Ministry Of Altar Servers - San Ildefonso De Toledo Parish

Ministry Of Altar Servers - San Ildefonso De Toledo Parish “ONLY THE BEST FOR THE LORD!”

16/08/2026
IKA-16 NG AGOSTO | PRUSISYONMaringal na Prusisyon sa karangalan ni San Tarcisio ng Roma, patron ng mga tagapaglingkod ng...
16/08/2026

IKA-16 NG AGOSTO | PRUSISYON

Maringal na Prusisyon sa karangalan ni San Tarcisio ng Roma, patron ng mga tagapaglingkod ng dambana.

Nawa'y sa kanyang halimbawa ng matatag na pananampalataya, tapang, at pagmamahal sa Eukaristiya, patuloy kaming maging tapat at karapat-dapat na mga lingkod sa dambana.

San Tarcisio ng roma,
Ipanalangin mo kami! 🙏

¡𝘝𝘪𝘷𝘢 𝘚𝘢𝘯 𝘛𝘢𝘳𝘤𝘪𝘴𝘪𝘰! ❤️

IKA-15 NG AGOSTO| IKATALONG ARAW NG TRIDUO KAY SAN TARCISIO NG ROMASa araw na ito, sama-sama nating ipinagdiriwang ang K...
15/08/2026

IKA-15 NG AGOSTO| IKATALONG ARAW NG TRIDUO KAY SAN TARCISIO NG ROMA

Sa araw na ito, sama-sama nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Tarcisio ng Roma, bilang huwaran ng katapatan, pananampalataya, at pagmamahal sa Panginoon. Nawa’y sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, patuloy tayong maging tapat at buong pusong maglingkod sa Dambana at sa ating Panginoon.

Nawa’y patuloy tayong pag-isahin sa panalangin at paglilingkod.

San Tarcisio ng Roma, ipanalangin mo kami.
🙏❤️

IKA-14 NG AGOSTO| IKALAWANG ARAW NG TRIDUO KAY SAN TARCISIO NG ROMASama-samang panalangin at pagkakaisa sa paglilingkod....
15/08/2026

IKA-14 NG AGOSTO| IKALAWANG ARAW NG TRIDUO KAY SAN TARCISIO NG ROMA

Sama-samang panalangin at pagkakaisa sa paglilingkod. Nawa sa pamamagitan ni San Tarcisio ay maglingkod tayo ng tapat at buong puso sa ating Panginoon.

Ang ikalawang araw ng Triduo na ito ay naging parte ng paghahanda para sa kapistahan ni San Tarcisio. Ipinahahatid po ng aming samahan ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng nagsipagdalo at tumulong sa pagdiriwang na ito.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo kami. ❤️

IKA-13 NG AGOSTO| UNANG ARAW NG TRIDUO KAY SAN TARCISIO NG ROMAIto ay pinangunahan nina Bro. Fritz Bastian Concepcion at...
15/08/2026

IKA-13 NG AGOSTO| UNANG ARAW NG TRIDUO KAY SAN TARCISIO NG ROMA

Ito ay pinangunahan nina Bro. Fritz Bastian Concepcion at Bro. Richmond Juan Dela Cruz, ang unang araw ng Triduo na ito ay naging parte ng paghahanda para sa kapistahan ni San Tarcisio. Ipinahahatid po ng aming samahan ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng nagsipagdalo at tumulong sa pagdiriwang na ito.

San Tarcisio ng Roma, Ipanalangin mo kami.
❤️🙏

TINGNAN:Ginanap noong ika-21 ng Abril sa Parokya ng Mahal na Puso ni Hesus ang pagpupulong ng Vicarial Ministry of Altar...
25/04/2026

TINGNAN:
Ginanap noong ika-21 ng Abril sa Parokya ng Mahal na Puso ni Hesus ang pagpupulong ng Vicarial Ministry of Altar Servers kaisa ng kanilang direktor, Reb. P. John Paulo Morales.

Tinalakay sa pagpupulong na ito ang pagbibigay balita mula sa kanya-kanyang parokya. Gayundin, sa loob ng pagpupulong nagsagawa ng plano para sa mga paparating na gawain at programa ng mga sakristan sa bikarya.

PAANYAYA:Inaanyayahan po ang lahat ng mga kabataang lalaki na may edad na 10-16 taong gulang, na nakatanggap na ng unang...
20/04/2026

PAANYAYA:

Inaanyayahan po ang lahat ng mga kabataang lalaki na may edad na 10-16 taong gulang, na nakatanggap na ng unang pakikinabang (1st communion) na nag nanais maging bahagi ng Ministry of Altar Server, o maging isang sakristan, na handang ilaan ang oras, panahon at talino upang makapaglingkod sa ating Parokya at sa Panginoon.

Mga kinakailangan:
Birth Certificate (Photocopy)
Baptismal Certificate (Photocopy)
Application Form

Maari pong makipag-ugnayan sa ating opisina ng parokya.

Maraming Salamat po!!

BASAHIN: Opisyal na Pahayag ukol sa pagkawala ng mga Sagradong Gamit ni San Miguel Arcangel. Para sa pagbibigay ng impor...
04/04/2026

BASAHIN: Opisyal na Pahayag ukol sa pagkawala ng mga Sagradong Gamit ni San Miguel Arcangel.

Para sa pagbibigay ng impormasyon maaari po kayong magtungo sa opisina ng ating parokya at San Miguel Police Station.

San Miguel, kami'y masdan at sa Diyos ipagdasal.



11/01/2026

San Ildefonso Town Fiesta 2026

CALENDAR OF ACTIVITIES

NOBENARYO
January 14-22, 2025

5:00 A.M – ROSARYO AT NOBENA
6:15 A.M – BANAL NA MISA
4:00 P.M. – ROSARYO AT NOBENA
5:30 P.M – BANAL NA MISA

JANUARY 13
6:00 A.M - Clean & Green
Poblacion, San Ildefonso, Bulacan

JANUARY 14
6:00 A.M. Lutong Bulak

1:00 P.M. – Kumpilang Bayan
San Ildefonso De Toledo Parish

6:30 P.M. – Prusisyon ng mga Patron ng Brgy.
San Ildefonso De Toledo Parish

JANUARY 15
8:00 A.M. - Blood Letting
San Ildefonso Parish Hall

6:00 P.M. – Seniors Night
New Municipal Hall

JANUARY 16
8:00 A.M. – Medical / Dental Mission
San Ildefonso Parish Hall

1:00 P.M. – Legal Mission
New Municipal Hall

JANUARY 17
4:30 A.M. – Fun Run
San Ildefonso De Toledo Parish

9:00 A.M. – Kasalang Bayan
San Ildefonso De Toledo Parish

6:00 P.M. - PRO-RATA
Old Municipal Hall

6:30 P.M. -Benedictine Procession
San Ildefonso De Toledo Parish

JANUARY 18
12:00 NN. – Bulak Festival
National Highway

6:30 P.M. – Feast of Sto. Niño – Prusisyon de Caridad
San Ildefonso De Toledo Parish

JANUARY 19
8:00 A.M. – Job Fair
San Ildefonso Parish Hall

6:00 P.M. – Awarding of Project Gazo
New Municipal Hall

JANUARY 20
8:00 A.M. – Free Services
(Gupit, Pedicure, Manicure)
San Ildefonso Parish Hall

JANUARY 21
8:00 A.M. – Docufest
New Municipal Hall

7:00 P.M. – Live Performance
San Ildefonso Comercial Complex


JANUARY 22
7:00 P.M. – Live Performace
San Ildefonso Comercial Complex

JANUARY 23
10:00 A.M. – Misa Concelebrada
San Ildefonso De Toledo Parish

6:00 P.M. – Maringal na Prusisyon
San Ildefonso De Toledo Parish

7:00 P.M. - LGU Night
San Ildefonso Commercial Complex

8:00 P.M. – Te Deum
San Ildefonso De Toledo Parish

Fireworks Display


Address

Poblacion
San Ildefonso

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry Of Altar Servers - San Ildefonso De Toledo Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ministry Of Altar Servers - San Ildefonso De Toledo Parish:

Shortcuts

Share