon.
========