Crusaders of the Divine Church of Christ Philippines Inc.

Crusaders of the Divine Church of Christ Philippines Inc. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Crusaders of the Divine Church of Christ Philippines Inc., Religious organisation, Nibaliw Magliba, San Fabian.

๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐›๐ข๐ ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐๐š๐ฌ๐š๐ง๐ข๐งNi: Msgr. Lito F. Castillo Ilocos Sur-Abra Archdiocese May isang masikap na...
14/08/2026

๐€๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐›๐ข๐ ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐๐š๐ฌ๐š๐ง๐ข๐ง
Ni: Msgr. Lito F. Castillo
Ilocos Sur-Abra Archdiocese

May isang masikap na mangangalakal na may alagang a**o. Madalas silang maglakbay papunta sa baybayin upang bumili ng asin, na siyang ipinapasan ng a**o sa kanyang likod habang sila ay umuuwi sa kanilang bayan. Mabigat ang kanyang karga, ngunit matiisin niyang binubuhat ito araw-araw hanggang sa may isang pangyayaring nagpabago sa kanyang pananaw.

Isang araw, habang tumatawid sila sa isang mababaw na ilog, aksidenteng nadapa ang a**o at nahulog sa tubig. Nang makatayo siya, napansin niyang naging magaan ang kanyang pasan. Natunaw pala sa tubig ang malaking bahagi ng asin kaya nabawasan ang bigat nito. Dahil dito, natuwa siya at naisip niyang magandang paraan iyon upang gumaan ang kanyang trabaho.

Sa kanilang sumunod na biyahe, muli siyang pinapasan ng mabigat na kargamento. Pagsapit nila sa ilog, sinadya niyang madulas at mabasa ang kanyang dala. Tulad ng inaasahan niya, natunaw na naman ang asin at naging mas magaan ang kanyang pasan. Dahil dito, inisip niyang nakadiskubre siya ng madaling paraan upang makaiwas sa hirap ng kanyang tungkulin.

Napansin ng mangangalakal ang paulit-ulit na pagbagsak ng a**o sa ilog at naunawaan niya ang tusong ginagawa nito. Kaya sa susunod nilang pagpunta sa baybayin, hindi asin ang ipinasan niya rito kundi mga tuyong espongha.

Muli nilang tinawid ang ilog. Gaya ng dati, sinadya ng a**o na lumubog sa tubig dahil inaakala niyang gagaan muli ang kanyang pasan. Ngunit nang siya ay bumangon, laking pagtataka niya nang maramdaman na mas mabigat pa ito kaysa dati. Ang mga espongha ay sumipsip ng maraming tubig at dumoble ang kanilang bigat. Dahil dito, halos hindi na niya mabuhat ang kanyang dala at nahirapan siya nang husto sa paglalakad.

Sa karanasang iyon, natutuhan ng a**o na ang pandaraya upang makaiwas sa responsibilidad ay may kapalit na mas mabigat na suliranin. Ang pagtatangkang umiwas sa tungkulin sa maling paraan ay kadalasang nauuwi sa higit pang paghihirap.

Huwag gumamit ng panlilinlang upang takasan ang iyong mga pananagutan. Ang paghahanap ng madaling paraan sa pamamagitan ng daya ay madalas magbunga ng mas mabigat na pasanin. Ang pagiging tapat at masipag sa gawain ay nagdudulot ng tunay na kapayapaan at pagpapala.

๐‚๐ƒ๐Ž๐’, ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐’๐ข๐ ๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ฌ๐ข๐š๐ค๐š๐ง ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซโ€ŽNi: Shiela D. Sinacayโ€ŽNueva Vizcaya Archdioce...
14/08/2026

๐‚๐ƒ๐Ž๐’, ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐’๐ข๐ ๐ฅ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ฌ๐ข๐š๐ค๐š๐ง ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ
โ€ŽNi: Shiela D. Sinacay
โ€ŽNueva Vizcaya Archdiocese
โ€Ž
โ€Žโ€‹Sa gitna ng tahimik at malamig na hapon sa Nansiakan Chapter, Arkdayosis ng Nueva Vizcaya, hindi lamang ang malamig na simoy ng hangin ang nadama ng mga dumalo kundi ang muling pagpukaw sa init ng kanilang pananampalataya.
โ€Ž
โ€Žโ€‹Noong Hunyo 28, 2026, muling nagtipon ang mga miyembro para sa Crusaders Doctrinal Orientation Seminar (CDOS). Para sa mga miyembro ng Nansiakan, ang hapong iyon ay hindi lamang simpleng oryentasyon, kundi isang pagbabalik-tanaw sa kung paano sila unang kinupkop ng Diyos.
โ€Ž
โ€Žโ€‹Dala ang kani-kanilang mga kuwaderno at lapis, masayang pumasok sa simbahan ang iba't ibang sektor ng kongregasyon: Crusaders Officers League (COL), Crusaders Women Sorority (CWS), Crusaders Kabataan Federation (CKF), at Honor Guards.
โ€Ž
โ€Žโ€‹Sa pangunguna ni Rev. Fr. Christoval Pimentel, kura paroko ng chapter, unti-unting nabuksan ang mga pahina ng kaalamang tila naibaon na sa limot ng panahon. Sa bawat bersikulong isinusulat sa kuwaderno, muling nag-alab ang lakas ng loob at kumpiyansa ng bawat isaโ€”isang pagpapatibay na ang pananampalatayang kanilang kinabibilangan ay ang tunay at totoong itinatag ng Diyos. Dahil dito, โ€‹hindi itinago ng mga dumalo ang kanilang kagalakan sa muling pag-aaral ng mga doktrina.
โ€Ž
โ€‹"Malaking pasasalamat dahil naipaalala sa amin ang mga nakalimutan nang turo ng iglesya. Napagtanto ko rin na malaki ang pagbabago ng chapter dahil marami na ang maagang nagsisimba. Maganda itong maulit o kaya ay maisabay tuwing may pagpupulong," ayon sa isang miyembro ng COL.
โ€Ž
โ€Žโ€‹Bitbit din ng isang miyembro ng CWS ang katulad na kagalakan, "Maganda, marami kaming napag-aralan tungkol sa doktrina, pananampalataya, at mga turo ni Apo Lakay, pati na rin tungkol sa pagiging Diyos ng apat na persona. Tuwang-tuwa ako dahil kahit matagal ka nang nagsisimba, marami ka pa palang hindi nalalaman. Sana ay patuloy itong isagawa sa simbahan."
โ€Ž
โ€‹Tanggapin man natin o hindi, ang mga aral na hindi palaging naririnig ay unti-unting nalilimutan sa paglipas ng panahon. Bagaman kulang ang oras upang matalakay ang kabuuan ng mga doktrina, hindi ito naging hadlang upang muling sariwain at pag-alabin ang espirituwal na pundasyon ng bawat miyembro.
โ€Ž
โ€Žโ€‹Ang seminar na ito ay magsisilbing panimula lamang sa patuloy na pagpapatatag at pagpapalalim ng mga aral ng pananampalatayaโ€”mga aral na patuloy na dadaloy sa puso at isipan ng kasalukuyan at ng mga susunod pang henerasyon.
โ€Ž
โ€Ž

๐€๐ง๐  ๐‡๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง: ๐๐š๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฒ๐š๐ ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐šNi: Rev. Fr. Dominador Adi Jr. Tarlac Archdiocese"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’...
14/08/2026

๐€๐ง๐  ๐‡๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง: ๐๐š๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ฒ๐š๐ ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š
Ni: Rev. Fr. Dominador Adi Jr.
Tarlac Archdiocese

"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’๐’ˆ๐’‚ ๐’‚๐’š ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’–๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’‚๐’š๐’๐’” ๐’๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’•๐’Š๐’•๐’Š๐’š๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’‚๐’š๐’‚."

Sa isang tahimik na nayon, nakatira ang isang lalaking nagngangalang Michael siya masipag at mapagkakatiwalaang magsasaka, lagi siyang nakikitaan ng dedikasyon sa kanyang pagtratrabaho, isang mabuting kaibigan at kapitbahay. Isang araw natuklasan ni Michael ang isang halaman na tumubo sa palayan, kaniya na sana itong bubunutin, subalit naalala niya ang nasusulat sa Banal na aklat;

Mga Awit 1:3, "Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay."

Nabatid ni Michael ang nais ipakahulugan sa kaniya ng Diyos, ang kahalagahan ng pagtityaga at pananampalataya sa mga biyayang handog ng Panginoon.

Tandaan, ang kahalagahan ng pagtitiyaga at pananampalataya sa Diyos ay tulad ng isang halamang tumubo sa palayan. Kung ating pangangalagaan at pagtitiyagahan ang halaman ay lalago at pagdakaโ€™y atin itong aanihin. Patunay na sa pamamagitan ng ating pagtitiwala at dedikasyon ay maaari tayong makaranas ng mga biyayang hindi inaasahan. Ang dedikasyon at pananampalataya ni Michael ay naging inspirasyon ng mga kapawa niya magsasaka, sa paglipas ng panahon hindi lamang ang kaniyang taniman ang lumago, kundi pati na rin ang pag-asa at pananampalatay ng kaniyang mga kapwa magsasaka.

๐Œ๐š๐ ๐ค๐š๐ง๐จ ๐ง๐ ๐š ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐จ?Ni:Msgr. Lito F. CastilloIlocos Sur-Abra Archdiocese Si Pahom ay isang mahira...
14/08/2026

๐Œ๐š๐ ๐ค๐š๐ง๐จ ๐ง๐ ๐š ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฉ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐“๐š๐จ?
Ni:Msgr. Lito F. Castillo
Ilocos Sur-Abra Archdiocese

Si Pahom ay isang mahirap na magsasaka na kuntento sa buhay. Ngunit nang marinig niya ang usapan tungkol sa yaman, naisip niyang kung marami lamang siyang lupa, wala na siyang dapat katakutan. Narinig ito ng Diyablo at nagpasyang subukin siya.

Nakapagbili si Pahom ng sariling lupa, ngunit hindi siya nakuntento at patuloy na naghangad ng mas malawak na lupain. Nang marinig niya ang alok ng mga Bashkir, sumang-ayon siya na bumili ng lahat ng lupang malalakaran niya mula pagsikat hanggang paglubog ng araw kapalit ng 1,000 rubles, basta makabalik siya sa pinagsimulan bago lumubog ang araw.

Dahil sa kasakiman, pinalawak ni Pahom ang kanyang nilakaran upang makakuha ng mas maraming lupa. Nang mapansin niyang palubog na ang araw, mabilis siyang tumakbo pabalik.

Nakarating siya sa tamang oras, ngunit dahil sa sobrang pagod ay bumagsak at namatay. Sa huli, anim na talampakang libingan lamang ang kanyang kinailangan.

Ipinapakita ng kuwento na ang kasakiman at labis na paghahangad ng yaman ay maaaring humantong sa kapahamakan.

๐“๐ข ๐”๐›๐ข๐ง๐  ๐š ๐๐š๐ ๐š๐ ๐ž๐ญNi: Rev. Fr. Sandy EpatPangasinan ArchdioceseTi ubing a nagaget,Agdalus iti balay da no sumangpet.Awan...
14/08/2026

๐“๐ข ๐”๐›๐ข๐ง๐  ๐š ๐๐š๐ ๐š๐ ๐ž๐ญ
Ni: Rev. Fr. Sandy Epat
Pangasinan Archdiocese

Ti ubing a nagaget,
Agdalus iti balay da no sumangpet.
Awan pay ti maysa nga oras a malpas,
Ngem napateg ti kinagagetna.

No sumangpet iti balay, alaenna dagus ti kaykay,
Awan pay ti sunay iti paspasna nga agkaykay.
Saan nga agtulaw wenno agsardeng,
Ta kayatna a nalinis ti pagnaedan da.

Ni nanangna, no aglaba isuna,
Isuna ti tumulong a mangpunno iti batia
A pagigawgawan dagiti bado da,
Tapno nalaka ti trabaho ni nanangna.

No isu ket aginana, alaenna ti librona,
Tapno mabasaanna ti lessonna.
Sakbay nga iturogna ti bagina,
Agadal pay tapno ad-adu ti masursurona.

Sakbay a mapan iti eskwela,
Agkararag nga umuna iti Dios nga Apo,
Nga namarsua ken mangtarabay iti amin.
AMA RSM ti nagan nga insursuro dagiti nagannakna,
Ta isu ti pagtalekanda iti tunggal aldaw.

Ti ubing a nagaget ket saan laeng a nasayaat nga anak,
No di ket ulidan iti kinapudno, panagadal, ken panagserbi.
Babaen iti kinagagetna ken panagkararagna,
Isu ket agbalin a bendisyon iti pamilyana
Ken iti amin a tattao a sumango iti biagna.

๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฅ, ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐‹๐š๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐งNi: Msgr. Lito F. CastilloIlocos Sur-Abra ArchdioceseMaliit, payak, at tila walang labis ...
14/08/2026

๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฅ, ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐‹๐š๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐ง
Ni: Msgr. Lito F. Castillo
Ilocos Sur-Abra Archdiocese

Maliit, payak, at tila walang labis na halaga kung titingnan lamang ang butil ng palay. Nakatago ito sa loob ng balat na kulay ginto ngunit upang magbunga, hindi ito maaaring manatiling buo at ligtas. Kailangan nitong mahulog at matabunan ng lupa, dumanas ng lamig ng gabi, init ng araw, at buhos ng ulan.

Kailangan nitong mamatay sa dating anyo upang mabiyak ang balat para lumabas ang munting usbong, at unti-unting tumangkad, maging matibay na tangkay, hanggang sa magkaroon ng marami pang butil na saganang aanihin.

Kung mananatili lamang ito sa kamay, hindi ito lalago ngunit kung ibibigay, itatanim, at titiisin ang hirap sa ilalim ng lupa, ito ay nagiging daan sa buhay at nagbibigay-sustento sa marami.

Ganyan din ang buhay nating may pananampalataya. Ang mga pagsubok, hirap, at sakripisyo ay parang pagtatanim at pagpapalago. Minsan, pakiramdam natin ay nalulubog, nasasaktan, o nawawalan ng sarili, ngunit sa kamay ng dakilang magsasaka, ang lahat ay may layunin. Ang pagpapakumbaba, pagtitiwala, at pagbibigay ng sarili sa Diyos ay nagbubunga ng mabuting gawa, pag-ibig, at buhay na may kabuluhan.

Kaya huwag matakot sa panahon ng paglago at pagsubok. Ang butil ng palay ay nagpapatunay na sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagsuko sa plano ng Panginoon, ang maliit at payak na buhay ay magbubunga ng marami at magiging pagpapala para sa iba.

Ang munting butil ng trigo ay patuloy na nagpapaalala na ang bawat pagbabago at pagsubok ay maaaring maging simula ng isang bagong buhay. Sa tamang panahon, ang pagtitiis, pananampalataya, at pagtitiwala ay nagbubunga ng pag-asa at biyayang hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa kapwa.

Ang butil ng palay ay nagpapaalala na ang pagtitiis ay may gantimpala, at ang pagsuko sa Diyos ay nagbubunga ng buhay. Hindi nawawala ang buhay na iniaalay sa Panginoon. Ito ay lumalago, nagiging mas mabuti, at nagbibigay-buhay sa kapwa.

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก: Prince Dr. Estrellito V. Magliba, CDCCPI Overall Administrator, has officially arrived at the San Leonardo Chap...
14/08/2026

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก: Prince Dr. Estrellito V. Magliba, CDCCPI Overall Administrator, has officially arrived at the San Leonardo Chapter in San Leonardo, Aglipay, Quirino, to extend his blessings and support for the chapterโ€™s Holy Consecration and Inauguration Celebration on August 14โ€“15, 2026.

๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐š๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ฌ๐ฅ๐จ, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐ข๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐šNi: Cliford NituraNueva Vizcaya Arch...
14/08/2026

๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ ๐š๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ฌ๐ฅ๐จ, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐ข๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š
Ni: Cliford Nitura
Nueva Vizcaya Archdiocese

BAMBANG, Nueva Vizcaya โ€” Sa diwa ng pasasalamat at matatag na pananampalataya, ipinagdiwang ng Mabuslo tsapter ang ika-12 anibersaryo nito noong Hulyo 20, na dinaluhan ng mga miyembro, pamilya, at mga panauhin.

Naging tampok sa pagdiriwang ang sama-samang panalangin at pagdalo sa Banal na Misa na pinangunahan ni Msgr. Edmer G. Cafirma, OIC Archbishop, at mga kuraparoko mula sa iba't-ibang tsapter bilang pasasalamat sa Diyos sa Kanyang patuloy na paggabay at mga biyayang ipinagkaloob sa loob ng labindalawang taon.

Matapos ang pagdiriwang sa simbahan, nagtipon naman ang mga miyembro para sa isang masayang salu-salo. Iba't ibang pagkain ang inihanda at pinagsaluhan, na nagsilbing daan upang higit pang mapalakas ang pagkakaibigan, pagkakaisa, at ugnayan ng bawat isa.

Higit pa sa isang simpleng paggunita, naging pagkakataon ang anibersaryo upang ipakita ang matatag na pananampalataya at samahan ng Mabuslo tsapter. Sa bawat panalangin, pagsasalo-salo, at pagkakaisa, muling naipamalas ang diwa ng komunidad na patuloy na naglilingkod at nananampalataya.

Sa pag-abot ng ika-12 taon, patuloy na isinasabuhay ng Mabuslo ang diwa ng pananampalataya, paglilingkod, pagkakaisa, at pagkakaibigan habang sama-samang hinaharap ang mga panibagong taon ng kanilang paglalakbay.

๐”๐ง๐Ÿ๐š๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐‹๐จ๐ฏ๐žBy: Jerry Aguinaldo JrNueva Vizcaya Archdiocese  The sun goes down and stars appear,A sign that God is alw...
14/08/2026

๐”๐ง๐Ÿ๐š๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐‹๐จ๐ฏ๐ž
By: Jerry Aguinaldo Jr
Nueva Vizcaya Archdiocese

The sun goes down and stars appear,
A sign that God is always near;
The seasons turn and years go by,
But His great love will never die.

When we are lost and go astray,
He waits to bring us back the way;
With open arms and mercy wide,
He welcomes us to His own side.

He gives us strength when strength is gone,
And makes the path where we walk on;
In every trial, grief, or test,
His love remains our surest rest.

So trust in Him with all your heart,
For He will never let you part;
Through life and death, and worlds above,
We live within His unfailing love.

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก: Hon. Olive T. Magliba and his wife, CBA PTSC President Jeanie Magliba, have just arrived at the San Leonardo Ch...
14/08/2026

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก: Hon. Olive T. Magliba and his wife, CBA PTSC President Jeanie Magliba, have just arrived at the San Leonardo Chapter in San Leonardo, Aglipay, Quirino, to attend the Holy Consecration and Inauguration Celebration on August 14โ€“15, 2026.

Their presence adds significance to this momentous celebration of faith, unity, and thanksgiving.

Address

Nibaliw Magliba
San Fabian
2433

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Crusaders of the Divine Church of Christ Philippines Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share