19/08/2026
𝗦𝗧𝗢. 𝗡𝗜𝗡̃𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗜𝗦𝗛, 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗡𝗗𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡 ⛪️🤝
Ipinagbibigay-alam ng lokal na pamahalaan ng Syudad San Fernando na naglunsad ng isang fundraising activity ang Sto. Niño Parish sa lungsod para sa pagsasaayos ng simbahan.
Ayon sa Parokya ng Sto. Niño, handa na mula pa noong mga nakaraang buwan ang plano para sa Upgrading and Renovation Project ng simbahan.
Higit na kailangan na ito ngayon bunga ng naranasang pagbaha dulot ng Habagat, dahil ang ilang mga gamit sa loob ay naapektuhan din umano.
Sa mga nais magbahagi ng kanilang donasyon, maaaring makipag-ugnayan sa PPC at PFC Officers ng Simbahan at sa mismong opisina ng Parokya sa Barangay Sto. Niño, San Fernando.
Maaari ring direktang ipadala ang donasyon sa GCash Account ni Rev. Fr. Victor Nicdao, Kura Paroko ng Sto. Niño: 09189018010
“𝘕𝘨𝘦𝘯𝘪 𝘱𝘢 𝘮𝘶, 𝘣𝘢𝘣𝘪𝘦 𝘮𝘪 𝘯𝘢’𝘵 𝘱𝘢𝘺𝘢𝘣𝘶𝘵 𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘮𝘪𝘦 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘮𝘪𝘦 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘰𝘯𝘢𝘴𝘺𝘶𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘳𝘰𝘬𝘺𝘢 𝘵𝘢𝘮𝘶. 𝘐𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘢 𝘕𝘪𝘯̃𝘰 𝘏𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘬𝘢𝘮𝘣𝘦 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘨 𝘐𝘯𝘥𝘶𝘯𝘨 𝘉𝘪𝘳𝘩𝘦𝘯 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢, 𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘱𝘶 𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘭𝘢𝘴 𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘦𝘬𝘢𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘶. 𝘋𝘢𝘬𝘢𝘭 𝘱𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵! 𝘈𝘣𝘦-𝘢𝘣𝘦. 𝘮𝘪𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘥𝘪 𝘢𝘵 𝘮𝘪𝘴𝘢𝘶𝘱𝘴𝘢𝘶𝘱 𝘵𝘢𝘮𝘶!” — Sto. Niño Parish
𝗦𝗘𝗘 𝗙𝗨𝗟𝗟 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 𝗛𝗘𝗥𝗘: https://www.facebook.com/share/p/1TU3NDwuHw/?mibextid=wwXIfr
#𝙁𝙚𝙧𝙣𝙖𝙣𝙙𝙞𝙣𝙤𝙆𝙖𝙆𝙖𝙮𝙖𝙗𝙚𝙆𝙖