25/08/2026
MGA BAGAY NA DAPAT ISA-ISIP NG ISANG MANANAMPALATAYA
•1 Pedro 4:12-19
Napakahalagang malaman ito ng bawat isa upang maging handa na tayo sa nasasapitin bilang isang mananampalataya.
Upang malaman natin na ang buhay pananampalataya ay hindi puro enjoyment o “bed of roses”
Napakahalaga na inaasahan na natin ito.
MGA BAGAY NA DAPAT ISA-ISIP NG ISANG MANANAMPALATAYA:
1) MAY PAGSUBOK
•1 Pedro 4:12-13
12 Mga minamahal, huwag ninyong isipin na wari bang hindi pangkaraniwan ang matinding pagsubok na inyong dinaranas. Huwag ninyong isipin na tila baga hindi pangkaraniwan ang nangyayari sa inyo.
13 Magalak kayo na kayo ay naging bahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Kapag nahayag na ang kaniyang kaluwalhatian labis kayong magagalak.
A. Ito’y pangkaraniwan (Mangyayari ito sa lahat—hindi ito kakaiba.)
B. Ito’y hindi pinagtatakhan.
C. Ito’y dapat ikagalak
2) MAY PANGUNGUTYA (PERSECUTIONS)
•1 Pedro 4:14-16
14 Kapag kayo ay inalipusta dahil sa pangalan ni Cristo, pinagpala kayo sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nananahan sa inyo. Sa ganang kanila, siya ay inalipusta, ngunit sa ganang inyo siya ay pinarangalan. 15 Huwag magdusa ang sinuman sa inyo bilang mamamatay tao, o magnanakaw, o gumagawa ng masama o mapanghimasok sa gawain ng iba. 16 Ngunit bilang isang mananampalataya huwag ikahiya ninuman kung siya ay magdusa. Sa halip, purihin niya ang Diyos sa bagay na ito.
A. Ito’y tanda ng Banal na Espiritu
B. Ito’y hindi dapat ikinahihiya
C. Ito’y dapat nating ipagpasalamat
3) MAY PAGTUTUWID
•1 Pedro 4:17-19
17 Ito ay sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa sambahayan ng Diyos. Ngunit kung sa atin ito nagsimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga taong sumusuway sa ebanghelyo ng Diyos?
18 At kung ang kaligtasan ay mahirap para sa matuwid, ano kaya ang magiging kalagayan ng hindi kumikilala sa Diyos at ng makasalanan?
19 Kaya ang mga nagbabata dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay italaga nila ang kanilang kaluluwa sa Kaniya na matapat na Manglilikha at magpatuloy sa paggawa ng mabuti.
•Hebreo 12:7
Tiisin ninyo ang lahat ng hirap bilang pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y tinatanggap ng Diyos bilang tunay niyang mga anak. Sinong anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama?"
*May tiisin tayo dahil tayo’y itinuring Niyang anak.
A. Patuloy na MAGTIWALA sa Panginoon.
B. Patuloy na GUMAWA ng mabuti.
C. Patuloy na MANAMPALATAYA sa Panginoon.
PAGDANAS NG HIRAP SA PAGIGING ISANG KRISTIYANO
•1 Pedro 4:12-19
12 Mga minamahal, huwag ninyong isipin na wari bang hindi pangkaraniwan ang matinding pagsubok na inyong dinaranas. Huwag ninyong isipin na tila baga hindi pangkaraniwan ang nangyayari sa inyo.
13 Magalak kayo na kayo ay naging bahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Kapag nahayag na ang kaniyang kaluwalhatian labis kayong magagalak. 14 Kapag kayo ay inalipusta dahil sa pangalan ni Cristo, pinagpala kayo sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nananahan sa inyo. Sa ganang kanila, siya ay inalipusta, ngunit sa ganang inyo siya ay pinarangalan. 15 Huwag magdusa ang sinuman sa inyo bilang mamamatay tao, o magnanakaw, o gumagawa ng masama o mapanghimasok sa gawain ng iba. 16 Ngunit bilang isang mananampalataya huwag ikahiya ninuman kung siya ay magdusa. Sa halip, purihin niya ang Diyos sa bagay na ito. 17 Ito ay sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa sambahayan ng Diyos. Ngunit kung sa atin ito nagsimula, ano kaya ang magiging wakas ng mga taong sumusuway sa ebanghelyo ng Diyos?
18 At kung ang kaligtasan ay mahirap para sa matuwid, ano kaya ang magiging kalagayan ng hindi kumikilala sa Diyos at ng makasalanan?
19 Kaya ang mga nagbabata dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay italaga nila ang kanilang kaluluwa sa kaniya na matapat na Manglilikha at magpatuloy sa paggawa ng mabuti.