08/08/2022
TEMPORARY LANG ANG LAHAT.
Tama! Kahit sino kapa, mamatay ka sa mundong ito. Ngunit kapag tinanggap mo si "Jesus" bilang Panginoon at Taga-pagligtas ng Buhay mo at mamumuhay ka para sa kanya at hindi para sa sarili mo, magtatamo ka ng Buhay na walang hanggan kasama ang Diyos sa kabilang buhay.
Kaya sabi ni Lord ang higit na paghandaan at pahalagahan natin ay ang pagtapos ng pagkamatay dito sa lupa.
(Kasing kahulugan Colosas 3:2
Paghandaan natin ang patutunguhan ng ating kaluluwa kung sa Buhay na walang hanggan o sa Kaparusahang walang hanggan ba? Langit o impyerno? Diyos o diyablo?
Kung ano man meron tayo ngayon na mabuting bagay ay nagmula lamang sa Diyos ayon sa kanyang banal na salita. Kung meron tayong ipagmamalaki sa buhay natin walang iba kundi ang kabutihan ng Diyos .
Sa ganon siya ay mapaparangalan at mapupuri dahil sa kanyang kadakilaan at kapangharihan. Walang ibang ipagmamalaki kundi ang Diyos lang.
Mateo 24:26
Makamtan man ng Tao ang lahat ng bagay o kayamanan sa mundong ito kung mapapahamak naman ang kanyang kaisa isang kaluluwa, wala ring kabuluhan lahat ng ito.
GLORY TO GOD☝️