The United Methodist Church Hebron

Directions

The United Methodist Church Hebron MAKE DISCIPLES OF JESUS CHRIST TO TRANSFORM THE WORLD

Maraming mga relihiyosong tao. Actually, ang Pilipinas ay isa sa mga Kristiyanong bansa. Pero bakit may mga bagay pa rin...
05/10/2026

Maraming mga relihiyosong tao. Actually, ang Pilipinas ay isa sa mga Kristiyanong bansa. Pero bakit may mga bagay pa rin sa ating lipunan na hindi naaayon sa kalooban ng Diyos?

๐—ฆ๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿญ:๐Ÿฏ๐Ÿฏโ€“๐Ÿฐ๐Ÿฒ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป. ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ, ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜†-๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ, ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ.

Ganoon din sa buhay natin. May mga bagay na ipinagkakatiwala sa atinโ€”posisyon, pera, kaalaman, kapangyarihan, oportunidad, at maging ang ating buhay. Ngunit ang tanong: Ginagamit ba natin ang mga ito ayon sa layunin ng Diyos, o ginagamit natin para sa sarili lamang?

Hindi sapat ang pagiging relihiyoso kung ang puso at pamumuhay natin ay malayo sa Diyos.

๐€๐ง๐  ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐ข๐ฐ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐š๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐š๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง๐ข๐ง, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ ๐š๐ฆ๐ข๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐ญ๐š๐ฆ๐š, ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ง๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ฅ๐ฎ๐ฐ๐š๐ฅ๐ก๐š๐ญ๐ข๐š๐ง.

โ€œ๐€๐ง๐  ๐ค๐š๐ก๐š๐ซ๐ข๐š๐ง ๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ ๐š๐ฒ ๐ข๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ญ๐š๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐›๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐›๐ฎ๐ง๐ ๐š ๐ง๐ข๐ญ๐จ.โ€
โ€” ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ ๐Ÿ๐Ÿ:๐Ÿ’๐Ÿ‘

05/10/2026

"๐’€๐’–๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’Š ๐‘ณ๐’๐’“๐’… ๐’•๐’”๐’‚๐’Œ๐’‚ ๐’š๐’–๐’๐’ˆ ๐’‚๐’˜๐’‚ ๐’๐’š๐’‚ ๐’Š๐’” ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š ๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’”๐’‚๐’‚๐’ ๐’Ž๐’‚๐’ ๐’•๐’‚๐’š๐’ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’–๐’๐’•๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’‚๐’๐’ ๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’”๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’”๐’š๐’๐’ ๐’๐’“ ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’‰๐’๐’ ๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’." โ€” ๐‘ฉ๐’“๐’. ๐‘ณ๐’‚๐’๐’„๐’†

Sa Matthew 21:33โ€“46, ikinuwento ni Jesus ang tungkol sa mga nangungupahan sa ubasan na paulit-ulit na tumanggi at gumawa ng masama sa mga sugo ng may-ari. Sa huli, maging ang kanyang anak ay kanilang itinakwil.

Isang makapangyarihang paalala na huwag nating isara ang ating puso sa tinig at tawag ng Diyos. Maaaring dumating ang Kanyang mensahe sa mga paraang hindi natin inaasahan, ngunit nasa atin ang pagpiling makinig, tumanggap, at sumunod.

Panoorin ang takeaways ni Bro. Lance Jimenez mula sa sermon at pagnilayan kung paano tayo tinatawag ng Diyos na maging tapat na katiwala ng mga bagay na ipinagkatiwala Niya sa atin. โœจ

04/10/2026
๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–Minsan, dahil sa ating mga pagkukulang at pagkakamali, naiisip nating baka hindi na tayo karapat-dapat...
03/10/2026

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–

Minsan, dahil sa ating mga pagkukulang at pagkakamali, naiisip nating baka hindi na tayo karapat-dapat mahalin. May mga pagkakataong hinahanap natin ang ating halaga sa pagtanggap ng ibang tao at nakakalimutan nating mayroon tayong Ama na nagmamahal sa atin.

"๐™„ ๐™–๐™ข ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง ๐™๐™–๐™ฉ๐™๐™š๐™ง, ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™„ ๐™ก๐™ค๐™ซ๐™š ๐™ฎ๐™ค๐™ช ๐™š๐™ซ๐™š๐™ฃ ๐™–๐™จ ๐™„ ๐™ก๐™ค๐™ซ๐™š ๐™ข๐™ฎ ๐™Ž๐™ค๐™ฃ, ๐™…๐™š๐™จ๐™ช๐™จ." โ€” ๐™…๐™ค๐™๐™ฃ 17:23

Ipinapaalala sa atin ng talatang ito na sa pamamagitan ni Cristo, maaari tayong magkaroon ng malalim na ugnayan sa Diyos. Ang Kanyang pag-ibig ay hindi nakabatay sa ating pagiging perpekto, kundi sa Kanyang biyaya at katapatan.

Hindi natin kailangang makipagkumpitensya upang makuha ang pagmamahal ng Diyos. Maaari tayong lumapit sa Kanya bilang mga anak na nagtitiwala sa kanilang Ama.

You are deeply loved by your Heavenly Father. Kaya sa mga araw na pinagdududahan mo ang iyong halaga, alalahanin mong ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nasusukat sa opinyon ng mundo. Lumakad ka sa bawat araw na may katiyakang ikaw ay minamahal, tinatanggap, at inaanyayahang manatili kay Cristo. โœจ

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–May mga pagkakataong hindi natin agad nauunawaan kung bakit may mga bagay na nangyayari sa ating buhay...
02/10/2026

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–

May mga pagkakataong hindi natin agad nauunawaan kung bakit may mga bagay na nangyayari sa ating buhay. May mga panalanging hindi pa nasasagot at mga sitwasyong hindi umaayon sa ating inaasahan.

"๐™„ ๐™–๐™ข ๐™ง๐™ž๐™œ๐™๐™ฉ๐™š๐™ค๐™ช๐™จ ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ก๐™ก ๐™ˆ๐™ฎ ๐™ฌ๐™–๐™ฎ๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™™ ๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ก๐™ก ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฉ ๐™„ ๐™™๐™ค." โ€” ๐™‹๐™จ๐™–๐™ก๐™ข 145:17

Ngunit ipinapaalala sa atin ng talatang ito na matuwid ang Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa at mabuti Siya sa lahat ng Kanyang nilikha.

Maaaring hindi natin maintindihan ang Kanyang mga paraan, ngunit maaari tayong patuloy na magtiwala sa Kanyang pagkatao. Hindi lahat ng nangyayari ay madali o kaaya-aya, ngunit maaari tayong kumapit sa katotohanang ang Diyos ay makatarungan at mahabagin.

Kaya sa mga araw na marami tayong tanong, piliin pa rin nating manalangin, magtiwala, at maghintay nang may pananampalataya. Hindi man natin maunawaan ang lahat ng Kanyang ginagawa, maaari tayong magtiwala sa Kanyang kabutihan. โœจ

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–Panibagong buwan na naman ang ipinagkaloob sa atin ng Diyos! Sa pagbubukas ng Oktubre, magpasalamat ta...
01/10/2026

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–

Panibagong buwan na naman ang ipinagkaloob sa atin ng Diyos! Sa pagbubukas ng Oktubre, magpasalamat tayo sa Kanyang paggabay sa mga nagdaang buwan at salubungin ang panibagong simula nang may pananampalataya.

" ๐™„ ๐™–๐™ข ๐™ฉ๐™๐™š ๐™š๐™ซ๐™š๐™ง๐™ก๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ค๐™™." โ€” ๐™‹๐™จ๐™–๐™ก๐™ข 90:2

Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa mga susunod na araw. Maaaring may mga bagong hamon, panalanging patuloy na hinihintay, at mga pangarap na nais nating makamit. Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong dala ng panahon, may isang bagay tayong tiyak na mapanghahawakan ang ating Diyos ay walang hanggan at hindi nagbabago.

Ang Diyos na naging sandigan natin kahapon ay Siya ring Diyos na maaari nating pagkatiwalaan ngayon at sa mga darating pang araw.

Kaya sa pagsisimula ng Oktubre, huwag tayong pangunahan ng takot sa hinaharap. Sa halip, humakbang tayo nang may pag-asa, pasasalamat, at pananalig sa Kanya. โœจ

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–Sa huling araw ng Setyembre, maaari nating balikan ang mga araw na lumipas, ang mga panalanging nasago...
30/09/2026

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–

Sa huling araw ng Setyembre, maaari nating balikan ang mga araw na lumipas, ang mga panalanging nasagot, mga bagay na hinihintay pa rin, at mga pagkakataong hindi naging ayon sa ating plano.

Ngunit isang bagay ang nananatiling pareho, tapat ang Diyos sa Kanyang mga pangako.

"๐™„ ๐™๐™–๐™ซ๐™š ๐™ฉ๐™๐™š ๐™–๐™—๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ฉ๐™ค ๐™™๐™ค ๐™–๐™ก๐™ก ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฉ ๐™„ ๐™๐™–๐™ซ๐™š ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ข๐™ž๐™จ๐™š๐™™." โ€” ๐™๐™ค๐™ข๐™–๐™ฃ๐™จ 4:20-21

Maaaring may mga bagay na hindi pa natin nakikita ang katuparan. Maaaring may mga panalangin pa rin tayong hinihintay. Pero sa pagtatapos ng buwang ito, piliin nating iwan ang Setyembre na may pusong nagtitiwala.

Kung kaya ng Diyos na dalhin tayo hanggang sa huling araw ng buwan, kaya rin Niyang pangunahan tayo sa mga susunod na araw. โœจ

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–Maraming bagay sa mundo ang pansamantala. Ang mga bagay na pinaghihirapan natin ngayon ay maaaring mag...
29/09/2026

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–

Maraming bagay sa mundo ang pansamantala. Ang mga bagay na pinaghihirapan natin ngayon ay maaaring magbago, mawala, o maiwan natin balang araw.

"๐™”๐™ค๐™ช ๐™๐™–๐™ซ๐™š ๐™–๐™ฃ ๐™š๐™ซ๐™š๐™ง๐™ก๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™๐™š๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™ง๐™š๐™จ๐™š๐™ง๐™ซ๐™š๐™™ ๐™ž๐™ฃ ๐™๐™š๐™–๐™ซ๐™š๐™ฃ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™ฎ๐™ค๐™ช." โ€” 1 ๐™‹๐™š๐™ฉ๐™š๐™ง 1:3-4

Pero ipinapaalala sa atin ng Diyos na may mana na hindi nasisira, hindi kumukupas, at nakalaan para sa atin sa langit.

Kaya habang ginagawa natin ang ating mga responsibilidad dito sa mundo, huwag nating kalimutang ang buhay ay higit pa sa mga bagay na nakikita natin. Manatili tayong tapat sa Diyos, panghawakan ang ating pananampalataya, at mamuhay nang may pag-asa.

Maaaring hindi natin hawak ang lahat ng bagay sa buhay na ito, pero may pangakong naghihintay sa atin sa piling ng Diyos. โœจ

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–May mga pagkakataong parang malakas ang kasamaan at tila mahirap itong harapin. Pero ipinapaalala sa a...
28/09/2026

๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—ข๐——๐—”๐—ฌ!! ๐Ÿ“–

May mga pagkakataong parang malakas ang kasamaan at tila mahirap itong harapin. Pero ipinapaalala sa atin ng Salita ng Diyos na hindi kasamaan ang may huling salita.

"๐™„ ๐™ฌ๐™ž๐™ก๐™ก ๐™จ๐™ค๐™ค๐™ฃ ๐™˜๐™ง๐™ช๐™จ๐™ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™š๐™ซ๐™ž๐™ก ๐™ค๐™ฃ๐™š ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™š๐™ง ๐™ฎ๐™ค๐™ช๐™ง ๐™›๐™š๐™š๐™ฉ." โ€” ๐™๐™ค๐™ข๐™–๐™ฃ๐™จ 16:20

Tinatawag tayo na manatiling matatag sa pananampalataya, umiwas sa masama, at patuloy na piliin ang mabuti. Hindi natin kailangang mamuhay sa takot, dahil ang Diyos ay kasama natin at Siya ang may kapangyarihan laban sa kasamaan.

Kaya sa bawat pagsubok, manatiling malapit sa Diyos. Magtiwala sa Kanyang kapangyarihan at patuloy na mamuhay ayon sa Kanyang kalooban. โœจ

28/09/2026

"๐‘ต๐’‚๐’˜๐’‚ ๐’Œ๐’†๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’Š ๐’•๐’‚๐’Ž๐’– ๐’‚-๐’‚๐’…๐’๐’‘๐’• ๐’•๐’‚๐’Ž๐’– ๐’Š๐’•๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’– ๐’๐’‚ ๐’๐’Š๐’•๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’…๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’๐’‚๐’Œ ๐’‚๐’• ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ˆ ๐’”๐’–๐’๐’–๐’… ๐’๐’‚ ๐’๐’Š๐’•๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’–๐’Ž๐’–๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’๐’‚๐’Œ" - ๐‘บ๐’Š๐’”. ๐‘ฉ๐’๐’†๐’”๐’”

Sa Matthew 21:23โ€“32, ikinuwento ni Jesus ang tungkol sa dalawang anak na tinawag ng kanilang ama upang magtrabaho sa ubasan. Ang una ay tumanggi, ngunit kalaunan ay nagsisi at sumunod. Ang ikalawa naman ay nagsabing โ€œOpo,โ€ ngunit hindi naman nagpunta.

Minsan, maaari tayong maging katulad ng isa sa kanila, magagandang salita ngunit kulang sa pagkilos, o maaaring nagkamali sa simula ngunit piniling magbago at sumunod.

Panoorin ang takeaways ni Sis. Katrina Bless mula sa sermon at pagnilayan ang mensahe ng Matthew 21:23โ€“32.

Hindi perpekto ang mahalaga, ang pusong handang magsisi, magbago, at sumunod sa Diyos. โœจ

Address

12th Avenue Unisite Subdivision. Brgy. Del Pilar, City Of San Fernando, Pampanga
San Fernando
2000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The United Methodist Church Hebron posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share