29/05/2026
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗: 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔, 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗡𝗔𝗞, 𝗢 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗠𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗜𝗡𝗢 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗢 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗔
Alinsunod sa City Ordinance No. 2009-015, ang mga burial niche sa pampublikong sementeryo ay may sapat lamang na limang (5) taong kontrata ng upa (lease contract) at walang renewal. Dahil dito, ang Pamahalaang Lungsod ng San Fernando ay magpapatupad ng clearing, exhumation, at transferring simula Mayo 27, 2029, depende sa petsa ng verification.
Kaugnay nito, inaanyayahan po ang lahat ng may mga yumaong kamag-anak na nakalibing nang 5 taon o higit pa na makipag-ugnayan muna sa City Health Office-Environmental Health and Sanitation Division (CHO-EHSD) na matatagpuan sa City Hall Building para sa tamang pagpapatunay (verification), dokumentasyon, at pagsasaayos ng paglilipat ng mga labi sa bone ossuary.
𝗠𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗧𝗔𝗟𝗬𝗘:
• 𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗲𝘁𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻: Mayo 25, 2026
• 𝗢𝗿𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮: Lunes hanggang Huwebes, 8:00 AM hanggang 7:00 PM
• 𝗟𝗼𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻: Ground Floor, City Hall Building, Sto. Rosario, CSFP
• 𝗣𝗮𝗹𝘂𝗴𝗶𝘁: Mayroon lamang 72 oras ang pamilya matapos mapatunayang tapos na ang kontrata upang ilipat ang labi sa permanenteng ossuary
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: Ang mga labi na hindi maaayos o maililipat ng pamilya matapos ang itinakdang palugit at sapat na abiso ay kusang ililipat (summary transfer) ng pamahalaan sa common bone ossuary alinsunod sa mga batas sa sementeryo at sanitation regulations ng Pilipinas.
#𝙁𝙚𝙧𝙣𝙖𝙣𝙙𝙞𝙣𝙤𝙆𝙖𝙆𝙖𝙮𝙖𝙗𝙚𝙆𝙖
https://www.facebook.com/share/p/16oS23VoDz/