28/06/2023
OFAFJ Worship😉
"It is a good habit to be prompt in all your communication..."
"Nasaan na si ganito?"
"Tutugtog ba si ano?"
As soon as makita na may chat or mensahe sa iyo.
Kung kaya naman na sagutin kaagad, sagutin na.
Kung kailangan naman na pag-isipan pa, it's good to inform na you need to think about it pa.
Kung hindi makakatutugtog o makakanta magsabi kaagad.
Kung mahuhuli, siguraduhin rin na magsabi.
Sa ministry or even outside ng ministry, most of the times, hindi rin ako perpekto sa aspeto na ito, pero sa biyaya ng Diyos, isa ito sa mga pinagsusumikapan.
Isa rin ito ito sa mga maliliit at simpleng bagay na kapag naging maayos, nakakatulong na mag-build ng magandang harmony sa team.
Magandang halimbawa rin na makita sa atin ng iba, especially kung isa tayo mga tinitingnan at tagapanguna.
Praktikal man ito, pero mahalaga rin naman na bigyang pansin.
Bigyan ng pansin, ayusin, palaguin, at maging habit na rin para sa ikalalago natin.
At pangunahin sa lahat ng mga ito ay ang mabigyan ng kaluguran ang Panginoon sa ganitong kaparaanan.