Kapilya de San Mauricio - ACC San Fernando, Pampanga District

Kapilya de San Mauricio - ACC San Fernando, Pampanga District Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapilya de San Mauricio - ACC San Fernando, Pampanga District, Religious organisation, Sitio salapungan, San Fernando.

Ave Maria Purisima,Ang kanyang Kabunyian, Arsobispo Juan Apostol Santiago ll ay dadalaw sa ating Distrito. Ang pagbisita...
17/01/2026

Ave Maria Purisima,

Ang kanyang Kabunyian, Arsobispo Juan Apostol Santiago ll ay dadalaw sa ating Distrito. Ang pagbisitang ito ay isang sandali ng biyaya at pagkakaisa habang nakikipagpanayam ang Arsobispo sa ating kaparian, mga pinunong layko, at mga tapat na Kristiyano. Ang lahat ay malugod na inaanyayahang lumahok sa mga liturhikong pagdiriwang at mga gawaing pastoral sa panahong ito.

Venue:
Immaculada Concepcion Chapel
(Tenejero, Candaba, Pampanga)
Date :
January 18, 2026 ( SUNDAY )
Time
: 8:00 AM Onwards
Program:
• Holy Rosary
• Registration
• Holy Mass
• General Assembly

Isama natin ang pagdalaw pastoral na ito sa ating mga panalangin at magsama-sama tayo bilang mga tinatakan ng Mahal na Ingkong.

Please Support our lovely candidate SIS. LEONIE G. DEL PILAR APO ERWINA DE SIENA
29/12/2025

Please Support our lovely candidate
SIS. LEONIE G. DEL PILAR
APO ERWINA DE SIENA

Proudly Presenting Our Golden Lady Candidates!
With grace, faith, and the beauty of service, proudly presenting our Golden Lady Candidate—a true reflection of dignity, compassion, and commitment to mission inspired by St. Maria Virginia!
Let us come together and show our full support on December 30 at Novotel.
Viva St. Maria Virginia!

Maligayang pasko sa ating lahat! 🌟Si Hesus ay muling isinilang at atin ipinagdiriwang ang kaniyang pagdating. Tayo ay ma...
25/12/2025

Maligayang pasko sa ating lahat! 🌟

Si Hesus ay muling isinilang at atin ipinagdiriwang ang kaniyang pagdating. Tayo ay mag saya at mag umawit upang ibahagi ang ating kasiyahan sa kanyang pag silang sakanya ng ating Mahal na Ina. Tayong lahat ay mag tipon tipon kasama ang ating mga pamilya. Mag mano, mag pasalamat, at mag patawad tayo sa mga taong may tinatago tayong mga hinanakit o tampo. Nawa ang ating mga puso ay puno ng pag mamahal at kasiyahan dahil ang pasko ay pagasa muli na mag simula ng panibago. Atin pong batin ang isa't isa ng Maligayang pasko pati sa mga ating kapamilyang asa ibang panig ng mundo. Gamitin nating daan si Hesus upang makapag simula ng panibago! Maligayang pasko po sa ating lahat! 🌟

Ave Maria Purissima...Cin Pecado Consuvida...Magandang gabi po sa ating lahat at atin pong ipinagdiriwang ang ika-walong...
23/12/2025

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Magandang gabi po sa ating lahat at atin pong ipinagdiriwang ang ika-walong gabi ng simbang gabi at atin pong pinagdiriwang ito sa ating kapilya. Ang mabuting aral ay ibinahagi mula sa aklat ni propeta Malakias.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias

"Itaas n'yo ang paningin, kaligtasa'y dumarating."

Narito ang pahayag ng Makapangyarihang Panginoon, "Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipahahayag ang aking tipan."
Ngunit sino ang makatatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang makahaharap pag siya'y napakita na? Siya'y parang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang matapang na sabon. Darating siya para humatol at dadalisayin niya ang mga saserdote, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Sa gayon,magiging karapat-dapat silang maghandog sa Panginoon, at ang mga handog na dadalhin ng mga taga-Juda at Jerusalem ay magiging kalugud-lugod sa kanya, tulad ng dati, Ngunit bago dumating ang nakahihindik na araw ng Panginoon, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. Muling magkakalapit ang loob ng mga ama't mga anak. Kung hindry mapipilitan akong pumariyan at wasakin ang inyong bayan.

Ang salita ng Diyos
- Salamat sa Diyos 🙏🏻✝️

Aleluya! Aleluya!
Hari't batong panulukang
Saligan ng Sambayanan,
halina't kami'y idangal.
Aleluya! Aleluya!

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Ave Maria Purissima...Cin Pecado Consuvida...Magandang gabi po sa ating lahat at atin pong ipinagdiriwang ang ika-pitong...
22/12/2025

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Magandang gabi po sa ating lahat at atin pong ipinagdiriwang ang ika-pitong gabi ng simbang gabi at atin pong pinagdiriwang ito sa ating kapilya. Ang mabuting aral ay ibinahagi mula sa aklat ni propeta Isaias at mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma.

Unang pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias.

"Ang Panginoo’y darating, s’ya’y dakilang Hari natin."

Noong mga araw na iyon, ipinasabi ng Panginoon kay Acaz: “Humihingi ka sa akin ng palatandaan, maging sa kalaliman ng kinaroroonan ng mga yumao o sa kaitaasan ng langit.” Sumagot si Acaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko susubukin ang Panginoon.”
Sinabi ni Isaias:
“Pakinggan mo, sambahayan ni David, Kulang pa ba ang galitin ninyo ang mga tao na pati ang aking Diyos ay inyong niyayamot? Kaya nga ang panginoon na rin ang magbibigay ng palatandaan:
Maglilihi ang isang dalaga At manganganak ng lalaki
At ito’y tatawaging Emmanuel.”

Ang salita ng Diyos.
- Salamat sa Diyos.

Ikalawang pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma.

Mula kay Pablo na alipin ni Kristo Hesus, tinawag upang maging apostol at hinirang upang mangaral ng Mabuting Balita
ng Diyos. Sa inyong lahat na minamahal ng Diyos na nangariyan
sa Roma, na tinawag upang maging mga banal:
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos
na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.
Ang Mabuting Balitang ito, na ipinangako niya noon pang una sa pamamagitan ng mga propeta at nasasaad sa mga banal na kasulatan, ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo. Sa kanyang pagiging tao, siya’y ipinanganak mula sa lipi ni David, at sa likas na kabanalan ng kanyang Espiritu, ipinahayag siyang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng makapangyarihang gawa – ang kanyang muling pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, tinanggap naming sa Diyos ang kaloob na maging apostol upang ang lahat ng bansa ay akayin sa pananampalataya at pag sunod sa kanya. Kabilang din kayo sa mga tinawag na maging taga sunod ni Hesukristo.

Ang salita ng Diyos.
- Salamat sa Diyos.

Aleluya! Aleluya!
Maglilihi ang dalaga
Lalaking isisilang n’ya’y
Emmanuel na Poong sinta.
Aleluya! Aleluya!

Ang salita ng Diyos
- Salamat sa Diyos 🙏🏻✝️

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Ave Maria Purissima...Cin Pecado Consuvida...Magandang gabi po sa ating lahat at atin pong ipinagdiriwang ang ika-anim g...
22/12/2025

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Magandang gabi po sa ating lahat at atin pong ipinagdiriwang ang ika-anim gabi ng simbang gabi at atin pong pinagdiriwang ito sa ating kapilya. Ang mabuting aral ay ibinahagi mula sa unang aklat ni Samuel

"Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas."

Noong mga araw na iyon, nang maawat na si Samuel, dinala siya ng kanyang ina sa Templo sa Silo. Nagdala pa siya ng isang torong tatlong taon, tatlumpu’t anim na litrong harina at isang pitsel ng alak. Nang maihandog na ang baka, dinala nila kay Eli ang bata. Sinabi ni Ana, “Kung natatandaan nino, ako po yaong babaing tumayo sa tabi ninyo noon at nanalangin sa Panginoon. Idinalangin ko sa kanya na ako’y pagkalooban ng anak at ito po ang ibinigay niya sa akin. Kaya naman po, inihahandog ko siya sa Panginoon upang maglingkod sa kanya habang buhay.” Pagkatapos nito, Nagpuri sila sa Panginoon.

Ang salita ng Diyos
- Salamat sa Diyos 🙏🏻✝️

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Ave Maria Purissima...Cin Pecado Consuvida...Magandang gabi po sa ating lahat at atin pong ipinagdiriwang ang ika-limang...
20/12/2025

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Magandang gabi po sa ating lahat at atin pong ipinagdiriwang ang ika-limang gabi ng simbang gabi at atin pong pinagdiriwang ito sa ating kapilya. Ang mabuting aral ay ibinahagi mula sa aklat ni propeta Sofonias.

"Panginoo’y papurihan ng tapat n’yang sambayanan."

Umawit ka ng malakas, Lunsod ng Sion; sumigaw ka Israel! Magalak ka nang lubusan, Lunsod ng Jerusalem!
Ang mga nagpaparusa sa iyo ay inalis na ng Panginoon, at itinapon niya ang inyong mga kaaway. Nasa kalagitnaan mo ang Hari ng Israel, ang Panginoon; wala nang kasawiang dapat pang katakutan. Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem: “Huwag kang matakot, Sion; Huwag manghina ang iyong loob. Nasa piling mo ang Panginoong iyong Diyos, parang bayaning nagtagumpay; makikigalak siya sa iyong katuwaan, babaguhin ka ng kanyang pag-ibig; at siya’y masayang aawit sa laki ng kagalakan, gaya ng nagdiriwang sa pista.”

Ang salita ng Diyos
- Salamat sa Diyos 🙏🏻✝️

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Ave Maria Purissima...Cin Pecado Consuvida...Atin pong ipinagdiriwang ang ika-apat na gabi ng simbang gabi at atin pong ...
18/12/2025

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Atin pong ipinagdiriwang ang ika-apat na gabi ng simbang gabi at atin pong pinagdiriwang ito sa ating kapilya. Ang mabuting aral ay ibinahagi mula sa aklat ni propeta Isaias.

"Ang Panginoo’y darating, s’ya’y dakilang Hari natin."

Noong mga araw na iyon, ipinasabi ng Panginoon kay Acaz: “Humingi ka sa akin ng palatandaan, maging sa kalaliman ng Sheol o sa kaitaasan ng langit.” Sumagot si Acaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko susubukin ang Panginoon.” Sinabi ni Isaias: “Pakinggan mo, sambahayan ni David, kulang pa ba ang galitin ninyo ang mga tao na pati ang aking Diyos ay inyong niyayamot? Kaya nga’t ang Panginoon na rin ang magbibigay ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng lalaki at ito’y tatawaging Emmanuel.”

Ang salita ng Diyos
- Salamat sa Diyos 🙏🏻✝️

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Ave Maria Purissima...Cin Pecado Consuvida...Atin pong ipinagdiriwang ang ika-tatlong gabi ng simbang gabi at atin pong ...
17/12/2025

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Atin pong ipinagdiriwang ang ika-tatlong gabi ng simbang gabi at atin pong pinagdiriwang ito sa ating kapilya. Ang mabuting aral ay ibinahagi mula sa aklat ng mga Hukom.

"Lagi kong papupurihan ang iyong kapangyarihan."

Sa bayan ng Zora ay may isang lalaki na ang pangalan ay Manoa, kabilang sa lipi ni Dan. Ang asawa niya ay hindi magkaanak. Minsan, napakita sa babae ang anghel ng Panginoon, at sinabi, "Hanggang ngayo'y wala kang anak. Ngunit hindi magtatagal, maglilihi ka at manganganak. Mula ngayon ay huwag kang iinom ng anumang uri ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain. Kung maipanganak mo na siya, huwag mong papuputulan ng buhok pagkat mula pa sa kanyang pagsilang ay itatalaga na siya sa Diyos, Siya ang magsisimulang magligtas sa Israel mula sa mga Ang babae'y lumapit sa kanyang asawa at kanyang sinabi, Napakita sa akin ang isang propeta ng Diyos, parang anghel Ainikilabutan ako! Hindi ko tinanong kung tagasaan siya at hindi naman niya sinabi kung sino siya. Huwag daw akong iinom ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain pagkat ang sanggol naisisilang ko'y itatalaga sa Diyos," Dumating ang araw at nanganak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson. Lumaki ang bata na patuloy na pinagpapala ng Panginoon. Ang Espiritu ng Panginoon ay lumukob kay Samson.

Ang salita ng Diyos.
- Salamat sa Diyos 🙏🏻✝️

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Ave Maria Purissima...Cin Pecado Consuvida...Atin pong pinagdiriwang ang ikalawang gabi ng simbang gabi sa ating kapilya...
16/12/2025

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Atin pong pinagdiriwang ang ikalawang gabi ng simbang gabi sa ating kapilya. Ang mabuting aral ay ibinahagi ni Propeta Jeremias mula sa kaniyang aklat.

"Mabubuhay s'yang marangal at sasagana kailanman. "

"Nalalapit na ang araw,” sabi ng Panginoon, “na pasisibulin ko mula sa lahi ni David ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari. Paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan. Magiging matiwasay ang Juda sa panahon ng kanyang pamamahala, at ang Israel ay mapayapang mamumuhay. Ito ang pangalang itatawag sa kanya: 'Ang Panginoon ay Matuwid." Sinasabi ng Panginoon, "Darating nga ang panahon na ang mga tao'y di na manunumpa nang ganito: 'Nariya't buhay ang Panginoong nagpalaya sa Israel mula sa Egipto.' Sa halip, sasabihin nila, 'Saksi ko ang Panginoon na nagpalaya sa mga Israelita mula sa lupain sa hilaga at sa lahat ng lupaing pinagtapunan ko sa kanila. Babalik sila sa sariling lupa at doon muling mamumuhay."

Ito ang salita ng diyos.
- Salamat sa Diyos 🙏🏻✝️

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Ave Maria Purissima...Magandang gabi po sa ating lahat. Ang unang araw po ng simbang gabi ay nag simula na at atin pong ...
15/12/2025

Ave Maria Purissima...

Magandang gabi po sa ating lahat. Ang unang araw po ng simbang gabi ay nag simula na at atin pong pinagdiriwang ito sa ating kapilya.

Ayon sa pagbasa mula sa aklat ng Genesis; Tinawag at kinausap ni Jacob ang kaniyang mga anak at sinabi: "Kayo mga anak, magsilapit sa akin, akong inyong ama ay sumandaling dinggin. Ikaw, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng Ina mong mahal, hawak mo sa leeg ang iyong kaaway, lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang. Mabangis na leon, ang iyong larawan, muling nagkukubli matapos pumatay; ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay, walang mangangahas lumapit sinuman. Hawak niya'y setrong tuon sa paanan, sagisag ng lakas at kapangyarihan; ito'y tataglayin hanggang sa dumatal ang tunay na Haring dito'y magtatangan."

Ito Ang Salita ng Diyos.
- Salamat sa Diyos..

Ave Maria Purissima...
Cin Pecado Consuvida...

Ave Maria Purissima! Malugod po naming inaanyayahan ang bawat isa!Ngayong Unang Gabi ng Simbang Gabi, halina’t makibahag...
15/12/2025

Ave Maria Purissima!

Malugod po naming inaanyayahan ang bawat isa!

Ngayong Unang Gabi ng Simbang Gabi, halina’t makibahagi sa banal na pagdiriwang at sama-sama nating ihanda ang ating mga puso para sa dakilang Kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo.

Ialay natin ang ating mga dasal, pasasalamat, at panalangin upang maranasan ang kakaibang kapayapaan at pag-asa na hatid ng Banal na Misa. Ito ang ating pagkakataon upang magpanibago ng pananampalataya at makiisa bilang isang sambayanan.

Halina't makidalo at makiisa sa pagsalubong kay Hesus!

Sa mga nag-nanais mag alay ng kanilang panalangin, maari po nating matawagan o makausap si Fr. Delfin OMHS ( 09125591944 )

Address

Sitio Salapungan
San Fernando
2001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya de San Mauricio - ACC San Fernando, Pampanga District posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share