19/04/2026
📌 Magandang Hapon po! 😊
Inaanyayahan po namin ang inyong mga anak (edad 8–11) na sumali sa aming Kid’s Camp na gaganapin mula April 20–23.
📍 Venue: Sa ating simbahan -Hope
Fruitful Baptist Church Inc.
(Brgy.Mabunga)
🕗 Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
🍽️ May nakahandang pagkain at meryenda para sa mga bata.
✨ Bakit po magandang sumali ang inyong anak?
• Makakaiwas muna sa sobrang paggamit ng cellphone at gadgets 📱
• Matututo ng magagandang aral at values sa masayang paraan 🙏
• Magkakaroon ng bagong kaibigan at bonding moments 🤝
• Made-develop ang kanilang confidence at social skills 💬
• Mapapalapit sa Diyos habang nag-eenjoy 💖
📌 Paalala:
Mangyari pong magdala ang mga bata ng:
• Pinggan o baunan
• Kutsara
• Baso
Ang lahat ng aktibidad ay gaganapin lamang sa loob at sa buong compound ng simbahan.
Kung kayo po ay taga-malayo at nangangailangan ng sundo, huwag pong mag-atubiling mag-message para mapag-usapan.
Inaanyayahan din po namin kayo na mag-imbita ng inyong mga kapitbahay o kakilala na may mga batang gustong makibahagi.
🙏 Maraming salamat po at Go@highlight???